Pagsasamahin ko lang po ang mga naririnig at nababasa kong mga banat at hugot. Hindi ko po inaangkin ang mga ito. Nais ko lamang po silang ibahagi sa iba. Salamat.
PAG-IBIG
B: Kung bagay tayo. Ako ang papel at ikaw ang stapler.
G: Bakit?
B: Handa kasi akong masaktan makasama ka lamang.
(heart heart heart)B: Pagod ka na ba?
G: Ha?Bakit?
B: Kanina ka pa kasi tumatakbo sa isipan ko.
(lalalalalalalalalala)B: Kutsara ka ba?
G: Bakit?
B: Palapit ka palang napapanganga na ako.B: Camera ka ba?
G: Bakit?
B: Napapa-smile kasi ako pag nakikita kita.G: IniiSMALL ka ata ng kaibigan mo?
B: Ano?
G: Hayaan mo iniiBIG naman kita.B: Oxygen ka ba?
G: Bakit?
B: Hindi kasi ako mabubuhay ng wala ka.B: Peanut ka ba?
G: Ha?
B: Peanutibok mo kasi tong puso ko.
(woooooohhhh)G: Tayo na.
B: (O.O) tayo na? Talaga?
G: Ha? Oo TAYO ka na. Aalis na tayo. Wala daw si Sir. Sus.B: Deadline ka ba?
G: Bakit?
B: Palagi kasi kitang hinahabol habol.B: Hindi ka pa ba nagsasawa sa apelyido mo?
G: Bakit naman?
B: Palitan mo na. Handa ko namang ipagamit tong akin. Parehas pa tayo diba.B: Huwag mo nga akong itulak.
G: Bakit?
B: Baka mahulog ako sayo masalo mo pa ang puso kong tumitibok para sa'yo.B: Asan ka?
G: Dito sa bahay. Bakit ba?
B: Mali. Andito ka sa PUSO ko.G: May kinakatakutan ka ba?
B: Wala noh. Hindi ako natatakot sa kahit sino o ano pa man yan.
G: weeh? Totoo? Wala ka talagang kinakatakutan?
B: Sige na nga. Meron.
Takot akong.......
Takot akong mawala ang mga taong mahal ko.B: Ano ang timbang mo?
G: Bakit?
B: MaTIMBANG ka kasi dito sa PUSO ko.B: Notebook ka ba?
G: Ha? Bakit?
B: BoyPEN mo kasi ako.Minsan ang pag-ibig para yang tumbang preso. Kung swerte ka ikaw ang tsinelas pero kung minamalas ka ikaw yung lata.
Kapag mahal ka babalikan ka.
Ang manhid para yang bato hindi nasasaktan pero nakakasakit.
Baliw daw ako. Oo baliw ako sayo. Baliw na baliw.
Hindi kita mahal......dahil
Mahal na mahal kita.Huwag mo daw pagsisihan kung nasarapan ka naman.
Hindi tayo tao. Hindi tayo hayop. Hindi rin tayo lugar.
Oo bagay tayo. Bagay na bagay.Ayoko nga kitang bola-bolahin baka masalo ka pa ng iba.
Maraming ibang maganda kaysa sayo pero ikaw lang ang pinakamaganda sa mga mata ko.
Huwag mo nga akong tinatanong ng ganyan baka masagot kita ng wala sa oras.
Tayo na ba? Hindi....sila sila na. Syempre ano pa ba. Oo tayo na.
Huwag kang manghinayang sa taong una kang sinayang.
Kung kayo. KAYO.
Hindi ako mapapagod na mahalin ka.
Kailan mo ba masasabing Tama na. Sobra na. Itigil mo na. Kailan?
Ang pag-ibig hindi yan hinahanap kusa yang darating.
Masasaktan at masasaktan ka sa pag-ibig ang mahalaga ay naging masaya ka.
Ang pag-ibig para yang MATH minsan confusing pero madalas COMPLICATED.
Dear Math testpaper,
Para kang crush ko ang sarap TITIGAN.
Nagmamahal,
StupidentBagyo na lang ata ang may PAG-ASA.
Naniniwala ka ba sa FOREVER?
Ang kandila para yang babae pag iniwan mo susunugin niyan bahay mo. (hahaha)
Anong parte ng katawan ng tao ang hindi titigas kung hindi paglalaruan?
Sagot: PUSOKapag mahal mo daw ang isang tao hindi mo alam ang mga dahilan kung bakit mo sya nagustuhan.
Kapag daw nagmahal ka dapat nakahanda ka ring masaktan.
May isang taong nakalaan talaga para sa'yo. Meron.
Napapagod din ako. Pagod na pagod na akong mahalin ka. Dapat matagal na akong natauhan. Oo. Tama na itong katangahan ko.
Huwag ka daw pumarking sa hindi mo darling.
Gas na lang ata ang NAGMAMAHAL.
Hindi ka nga maitext ng "Hi, Kamusta kana?" mahalin pa kaya?
Inlove ka? Kanino? Sa taong walang pakielam sayo?
Mahal ka dahil kailangan ka?
O
Kailangan ka dahil mahal ka?Mahal mo. Mahal ka naman kaya niya?
Nilandi ka lang. Kayo na agad!? Ano To! Huy!
Iyak iyak ka dyan. Bakit kayo ba?
Walang KAYO. Dahil hindi naman naging KAYO.
Ang sabi kung araw-araw ka nyang sinasabihan ng mahal ka niya. Isulat mo sa papel at ipapirma mo sa kanya ng may ebidensya ka. Kapag nagkataon at maghiwalay kayo. May maisumbat ka sakanya.
Ang hilig talaga ng mga tao sa bawal. Bawal na pag-ibig. Bawal na pagkain. Lahat ng bawal. Pero ikaw? Bawal ka din bang mahalin?
Kailangan mo muna bang masaktan bago ka matuto?
Ang pag-ibig ko sayo parang Math.
Adding memories with you.
Subtracting problems.
Multiplying the love I have for you but never....
Dividing my attention for you.Corny ako? Oo na sayo lang naman ako ganito.
Para kang ULAN. Ineenjoy parin kita kahit na sakit lang ang dulot mo.
May tao talagang nakalaan para sa iyo.
*****
Kayo ng manghusga. Usapang PUSO....«cc»

BINABASA MO ANG
Mga Napadaang Ideya
RandomMarami talagang mga ideya na basta na lang nabubuo sa kaisipan ng tao na nais nilang ibahagi sa iba mapa katatawanan, kabaliwan, kalokohan, kadramahan o ano pa na likha ng ating imahinasyon basta ba ang mahalaga ay nagiging masaya ka at nagpapasaya...