CHAPTER 76: Okay Na Ako Nang Wala Ka

13 1 0
                                    

Okay na ako nang wala ka
Pero hindi sapat ang "okay" na salita
Hindi ibig sabihin na wala namang luha
Hindi ito isang normal lamang na akda

Okay akong hindi ka magparamdam
Ngunit nalulunod sa lalim ng kawalan
Kasiyahan ay hindi ko naman nakamtan
Dahil hindi ka man lamang nagpaalam

Muli na namang natapon ang tinta
Ngunit sa publiko, ito'y ipinapakita
Upang makarating sa'yo ang mga inukit kong letra
Malalaman mo kaya ang sakit na nadama?

Bago ka dumating, ako ay nabasag na
Binuo ang sarili ngunit may lamat pa
Hindi ko akalaing pagpasok mo sa eksena
Dating may lamat, dudurugin mo lang pala

Ngayon, heto ako at isa nang pulbos
Tinatangay ng hangin, unti-unting nauubos
Ngunit ang istoryang ito ay hindi pa tapos
Sasabay pa din sa anumang agos



- Okay Na Ako Nang Wala Ka
Chapter 76
May 13, 2021
01:08pm

***

A Letter To RJ II: Unknown ChaptersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon