II. Where It All Started

11 2 0
                                    

-7 years ago-

Maaga ako nagising at nag ayos. Just a normal work day. Walang pinagbago. Same cycle. Gigising ako para magtrabaho. Why? Well kasi ayaw kong pabayaan yung business na naiwan ng mga magulang ko.

Nga pala I'm Pierre. Aerol Pierre David Royale. 18 years old at mag isa sa buhay. Mahabang kwento kung ikukwento ko isa isa. Baka malate pa ako kaya sa susunod na lang siguro.

"Good morning sir" bati yan sakin ng mga katrabaho ko. Yah yah 18 pa lang ako hinahandle ko na ang business ng family namin. Ang unfair nga ng buhay. Pinanganak yata talaga ako para maging malungkot at mag isa. Hindi ko na sila pinansin at dumiretso na lang sa office ko. As usual, ang daming kailangang pirmahan. Ang daming kailangan asikasuhin. Pakiramdam ko ang bilis kong tumanda. Nakakasawa na nga yung mga ginagawa ko. 15 years old pa lang ako, namulat na ko sa reyalidad at tinanggap ang kapalaran ko. Ang maging mag isa. Kaya eto ako ngayon, pinipilit ihandle lahat ng bagay. Wala naman kasi akong magagawa kundi tanggapin na lang lahat lahat.

Siguro yung iba naiinggit sa kung ano mang pag aari ang meron ako. I really think everyone envy me for being this successful. Oo meron akong iba't ibang ari arian, madaming business na hinahandle, madaming sasakyan, sobrang successful talaga kung tutuusin pero alam ko sa sarili ko na may kulang pa din. Kulang na kulang. Isa lang naman ang hiling ko at malabo na mangyare yun. Kung pwede lang ako bumili ng time machine para mapigilan lahat ng mga bagay nangyare noon, nagawa ko na sana. Kaso malabo talaga at yun ang reyalidad. Gustuhin ko man bumalik sa nakaraan, Gustuhin ko man itama lahat ng pagkaka mali ko ay hindi ko na magagawa kasi nangyare na. Tapos na. Eto na naman ang luha na nagbabadyang tumulo sa mata ko. Aish nababakla na naman ako eh.

I was busy signing the papers nang biglang may kumatok sa pinto. "Come in." I said in my coldest tone. Pumasok ang isang babae. Matangkad, maputi, magaganda ang mata, pero may bitbit na bata. Dala dala niya pa talaga si Brayle? Tsh. Alam na office toh nag dadala ng bata. "Oh? What brings you here?" seryosong saad ko.

Umupo siya sa upuan na nasa gilid ng table ko at kinandong ang batang kasama niya. Ngumiti lang siya at di nagsalita. Si Ate Gayle. Siya ang girlfriend ng kuya ko bago siya mawala. Dati na kaming magkakaibigan. Well she's my first love. Pero hindi naman naging kami kasi nalaman kong si kuya ang gusto niya. They became a wonderful couple. Naging saksi ako don. Masakit, pero ganon yata talaga ang buhay. We're not meant for each other at natanggap ko na yon. Matagal na.

"Hello po tito Piyew! Namit niyo po ba ato?" Nakangiting bati sakin ni Brayle. 3 years old pa lang siya. Maganda siyang bata. Bibong bibo din. Madaldal siya actually. Maliit, maputi, bilugan ang mga mata, inosenteng inosente ang mukha niya. She's just like my brother. Ang pinagkaiba lang talaga nila, babae siya.

Nginitian ko siya at pinisil sa pisngi. "Syempre naman. Nakakamiss kaya ang baby Brayle ko. Halika nga dito. Hug tito." Agad naman siyang bumaba mula sa pagkakaupo at tumakbo palapit sakin at niyakap ako. Tss. Cute talaga.

"Alam mo ba kung anong araw ngayon?" Biglang tanong ni ate Gayle. Tinignan ko ang phone ko para malaman kung anong araw ngayon.

"Yah. No worries I ordered flowers alread---"

"Hoy ano ka ba di mo na kailangan mag abala. Di ko kailangan ng bulaklak nako sayang ang pera. Ipangkain na lang natin yan." -ate Gayle.

"Tss, para sayo ba? patay ka na ba para bigyan ng bulaklak? Ang feeling mo naman." I said coldly at mukhang napahiya pa siya. Conclude kasi agad ng conclude.

Binaling ko na lang ang mga paningin ko sa cute na batang kaharap ko. "Tito Piyew akin na lang po ito ah." Sabi niya saka pinakita sakin ang tinapay na kakainin na niya. Tsss, you really are my brother's daughter. I said at the back of my head. Siya lang ang naiwang alaala ni kuya at nagpapasalamat ako don. Dahil kahit papano, kapag nandito siya gumagaan ang pakiramdam ko. Nginitian ko siya at pinisil muli sa pisngi.

Crownless MemoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon