Chapter Two

11 1 0
                                    

''She's not that bad. She's just a bitch. A little bad bitch who lost her faith.''




''WHAT?'' muntik nang maibuga ni Mika ang ininom niyang tubig nang marinig ang sinabi ni Jia mula sa kabilang linya.

''This is my fucking house, Jia. Sinong nagsabi sayo na pwede mo itong pa-rentahan? I don't lack in money nor i need money.'' bulyaw niya sa kaibigan.

(''But you at least need a company, right? Babygirl, you're always alone. Kung may kasama ka man, mga basagulero o di kaya mga kasamahan mo sa racing, and you always involved yourself in fighting. Nag-alala lang ako sayo. At least may kasama ka sa bahay, diba? Medyo mapanatag na ang loob ko.'') anito. She rolled her eyes.

''I can protect myself, Miss Jia. I don't need a companion or a bodyguard. You know it.''

(''I don't care. He's already on his way. Don't worry, he's my cousin. He's a good man. Don't kick him out or else I won't stop finding a perfect husband for you.'')

''But--'' binaba na nito ang tawag. Inis na nilapag niya ang cellphone sa mesa. That woman is really a nuisance. Pero hindi niya 'rin ito masisisi.

She's right. She's always alone. She goes in the bar frequently, changes a boyfriend like it's a broken phone. She don't take relationship seriously. For her, it's only a game. When she's in pain, she only keep it to herself, well, except for Jia, that woman knows everything. Her family? She don't have one.

Nag-vibrate ang cellphone niya. Text message galing kay Asun, isa sa kasamahan niya sa Jianlong, isang black market kung saan nagaganap ang mga illegal gambling/kickboxing/racing. 

''Ela, pwede ka ba mamaya. May laban 6pm. 50k 'yong pusta.''

Napangiti siya sa nabasa. Okay, since wala naman siyang magagawa, mabuti pang pupunta nalang siya mamaya sa Jianlong. Kesa magmukmok siya dito, lalo lang siyang maiinis.

''Okay. I'll be there,'' reply niya at pumunta na sa kwarto para magbihis.

ISANG itim na ducati ang huminto sa harap ng pulang gate ng Jianlong. Bumaba mula rito si Mika, nakasuot siya ng black jogger pants and black one shoulder top na pinatungan niya ng itim na jacket . She hates bright color so she always wear black or grey, ito rin ang dahilan kung bakit siya tinawag na black witch dito sa Jianlong. Or maybe because she has a black heart and beat her opponent half dead.

Maraming tao ang nakatambay sa labas habang nagtatawanan, may nagsisigarilyo, nag-iinuman, naghahalikan, 'yong iba halos naghuhubaran na. Walang namang bago doon, lagi namang ganito ang eksena dito. Nasanay na 'rin siya. 

Pagkapasok niya sa loob ay sinalubong 'agad siya ni Asun na nakasuot ng grey na t-shirt na pinatungan ng puting  jacket. Blonde ang buhok nito na may hikaw sa dalawang tainga. Kasunod nito sa likod sina Gian at Aerol. Sila ang lage niyang kasama dito sa black market. 

They all have the same reason, but not the same hatred. Nakilala niya ang mga ito dito lang 'rin sa Jianlong. They're in the bricked of death when she saw them. Nasa bad mood din siya ng mga oras na 'yon kaya nakipag-away siya at niligtas ang mga ito. And now they became her friends. They have half of her trust.

''Ela, 'buti nandito ka na. Kanina pa kami naghihintay sayo, eh.'' Aerol. Ito ang pinakabata sa tatlo. Pero ito rin ang pinakamatangkad at pinakamaingay.

''Si Tyron 'yong makakalaban mo, kaya mo ba?''may pag-alalang tanong ni Gian. Di gaya ni Aerol, si Gian ang pinakatahimik. Lage itong nakasuot ng eyeglasses. Sa pagkaka-alam niya isa itong surgeon noon pero dahil sa isang insidente, nawalan ito ng lisensya. Hindi niya alam kung anong nangyari, ayaw niya namang magtanong. Mabuti na 'yong wala siyang gaanong alam.

Game of Fate: Love 'n tearsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon