Chapter 71: Kalsada

3 1 0
                                    


Isang mahabang kalsada
Diretsyo, liliko, kanan at kaliwa
Patungo sa lugar ng paglaya
Naglalakbay, naghahanap ng bisa
...sa lahat ng sakit n anadama
...sa lahat ng naubos na luha.

Isang mahabang mundo,
Ngunit hindi Pulido
Ang lahat ay isang misteryo
Naglalakbay sa alaala mo

Ang damdamin ay bumabalik
Kahit hindi na umiimik
Hindi sapat ang mga halik
Hindi na pwedeng ibalik

Bawat paghakbang
Bawat pagtahak sa daan
Laging ang patutunguhan...
ay pabalik sa nakaraan

Kahit anong takbo
Ang puso ay pabalik sa'yo
Kahit na gaano pa kagulo
Sa'yo pa din patungo


- Kalsada
Chapter 71
March 30, 2021
11:00pm
***

A Letter To RJ II: Unknown ChaptersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon