I. Memoirs (Him)

18 2 0
                                    

-5 years ago-

Kakalabas ko lang ng cr nang may narinig akong kaluskos na nanggagaling sa salas. I checked the entrance door immediately kasi baka sakaling may pumasok pero nakalock pa din naman ito. Di ko na masyadong inisip pa ang kaluskos na iyon. Baka naman kasi hangin lang naman right? I went to my bedroom kaso biglang... "Waaaaaaaaaaaaah!" Rinig kong sigaw ng isang babae... we-wait babae? Magsasalita na sana ako kaso bigla niya kong nilapitan at pinaghahampas. WTH!? "Sino ka!? Nasaan ako? Saan mo ko dinala? Anong ginagawa ko dito?! Sisiguraduhin kong malalaman ito sa aming kaharian at sigurado akong hahatulan ka ng kamatayan dahil sa ginawa mo sakin!" Dirediretso nyang saad habang umiiyak at tuloy pa din ang paghampas sakin. Ano bang pinagsasasabi ng babaeng toh?

Hinawakan ko siya para matigilan siya sa paghampas sakin at tinitigan siya sa mata. Kulay tsokolate ang mapupungay niyang mga mata at nakakadagdag pa sa kagandahan nito ang mahahaba niyang pilik mata. Itim na itim ang kanyang buhok na tila bahagyang nagulo ang ayos. May kaunting mga dumi ang kanyang makinis na mukha at ang labi niya... mapupula at---- *pak* Bumalik ako sa ulirat ko nang sampalin niya ako. "Bastos!" Aniya at tila dumistansya sakin.

"Sinasabi ko sayo wag kang lalapit! Isang kalapastanganan ang ginawa mo!" Sigaw niya habang tinutok sakin ang isang ballpen na nakuha niya sa side table ko. Napangiti ako. Ibang klase rin tong babaeng toh. Tinignan ko siya mula ulo hanggang paa. Nakasuot siya ng gown. Madumi ito at may kaunting mantsa ng dugo--- teka bat siya may dugo? Lumapit ako sa kanya pero umaatras lang siya. Ano bang problema ng babaeng toh!? "Sabing wag kang lalapit!" Sigaw niya at tuloy pa din sa pag atras. Tumingin muli ako sa sahig. Nagkakaron na rin ito ng kaunting mga dugo. Arg!

"Sabing---" Hindi na niya natuloy ang sasabihin niya dahil bigla siyang bumagsak sa sahig. Nilapitan ko na siya hinanap ko ang parte kung saan nanggagaling ang dugo. Oh sh*t nagdadalawang isip ako kung titignan ko dahil sa parterng binti niya iyon. Hays bahala na nga. Tumawag muna ako ng ambulansya dahil hindi ako marunong mag first aid aish! Tinignan ko na ang binti niya na may sugat at hindi ito natigil sa pagdugo. Lintik na san ba galing tong babaeng toh!?

*End of Flashback*

That was the first time we saw each other. Really epic right? Pero on the other hand, that was one of the most unforgettable day of my life. Noong time lang na yun ulit ako nakangiti simula nung nangyare yung trahedyang sumira sa pamilya ko at yun rin ang rason kung bakit mag isa na lang ako sa buhay...

-5 years ago-

Nasa ospital na kami ngayon. Inoobserbahan pa din kasi siya ng doctor dahil simula kanina ay di pa siya... "Nasan na naman ako!?" Nagulat ako nang umupo siya sa kama at sumigaw. "Ano ba tong mga nakalagay sakin!?" Dagdag pa niya. Aish! Tumayo ako mula sa kinatatayuan ko at lumapit sa kanya. "Hoy babae, ano bang problema mo ha? Kanina ka pa sigaw ng sigaw. Nakakarindi ka na alam mo ba yun?" Seryoso kong saad.

"Saan mo ba ako dinala ha!? Ni hindi nga kita kilala eh! Alisin mo sakin ito!" Sumigaw na naman siya. Aish napaka init ng ulo. Hindi na lang nagpasalamat eh noh? Hays, mga babae talaga oh ang sakit sa ulo! Sigaw lang siya ng sigaw hanggang sa may kumatok na sa pinto.

Dumating na yung doctor. Hmm paturukan ko kaya ng pampatulog tong babae na toh? "Oh ikaw! Sino ka ha! Kasamahan ka ba ng panget na toh ha!" Anak ng! Ngayon lang ba siya nakakita ng doctor? Sinalubong ko na yung doctor baka kasi isipin neto nababaliw na tong babaeng toh at bigla kaming ipadala sa mental hospital.

"How was she doc?" I asked calmly.

"Ayos na ang kalagayan niya. She just suffer from extreme exhaustion and fatigue kaya siya nawalan ng malay. Kailangan niya lamang magpahinga ng ilang araw para manumbalik ng buo ang kanyang lakas. Wag kang mag alala Mr. Royale. Ayos lang ang asawa mo."

Crownless MemoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon