III. Lauryn

5 0 0
                                    

12 am nang makarating ako sa aking bahay. Pumasok na ako doon at dinala yung libro na bigay sakin ng matanda kanina. Balak ko pa sana uling silipin ito pero masyado na akong antok para gawin pa iyon. Nahiga na ako sa kama at pinikit na ang aking mga mata.

-Kinabukasan-

"Tito Piyew wake up wake up." Nagising ako dahil sa pagtapik tapik sa mukha ko. Minulat ko ang mga mata ko at agad na sumalubong sakin ang ngingiti ngiting mukha ni Brayle.

Tumayo ako at nginitian siya. "What are you doing here little girl?" Malambing na saad ko.

"Hehe, nagpatama po ako tay mommy papunta dito." malambing nyang saad. Cute cute niya talaga. Ang sweet pa hahaha. Happy pill talaga.

"Kumain ka na ba? Sabayan mo si tito magbreakfast?" Ngumiti siya ng pagkalawak. "Stay here muna ah. Maghihilamos lang ako." sabi ko at pinaupo naman siya sa kama.

Pagkatapos ko maghilamos ay binuhat ko na si Brayle. Mausok. Napuno ng usok ang kusina. What the hell may sunog ba? Bakit amoy sunog? Nilibot ko ang paningin ko at tinakpan ang ilong ni Brayle para hindi siya makalanghap ng usok. Nang mabawasan na ang usok ay naaninagan ko ang isang pamilyar na pigura. "Good morning Pierre. Hehe." nag aalangang bati ni ate Gayle habang kakamot kamot sa ulo niya. Pinaupo ko na sa upuan si Brayle.

"Ako na magluluto ate. Bantayan mo na lang si Brayle." Sabi ko saka diretso na pumunta sa lababo at inayos ang mga lulutuan. Sinuot ko ang apron ko at nagsimula na mag luto.

"Sorry for the trouble Pierre." Dinig kong bulong niya. Well wala lang naman talaga sakin yun. Ang mahalaga naman kasi ay walang nangyaring masama sa kanya.Sinilip ko lang sila at napangiti. Pasalamat ka mahal ko si Brayle. I said at the back of my head.

Makalipas ang ilang minuto ay natapos na akong magluto. Fried garlic rice, scrambled eggs, hotdogs, at ilang pirasong french toast lang naman ang niluto ko. "Wow. Ang galing magluto ni tito Piyew!" Masayang bungad ni Brayle nang makita ang mga pagkaing niluto ko. Cute.

Inumpisahan ko na siyang lagyan ng kanin sa plato niya. Binigyan naman siya ng isang glass ng gatas ni ate Gayle. "Can you eat alone baby?" Malambing na saad ko sa kanya. Tumango tango naman siya at ngingiti ngiti pa. Kung nandito lang talaga si kuya.

"Ahm Pierre, aalis nga pala kami ni Brayle." Nagulat ako ng biglang sabihin yan ni ate Gayle. Hays so mag isa na naman pala ako. "Hey what's with the face? Chill okay hahaha magbabakasyon lang kami. 1 month." Dagdag niya pa at ngumiti. Loko talaga bat di ako sinama ng babaeng toh.

"Saan kayo pupunta?" Matipid na saad ko saka kumuha ng tinapay. 

"Uuwi muna kaming Bicol. You know, just to unwind. Masyado na kasing polluted dito satin. I want to experience fresh air." Maarteng saad niya. Tinaasan ko lang siya ng kilay at hindi na pinansin. Mukhang di na naman toh nakainom ng gamot niya.

"Tito Piyew tapot na po ato. Baba na po ato." Nakangiting sabi naman ni Brayle kaya ibinaba ko siya mula sa pagkakaupo at hinayaang magpaikot ikot lang sa bahay.

Nakakabingi. Tahimik. Awkward. Parang may dumaang malamig na hangin kaya... "Ate Gayle spill it. Bakit bigla mong naisipang umuwi sa Bicol? May nangyare ba? Maybe I can help." Pagbabasag ko sa katahimikan.

"Pierre, everything's fine. Ano ka ba ha-ha. Okay lang kami ni Brayle." Nag aalangang sabi niya. Napabuntong hininga ako. I know there's something wrong. Ang hirap lang kasi wala naman ako sa posisyon para alamin pa iyon. Inalis niya ang pagkakahawak ko sa kamay niya "Walang problema okay? Magbabakasyon lang kami. Gusto mo, bisibisitahin mo kami don kapag hindi ka na busy."

"Fine. Pero ate, if you need anything, please wag kang mahihiyang magsabi especially when it comes to Brayle. Nawala man si kuya, handa pa rin akong magpaka-tatay para sa kanya." Sinserong saad ko habang nakatitig sa mga mata niya. Napansin kong unti unting namumuo ang luha sa mga mata niya. Please, kahit ngayon lang ate pagkatiwalaan mo ako sa problema mo.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 23, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Crownless MemoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon