Hersheys

11 0 0
                                    

Ganon pala yung feeling ng may admirer ka. Yung may makikita ka na lang na chocolate sa loob ng bag mo. Hindi mo tuloy alam kung ano ang mararamdaman mo. Mahihiya ka ba? Itatago mo nalang sa sarili mo na parang walang kakaibang nangyari.Ano ano ang iisipin mo? Maraming tanong ang bigla na lang susulpot sa utak mo. Sino kaya ang nagbigay?  Grabe ha.Ikaw ba? Kung sayo nangyari yon ano ang gagawin, iisipin at mararamdaman mo???.... Big deal ba iyon para sayo? Sa akin OO dahil hindi naman iyon nangyayari araw-araw at hindi lahat nakakaranas ng ganoon.

MATUTUWA ka siguro dahil may nakakapansin pala sayo. Na may karapatan ka palang makaranas na bigyan ng chocolate. Na may nag effort na isuprise ka. Na may taong nagpapahalaga sayo. Na may taong naglakas ng loob na ilagay yung chocolate sa bag mo ng di mo nalalaman na may possibility na mabuko at pumalpak siya. Ang sarap sa feeling na nasurprise ka.

Ayus lang ang matuwa sa mga ganong bagay huwag ka nga lang aasa ng higit pa.

***cc***

Mga Napadaang IdeyaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon