Pabebe 020

46 1 0
                                    


Pabebe 20
/ 전 원우 /
💐

"Matagal ba na naging sila?" tanong ni Chan.

Lahat sila ay nagtipon sa sala nang malaman nila na sa wakas ay pupuntahan na ni Wonwoo ang ex nya.

"Hindi naman ganon katagal...pero laham na laham yon ni Wonwoo" sabi ni Hao.


"Ang pait naman kasi ng tadhana kay hyung no"  sabi ni Mingyu na nag eemote emote pa kala mo naman cute.

"Bakit, ano ba nangyare sa kanila?"  tanong ni Seokmin.

Tanging si Seokmin at Chan lamang ang walang alam sa nakaraan ni Wonwoo sapagkat wala pa sila sa Akkinda noon.

"Nagkakilala sila ni Wonhee noong college. Madalas na costumer si Wonhee dito habang part time naman si Wonwoo " panimula ni Cheol.

Lahat sila ay nakapokus sa kwento kahit pa yung mga may alam naman talaga. Walang maingay dahil pag may maingay hahambalusin ni Seungcheol.

"Lagi pa nga yon pinagiinitan ni Wonwoo. Lagi nyang pinagtitripan tsaka inaasar " dagdag nya.

"Mga panahong masiyahing tae pa si Wonu" sabi ni Jihoon.

"Di nagtagal naging sila rin kase apaka jowable naman talaga ni koya mo wonwoo noon pati ako muntik na bumigay" sabi ni Mingyu na napapangiti pa habang inaalala ang nakaraan.

"Grabe effort niya noon. Araw-araw 40 minutes syang nagbabyahe para lang maihatid si Wonhee sa kanila tapos balik ulit sya dito." kwento ni Jeonghan.

"Do you guys remember when he came here, basang basa sya sa ulan kase binigay nya kay Wonhee yung payong nya at sya yung umuwi na walang payong kahit nabagyo" sabi Hansol dahilan para maalala nila ang mga pangyayari sa pagitan ng dalawa.

"Oh eh bakit pala wala silang forever?" kunot-noo na tanong ni Chan.

"Ayon, bumalik rin si ate mo Wonhee sa ex nya" busangot na sabi ni Mingyu habang gulat na gulat naman si Seokmin at Chan sa nalaman nila.

"Iyan ba yung dahilan kung bakit mapait pa sa papaitan si hyung?" tanong ni Chan at sabay sabay naman nagsitanguhan ang iba.

"Mismo! Simula noong naghiwalay sila, never nya na binanggit si Wonhee. Di na kami nagtanong kase...hehe..nakakatakot eh" sabi ni Cheol.

"Grabe pala! Kahit WonWon na ang ship name nila hindi pa rin sila nag Won sa pag ibig. #WonWonLubog parang JiCheol" nakangusong sabi ni Seokmin.

Napatigil naman sila sa kwentuhan nang bumukas ang pinto.

"Sino ikakasal, kilala ko ba?" tanong ni Chaeun na kapapasok pa lang.

Nagsitinginan silang lahat sa kanya ng may halong pagtataka.

"Si Wonwoo, nakasalubong ko, pupunta daw sya sa kasal..." dagdag ni Chaeun.

"Huh? eh sabi nya pupuntahan nya daw yung ex nya" sabi ni Mingyu.

Ilang segundo ang lumipas at sabay sabay nanlaki ang mga mata nila.

"Oh my gahd!!" sigaw ni Seokmin sabay takip ng bibig.

"Ang sipag ni hyung! Aattend pa ng kasal bago makipagkita sa ex n--" hindi na nya natapos ang sasabihin nya nang batukan sya ni Mingyu.

daddy sebong!?  +  seventeenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon