Number

13 0 0
                                    

Base ito sa sariling karanasan.

Kauna-unahang sim card at siya ding cellphone number ko noon. Matagal din kaming nagkasama. Ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon na P.U.K ito hindi ko na tuloy magamit. Kaya kahit ayoko pa siyang palitan wala akong magawa kungdi bumili ng bago. At tong bagong sim nato may bagong number na siya namang bago kong contact number. Pero ilang buwan narin ang lumipas hindi ko parin makabisado itong bago kong number. Hindi naman sa mahina ako sa mga numero, ilan lang naman yon, 11 lang. Kada may magtatanong kung ano number ko titingnan ko pa muna sa phone ko mismo. Mas nauna pa nga atang matandaan ng ibang tao ang sarili kong number. Tapos naisip ko bakit hindi ko pa rin kabisado tong bago kong number? Ganyan kasi tayong tao mahirap magmove-on lalo na kung matagal ang pinagsamahan wala na sa piling eh pilit paring kumakapit sa nakaraan. Hindi masamang magmove on porke nag move-on nakalimutan na ang mga alaalang pinagsamahan hindi ganon ang mahalaga ang mga alaalang iyon ay patuloy na mananatili sa puso ng isa't isa. Hindi kasi natin makikita ang ibang mga bagay o tao kung sa isang partikular na tao o bagay lang din tayo nakatingin. Dapat matuto kang pahalagahan ang mga bagay bagay gaano man ito kalaki o kaliit.

*cc*

Mga Napadaang IdeyaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon