Nadatnan nya sa kusina si yaya Sol na nagluluto ng agahan. Tinabihan nya ito at inakbayan.
“Maaga kang bumangon di pa ako nakakaluto. Pero may kape na dyan.” anitong hinalo ang tocino sa kawali.
“Ngayon daw babasahin ang will and testament ni grandpop...” malungkot syang naupo sa kalapit na upuan at nangalumbaba.
Nilinga sya ng matanda at hinagod ng tingin. She’s wearing a navy blue sleeveless dress na lampas tuhod at tila sako na walang korte. A look of disapproval passed the old woman’s face. Lalong pinalutang ng kulay ng damit ang pamumutla nya at ang tabas nito ay di nakatulong para itago ang bahagyang pamamayat nya sanhi ng nararamdamang stress sa mga nakaraang pangyayari.
Luminga sya sa paligid. It was 7 AM ngunit tahimik ang paligid. “Nasaan ang tagaluto, yaya? Bakit ikaw ang nag aasikaso dyan?”
Narinig nya ang buntong hininga ng matanda. “Mainam na si Jack na ang magpaliwanag sa yo. Ako man ay di masyadong maintindihan.”
“Pinaalis nya ang mga kawaksi?” nagulat nyang tanong.
“Hindi anak. Si Jack na lang ang tanungin mo, mas maipapaliwanag nya.” inihain nito ang nilutong almusal.
“Wala na yata akong gana yaya. Magkakape na lang ako.”
“Hindi pwede, Andrea.” anito sa tonong tila isang bata ang kinakausap. “Tingnan mo nga ang katawan mo.” may disgusto nang muli nitong sulyapan ang kabuuan nya.
Walang imik na kumain sya. Inawat lang nya ang matanda nang akmang lalagyan ulit nito ng kanin ang plato nya.
“Wag mong pinababayaan ang sarili mo anak. Hindi naman din laging nandito kami ng Manong mo.”
“Ano po bang ibig nyong sabihin dyan...aalis din kayo?”di pa man nakakausap si Jack ay nakakaramdam na sya ng inis dito.
Hindi na nasagot ng matanda ang tanong nya sapagkat maingay na bumusina ang sasakyan ni Jack. Akmang tatayo ito nang awatin nya. “Ako na ho.” alam nyang madalas nitong idaing ang rayuma nito. Pinigil nya ang malakas na kabang nararamdaman nang maalala ang mainit na eksena nila ni Jack sa kanyang panaginip.
“Akala mo kung sinong hari kung bumusina, nasaan ba si Bebeng...” bubulong bulong nya habang patungo sa gate.
Nakasimangot na binuksan nya ang gate. Nagbaba ng bintana ng sasakyan si Jack nang makitang sya ang nagbukas. “Asan si Bebeng..?” tanong nito.
Inirapan nya ito. “E baka pinaalis mo na rin?” aniya.
He sighed at ipinasok na ang sasakyan. Hinintay sya nitong makapasok at sinabayan. “What are you talking about?”
“Wala ng mga kawaksi. Ikaw ba ang nagpaalis sa kanila?” diretso nyang tanong.
He sighed at sumabay sa kanya papasok. “I will explain pagdating ni Atty. Cabriga.” ang tinutukoy nito ay ang kaibigang abogado ng matandang Villarama.
Huminto sya at hinarap ito. “Why not now, Atty. Guirron?” nakapameywang na wika nya.
He smiled and surveyed her. “So, it’s back to Atty. Guirron?” pinaglandas nito ang mata sa kabuuan nya and it made her feel suddenly conscious. “Pumayat ka.”
“Sorry to disappoint you, hindi ako kasing sexy ng mga babae mo.” aniyang bumalik ang inis sa sinabi nito.
Natawa ito at nagpatuloy maglakad patungo sa study room na ginagawang opisina ng lolo. Hinawakan nya ito sa braso upang pahintuin ngunit dahil medyo nanghihina pa sya ay muntik pa syang mapasubsob. Agad syang hinawakan nito sa beywang. Pumiksi sya dahilan para lalong mawalan sya ng panimbang. Halos nakahiga na sya sa sahig nang masalo ng binata. He laughed again sa labis na pagkakapahiya nya. “Stop it, Andrea.” anito sa maawtoridad na tinig nang tangkain nyang muling pumiglas. “Pareho tayong matutumba sa ginagawa mo. Or you really want to be this close to me?” tudyo nito.
Naalala nya ang panaginip nya at tila napasong hinila ang braso mula kay Jack. “In your dreams.” itinulak nya ito at pinilit maupo na lang sa sahig. Nakapameywang na tinunghayan sya nito na tila batang nagtatantrums.
“Don’t look at me na tila ako batang nagtatantrums Attorney.” aniya
“Of course, you’re not a child anymore.” hinagod nito ng tingin ang mga hita nyang nalantad nang malilis ang bestida. Mabilis nyang hinila pababa ang bestida. “But you still throw tantrums” dugtong nito at iniwanan sya.
Naiwan syang nakatulala at sinundan ito ng tinging pumasok sa study room. Di man lang sya tinulungang tumayo. Eh inaalalayan ka nga umaarte ka, anang bahagi ng isip nya.
“Ano bang ginagawa mo dyang bata ka?” boses ni Manong Liloy ang nagpalingon sa kanya. Sa likod nito ay nakilala nya ang kaibigan at retired lawyer ng ama.
Mabilis syang tumayo at lumapit sa abogado. “Hi, tito.”
Niyakap sya ng matandang abogado. “I’m glad you’re okay now. Sinabi lang ni Jack na nahospital ka pero di na ako nakapunta. Inaatake na naman kasi ako ng hika ko.”
“Okay lang po, tito. Sandali lang naman ako sa hospital.”
“Nandyan na ba si Jack?” tanong nito.
Muli syang nakaramdam ng ngitngit nang maalala ang binata. “Nasa study room na po.”
“Hindi man lang tayo nagkausap nang iburol ang lolo mo.”
“Hindi ko po kayang makiharap kahit kanino that time, ipagpaumanhin nyo.”
“Gusto nga sana kitang bigyan ng kahit konting ideya sa mga bilin ng lolo mo but Jack was against it. You were grieving at di nga marahil makakabuti. At nahospital ka pa, there was no chance to tell you.”
“Ano po ang ibig nyong sabihin, nakakagulat ba ang bilin ng grandpop?” she tried to humor the old man. Seryosong seryoso kasi ang anyo nito at hindi nya gusto ang kabang unti unti nyang nararamdaman.
Ang akmang pagsagot ng matanda ay hindi natuloy nang lumabas si Jack mula sa study room. Nagkamay ang dalawang abogado at nagpatiuna ng pumasok sa study room. Binilinan nya muna si Bebeng na magdala ng kape bago pumasok sa study room kasunod ang mag inang Lena at Derrick na kadarating lang. Hindi maganda ang kutob nya sa habilin ng lolo . Ngayon ba nya kelangang pagkatiwalaan si Jack? May pakiramdam syang kabaliktaran. It seems her grandpop made the mistake of trusting Jack at hindi nya kelangang ulitin ang pagkakamaling iyon.
Nang makaupo silang lahat ay binalingan nya si Jack.
“Let’s start and get it over with...” aniya. Ayaw na nyang patagalin ang nararamdamang kaba. Ngunit kung nalalaman lamang nya ang laman ng huling habilin ng lolo ay baka hindi na nya nais pakinggan
Si Jack ang umokupa sa kabisera at sa kaliwa nito ay ang mag ina. Derrick has been avoiding her gaze at may kutob syang hindi maganda. Sa kanan nito si Atty. Cabriga at sa tabi sya ng matanda naupo.
Nagsimulang magsalita si Jack tungkol sa negosyo ng pamilya. Nagulat sya sa mga naririnig mula rito and she was actually gaping at him.
Ang kanilang chain of restaurants ay naipagbili na ng lolo nya at ang natira na lamang sa kanila ay dalawang restaurant Ang vacation house nila sa Tagaytay at sa Batangas ay parehong naipagbili na rin.
“Why? Bakit hindi ko alam?” akusa nya kay Jack. Hindi sya tiningnan nito sa halip ay patuloy sa pagsasalita.
“Niloko ang lolo mo ng partner nya. When he took over, he took all the money at iniwan lahat ng utang. Kabi kabila ang demanda because of money. Sam has no choice but to sell kesa malugi at mawala lahat.”
“Out of thirty branches, dalawa na lang ang natira. Ano pa ang meron?”
“As I have said, you have two restaurants, one in Libis, the other one in Cebu. May maliit na lupa pa kayo sa Quezon. You can sell it pero hindi masyadong malaki ang makukuha mo roon. I suggest na wag mong ibenta. May regular income ka mula sa palay, not that much pero makakatulong.” ani Jack . “Nakausap ko na ang katiwala roon at maayos naman ang napagkasunduan namin. And you have this house. But the cars were sold, may mga inaayos na lang na documents so mga next month kukunin ng bagong may ari. You may keep your cars.” tukoy nito sa dalawang sedan nya at CRV. “At meron kayong tig limang milyon ni Lena. Well, Lena and Derrick ay maghahati sa limang milyon.”
Wala sa sariling tumango sya. She will talk to Derrick later tungkol sa sasakyan. Tumikhim ang matandang abogado at tinanguan ito ni Jack.
Ang ibang kawaksi ay binayaran na. Sina yaya Sol at Manong Liloy ay binigyan din ng maliit na halaga, sapat upang makapagretire ang mga ito. Si Bebeng na lang at ang hardinerong si Ruben ang naiwan bukod sa mag asawa.
But there has been a problem, inaasahan marahil ng lolo nya na magiging successful ang pagpapagamot nito sa Amerika and made a new will. Ang lahat ng nabanggit na naiwan nito ay inilipat nito kay Jack at mapupunta lamang sa kanya pagsapit sa edad na bente singko. At five years pa iyon!
“What’s wrong with grandpop? I’m old enough. I’m twenty! ” napatayo sya to emphasize her point.
“Honestly, Andrea. Sam thought he will come back from America. Inaasahan nya na masusubaybayan ka pa rin nya and assigning Jack as your guardian was only temporary.”
“Five years do not sound temporary, tito. I am of legal age. Surely, pwede kong i-contest ang will ng lolo.”
“Well, you can pero Sam was a shrewd businessman, he made Jack his legal partner na kung mawawala sya everything belongs to Jack. Sa maikling salita, wala ka kahit ano, you’re at Jack’s mercy.”
“That’s impossible.”
“The good news is , Jack will only be his partner and your guardian for five years. And you will have a monthly allowance of twenty thousand. After that period of time, everything is yours ngunit iyon ay nakasalalay sa rekomendasyon ni Jack. ”
“What recommendation?”
“Well, Jack will be training you sa pamamalakad ng restaurants.”
“At kung hindi ako pumasa sa training?”
“Another year..”
Nanghihinang sumandal sya sa upuan. Hindi nya alam kung ano ang sasabihin at kung ano ang dapat maramdaman. Isang oportunista ba si Jack at nilinlang ang lolo ng mga panahong maysakit ito.
“Frankly, sweetheart, hindi ko rin ito gusto.” ani Jack with dislike in his eyes. “Kung nalaman ko ito nang nabubuhay pa ang lolo mo, ako mismo ang kakausap sa kanya.”
“Grandpop must be crazy to trust you.” aniyang nilinga si Jack. “Hindi ba pwedeng tumanggi si Jack?” tanong nya sa matandang abogado na tila susumpungin ng hika anumang sandali.
“Maari syang tumanggi at ang pera ay mapupunta sa charity. Maliit na halagang maituturing but it will be better kung hindi tatanggi si Jack. Ang mansyon lang at ang maliit na lupa sa Quezon ang maiiwan sa yo. Jack and Lena will inherit the restaurants. It will be better na sumunod kay Jack sa loob ng limang taon.” sinulyapan nito si Jack na tahimik lang.
“Ang mga utang ng lolo?”
“Everything was settled. Kaya nga he had to sell his cars.” ani Jack.
“Either way, walang katalo talo si Jack.” wika nya sa matandang abogado na tila ba wala roon ang tinutukoy.
“I am not after your damn inheritance. Modesty aside, kung pera rin lang ay mas mayaman pa ako sa yo.” ani Jack. “Madali akong kausap, Andrea, kung ayaw mo ng guardian, we can prepare the documents para mailipat sa charity ang pera mo. I respect your grandfather enough para tanggapin ang responsibilidad na ito, and believe me, ayoko nito.” natahimik sya sa galit na nasa tinig ng lalaki.
“Is there a way out?” muli nyang tanong.
“Well, you can marry a decent guy. At dapat kilala mo na for more than a year because the partnership will be transferred to him.”
She sighed. Hindi nya ito naiisip as a way out. Wala syang boyfriend. At wala syang kakilalang higit na karapat dapat na maging partner ng lolo nya maliban kay Jack.
Kagaya rin sya ng lolo nya, walang ibang inaasahan kundi si Jack. She sighed. Kinapa ang bulsa ng bestida at inilabas ang sigarilyo at lighter. Hindi sya naninigarilyo, nakasanayan lang nyang magdala sapagkat karamihan sa mga kabarkada nya ay naninigarilyo. Bago pa nya mabuksan ang sigarilyo ay nagsalita na si Jack.
“No smoking, Andrea. As your guardian, yan ang una kong ipinagbabawal.” his voice was serious.
Tiningnan nya ito ng masama at itinulak dito ang lighter at sigarilyo. “Of course.”sarkastiko syang ngumiti at tumayo. “Magpapahinga na ako.” hindi na nya hinintay na may sumagot. Agad syang tumalikod at tinungo ang kwarto.
Nang marating ang silid ay agad nyang sinipa ang upuan at ibinato ang unang bagay na nahawakan. Nahiga sya and let her tears fall. How could you leave me like this, old man? hinagpis nya. Pinahid nya ang luha nang maramdamang bumukas ang pinto. Pumasok si yaya Sol at naupo sa tabi nya.
“Ang sabi ni Jack, maari raw kaming umalis kung gusto namin.” anito
Bumangon sya at humarap dito.
“Hindi kita iiwanan anak.” matipid itong ngumiti at hinaplos ang mukha nya. “Tayo tayo na lang ang magkakapamilya at nagdesisyon kami ng manong mo na wag umalis.”
“Di ko maintindihan si grandpop, yaya.” aniya
“Mahal ka ng lolo mo, Andeng, kung anuman ang dahilan nya, para sa kabutihan mo iyon. Saka alam kong mabuting tao si Jack.”
“Pati ba naman kayo kakampi na rin ni Jack.” akusa nya
“Hindi ito kampihan, Andeng. Mabuting tao ang lolo mo, tiyak mabuting tao rin si Jack para pagkatiwalaan ng lolo mo.”
“Sana ganun kadali para sa aking pagkatiwalaan si Jack. Bigla na lang syang sumulpot sa buhay naming mag lolo. The old man admired him so much na pati ang pagdedesisyon para sa sarili nyang apo ay ipagkakatiwala nya kay Jack.” may pagtatampo nyang wika.
Nahiga sya ng maayos at itinakip ang unan sa mukha. “Magpapahinga na po muna ako.”
Nang lumabas ang matanda ay muli nyang idinayal ang cellphone number ni Derrick.
“Hey...hindi na kami nagpaalam sa iyo, you need to rest.” anito
“Yeah...Derrick, yung car ng lolo...” simula nya.
“Yeah I know...may konting problema lang pinsan...”
“What? anong nangyari?” napaupo sya mula sa pagkakahiga
“Don’t worry, promise end of this week ihahatid ko.”
“Sure ka ha...” muli syang nahiga
“Oo naman, magpahinga ka na muna. Grabe ang will ng lolo mo.” anito
“Lolo natin.”
“Stop being nice, Andrea, hindi tayo magpinsan. Sige na magpahinga ka na.”
“Is Aunt Lena with you?” tanong nya
“Naihatid ko na sya. Pauwi na ako.” ang aunt Lena nya ay sa isang maliit na subdivision malapit sa mansyon nakatira samantala si Derrick ay sa isang pad malapit sa pinagtatrabahuhan nito sa Ortigas nakatira.
“Sige, I’ll visit her na lang...ingat ka.”
“Yeah...” ani Derrick and ended the call.Nang makaalis ang matandang abogado ay sumakay na rin ng sasakyan si Jack. Hindi nya kelangang tanggapin ang responsibilidad na ibinigay ng lolo nito. At tama ito, either way, wala syang talo. But he’s not interested with her inheritance. Marahil ay nakokonsensya lang syang pabayaan ito. Bukod pa roon, may utang na loob sya sa matanda. Naaksidente sya three years ago nang mahulog ang minamanehong sasakyan sa isang bangin galing sa Batangas. Hindi masyadong mataas ngunit mabilis ang pagmamaneho nya at nakainom sya. Gaya ng iba, he became a fool for love at ang aksidenteng iyon ang resulta. Margaret, may pait sa dibdib na nasambit nya.
Ang matandang Villarama at ang driver nito na si Mang Liloy ang tumulong sa kanya. Bagaman hindi sya malubhang nasaktan ay naconfine pa rin sya sa hospital at ang matanda ang nag asikaso sa kanya. Ipinaalam lang nya sa amain ang nangyaring aksidente nang makalabas na sya ng hospital at nakiusap na wag ng banggitin sa ina. Hindi na nya nais pang bigyan ng alalahanin ang ina sapagkat minsan na itong nastroke.
Tinawagan nya ang sekretarya.
“Please cancel lahat ng appointments ko sa umaga.” aniya
“Sige boss, wala ka naman ng appointment after lunch kaya free ka pa rin ng hapon. Tatanggap ba ako ng schedule for the afternoon?”
“I’ll let you know in the morning.” aniya and ended his call.
He stopped on red light at isinandal ang ulo. Ipinikit nya ang mga mata at marahang humugot ng hininga habang hinihilot ang sentido. Busina ng kasunod na sasakyan ang nagpamulat sa kanya. Mabilis na pinaharurot nya ang sasakyan. Hindi na sya tumuloy sa ina sa Quezon City, instead made a U turn patungo sa condo sa Makati. He is going to be sick at mas malapit na sya sa Makati.
YOU ARE READING
Hindi Sinasadyang Mahalin Ka
RomanceDahil sa gusot na ginawa ng pinsang si Derrick, kinailangan nyang gumawa ng desperate measures. And she made one evil plan with an evil laugh.. Pikot 101: Step 1: Lasingin, Step 2: Hubarin ang mga damit, Step 3: Magkunwang natutulog at hintayin...