Madaling araw nang gisingin sya ng kinalakhang yaya nya. Her grandpop died in his sleep. Hindi na ito umabot sa flight nito patungong Amerika sa makalawa. Tila estatwang sumunod sya rito at tumayo lang sa gilid ng pintuan. She cannot see him like this. Naupo sya sa sahig at tila batang umiyak. Di nya alam kung gaano katagal syang umiiyak. Nagulat pa sya ng maramdamang umangat sya mula sa pagkakaupo.
“Jack?” tinangka nyang bumaba sa pagkakabuhat nito ngunit nabigo. “Please put me down.” aniya sa paos na boses.
Ibinaba sya nito sa sofa at naupo sa tabi nya. “Tinawagan ako ni yaya Sol. Are you alright?” Hinawakan nito ang mukha nya at tangkang pahirin ang luha nya ngunit agad nyang tinabig ang kamay nito.
“Do I look alright?” sarkastiko nyang tanong na binalewala nito.
“I know what you’re going through...”
“No you don’t.”
Tila mauubusan ng pasensyang isinuklay nito ang mga daliri sa buhok. “ Will you be alright, I’m going to take care of important things. IIwanan muna kita.” anito at tumayo na. Marahan syang tumango at tuluyan na itong umalis. Nang dumating si Aunt Lena kasama si Derrick ay tila batang muli syang umiyak sa mga ito.
Dalawang araw lang ibinurol ang matanda at ni minsan ay hindi sya lumapit sa kabaong nito. Her grandpop raised her. Apat na taon lang sya nang pumanaw ang mga magulang at ang lolo nya ang tumayong magulang nya. She was spoiled rotten by the old man at bahagya syang nakaramdam ng guilt na sa maraming pagkakataon ay wala sya sa tabi ng matanda, sa halip ay nasa ibat ibang party, sa edad na twenty ay nasa pangalawang taon pa lang sya sa kursong Business Management at pangatlong kurso na nya ito.Nang ilibing ang lolo ay katabi nya si Jack. Iginiya sya nito palapit bago tuluyang takpan ang kabaong ngunit tumanggi sya. Nakaalis na lahat ng mga nakipaglibing ngunit nanatili sya sa kinatatayuan. She wanted to be happy dahil magkakasama na ito at ang parents nya. Ngunit di nya kayang pigilin ang sakit ng pangungulila rito. Napapitlag sya ng akbayan ni Jack at igiya na pasakay sa itim na landcruiser nito. Si Aunt Lena at Derrick ay sumakay sa lumang sedan ng mga ito. She wondered where is her grandpop’s Ferrari.
Nang makarating sa bahay ay diretso syang pumanhik sa hagdanan nang tawagin ni Jack.
“What’s wrong with you, hindi mo man lang tiningnan ang lolo mo.” he sounded annoyed.
“I don’t want to see him dead.”
“Well, you could have at least said goodbye.” Jack was sarcastic.
“I hate him...he left me..Mag isa na lang ako...naiintindihan mo ba yun?” naupo sya sa hagdan at naiyak na itinakip ang mga palad sa mukha. “I have no one...”
Agad na lumapit sa kanya ang lalaki at tinangka syang aluin. Itinulak nya ito. “Hindi ikaw ang nawalan Jack, hindi ko kayang makita sya na walang buhay. I only want to remember him alive.”
“I’m sorry, I was inconsiderate.” anito kasabay ng buntong hininga.
“Magpapahinga na ako...” aniyang tumayo at di na hinintay pang sumagot ito. Mabigat ang hakbang na tinungo na nya ang silid.Ilang oras na syang nakahiga ngunit di makatulog. Kanina pa sya kinatok ni yaya Sol at dinalhan ng pagkain ngunit lumamig lang ito ng di nya ginalaw. Pati ang gatas na inihatid ni Bebeng ay hindi nya pinansin. She wanted to sleep to shut her mind off things ngunit napakailap ng antok. Bumangon sya at uminom ng sleeping pills. She counted sheeps ngunit nanatili pa ring gising ang kamalayan nya. She took another pill. And another. And another. And she drifted to a dreamless sleep.
Jack took a shower at nahiga na. He’s bone tired. Hindi birong responsibilidad ang iniwan sa kanya ng matanda. He was busy taking care of the old man’s company when Mr. Villarama’s friend and retired lawyer approched him. Batid nya na ang matandang abogado ang madalas kausap ng yumao tungkol sa will and testament nito at hindi nya kailanman pinakialaman iyon. The old lawyer discussed with him Mr. Villarama’s will and testament. At sa problema sa negosyo ng matanda, he could only curse sa nakapaloob sa last will nito. Naiimagine na nya ang reaksyon ng prinsesa. Naiiling na bumangon sya at kumuha ng beer. Akmang lalagok sya nang tumunog ang cellphone.
“Yaya Sol?” aniya sa kabilang linya. Napamura sya sa sinabi nito at agad na ibinaba ang cellphone. Mabilis na isinuot ang pantalon at basta na lang humugot ng t-shirt mula sa cabinet.
“Jack!” narinig nyang tawag ng ina na nadaanan nya sa sala na nanonood ng tv kasama ang stepfather nya.
Meron syang sariling condo sa Makati ngunit minsan ay dito umuuwi sa mansyon ng mga magulang sa Quezon City. Bukas na aklat na ang kanyang ama ay isang kilalang pulitiko. Ang kanyang ina ay isang publicist at bagaman ikakasal na ang pulitiko ng mga panahong iyon ay natukso ito sa kanyang ina. At sya ang naging bunga ng pagkakamaling iyon. Well, ipinagpapasalamat din naman nya na kinilala sya ng ama at binigyan ng pangalan. At bagaman kahit kelan ay hindi nya nakasundo ang mga kapatid nya sa ama at asawa nito ay naging maganda ang relasyon nila ng ama. Ngunit ironically, ang relasyong ama sa anak ay ang stepfather nya ang nagpuno. His stepfather was a retired chief engineer. Isa lang ang naging anak nito at ng mama nya, si Abby.
“May emergency ang prinsesa, Ma.” aniyang bumalik para humalik dito. Hindi lingid dito kung sino ang prinsesa at sa tuwina ay natatawa ito kapag tinatawag nyang prinsesa si Andrea. Ngunit sa pagkakataong iyon ay bumakas ang pag aalala sa mukha nito. “I’ll fill you in later” aniyang tinanguan ang amain at muling nagmamadaling lumabas.
YOU ARE READING
Hindi Sinasadyang Mahalin Ka
RomanceDahil sa gusot na ginawa ng pinsang si Derrick, kinailangan nyang gumawa ng desperate measures. And she made one evil plan with an evil laugh.. Pikot 101: Step 1: Lasingin, Step 2: Hubarin ang mga damit, Step 3: Magkunwang natutulog at hintayin...