Chapter One

13 2 0
                                    

''What the! Dahan-dahan naman, Jia. Balak mo ba akong patayin?''pasigaw na saway ni Mika sa kaibigan nang diniinan nito ang paglinis sa sugat siya. Malakas siya nitong binatukan.

''Aray!'' Napahawak siya sa ulo.

''Marunong ka naman pa lang makaramdam ng sakit eh, bakit lage kang nakikipag-away? Tingnan mo nga 'yang labi mo, namamaga na. Ang dami mo pang peklat sa braso. Naku naman, Mika. Babae ka hindi lalaki. Bakit napakabasagulera mo?'' sermon nito. Napapikit pa siya nang pa-bigla nitong binuhusan ng alcohol ang sugat niya.

''Ito, ito. Tingnan mo, kamay pa ba 'yan ng babae?'' turo nito sa kamay niya habang nilalagyan ng bandage. Lihim siyang napaismid.

''Until when are you going to act like this? Two years na ang lumipas, bakit hindi mo pa 'rin kayang--''

''Okay, Dr. Jia. Tapos ka na 'diba? Alis na ako,''putol niya at agad tumayo. Alam niya kasi kung saan na naman patungo ang usapan.

''Salamat dito,'' turo kinuha niya ang jacket at aalis na sana nang pinigilan siya nito sa braso.

''Sandali lang.'' may kinuha itong brown envelope sa bulsa ng bag. Inabot ito ni Jia sa kanya. Napairap siya nang makita ang mga larawan ng iba't ibang lalaki.

''Jia, ilang beses ko bang sasabihin sayo. Masaya na ako sa buhay ko ngayon. Wag kang mag-alala. Okay? Sige. Alis na'ko.''

''Pero--''

For almost three years, she, Mikaela Chavez, has always live her life like this. Going for a fights, racing, drinking, partying, flirting with different man. Some even called her the bad bitch, princess of bachelors. Maybe because she only dated them for fun, a relationship that only lasted for three days or one week.

Marami ang may galit sa kanya pero wala siyang pakialam, she's no longer that innocent angel who can't even kill a single mosquito. Masaya na siya sa buhay niya ngayon, no one dared to bully her anymore. She's free to do whatever she wants. She has her own freedom.

Love? Fuck that love. Mas pipiliin pa niyang maniwala sa multo kesa sa pag-ibig. She won't let herself  fall in love again. Never.

*you've got a message*

Binuksan niya ang text message. Galing ito kay Jia.

("Sorry baby girl. I won't try to set you up again. Can you buy me a blower? I still have a shift until tomorrow afternoon eh. Thank you. Mwahh.") bumuntong-hininga siya sa nabasa.

She clearly know that she hates going to a mall. Inutusan pa talaga siya nitong bumili ng blower. And what, baby girl? She's really childish. Pagkatapos siya nitong sermonan na parang matandang dalaga, now she acted like a child. Tch.

"Tabi! Tabi!" Isang wheelchair ang papunta sa direksyon niya. Mabilis ang takbo nito.

''Tabi!''

''Shit!'' akala niya masasagasaan na siya nang may isang kamay ang biglang humablot sa bewang niya. Para na itong nakaback-hug sa kanya kung tingnan. Gumagalaw pa ang kamay nito na parang hinimas-himas ang tiyan niya. Nanlaki ang mata niya sa nangyari.

"That was close. You should--" malakas niyang tinapakan ang paa nito at mabilis na kumawala. Sinuntok niya ito sa mukha.

''What the!''

"Pervert!"

"What? Pervert? Listen Miss, kung hindi ko 'yon ginawa edi sana nakahiga ka na ngayon diyan sa sahig.''may halong inis na paliwanag nito.

Game of Fate: Love 'n tearsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon