CHAPTER 14: WEDDING CEREMONY

108 3 0
                                    

ELLA POV✨


Bakit ang tagal ni ate?!

Malapit na ikasal si Fireo at si Peke!

You heard it right! Si peke ikakasal na kay Fireo, at kapag nangyari magkakaroon ng malaking panganib sa Witchania!

"Ella, akala ko ba sinabihan mo na ang mama ni Ellian?!" natatarantang tanong ni Len

Ay oo alam ko na kung bakit sila ang pinili ni Ate dahil sila pala ang nawawalang anak ng Hellat

At yung Goddess witch of Dead ay nag aaral na dito sa Academy at akalain nyo yun, Auntie pala nila!

" Sinabihan ko na nga! Pero hanggang ngayon wala pa din sila!" sigaw ko

"Ladies, huwag kayong mag sigawan dyan" sabi ni Sheenah

"Auntie, we are not shouting! We're talking!" sigaw ni Bea

"Tse! Ang iingay nyo!" sigaw ni Sheenah at nawala

"Calling all the students, prepare for thw wedding ceremony of our Princess tonight at 6:00 pm, thank you"  anunsyo ng speaker

Argh!

Bakit ba ang tagal nila?!

ELLIAN POV✨

Pinaubaya ko muna kay Angela ang eskwelahan habang wala  kami

At ngayon nandito kami sa Puno Ng Witchania para makabalik kami sa Witchania

"Fesa Punoes Helies Openesde!" sigaw ni Mama at tinaas ang bato na hugis mata

Umilaw naman ito at nagkaroon ng mukha ang puno

"Ano ang kailangan nyo?" bungad na tanong ng puno

"Nandito kami para Bumalik sa Witchania" sagot ko

"Goddess Ellian!" gulat na sigaw niya

"Ako nga, Luieso" sabi ko

"Pagbuksan mo kami" utos ko

Nahati naman siya sa dalawa at nakakasilaw na liwanag ang tumambad sa amin

"Let's go" sabi ko at naunang pumasok

~*~

Narating na namin ang Witchania at nasa harapan kami ng Witchania Kingdom?

"Bakit dito?" tanong ko

"Dito palagi napupunta ang pumapasok sa lagusan na yun" sagot ni mama


*Ding dong


Napatingin naman ako sa itaas dahil bigla nalang tumunog ang kampana

"Prince Fireo, tatanggapin mo ba si Princess Clare bilang iyong asawa?"

Rinig ko galing sa loob ng kaharian

Tanggapin? Asawa?

Don't tell me na may kasal dito? At si Fireo pa talaga?!


ELLA POV✨

Nandito kami sa Kaharian at Naki ATTEND lang kami ng kasal ni Peke dahil daw dapat lahat ng estudyante ng WITCHANIA ACADEMY ay imbetado kaya nandito kami ngayon

"Prince Fireo, tatanggapin mo ba si Princess Clare bilang iyong asawa?" tanong ng Council

"I do" sagot ni Fireo

"Ikaw Princess Clare, tatanggapin mo ba si Prince Fireo bilang iyong asawa?" tanong ulit ng Council

"I do" masayang sagot ni Peke

"Then, you may kiss the bride!" masayang sabi ng council

Hahalikan na sana ni Fireo si Peke pero.........

*Bogsh









💕THIRD PERSON POV💕

Napatingin lahat ng estudyante at mga royalties pati na ang mga hari at reyna ng iba't ibang Kaharian sa malaking pinto dahil sa pagsabog

" At sinong nagsabi na ikakasal agad kayo?" parang nakakamatay na boses ang kanilang narinig

"Lapastangan! Sino ka?" sigaw ng Hari ng Witchania dahil hindi makita ang mukha nito

"Oh? Hindi nyo na ba ako nakikilala?" tanong ng boses kasabay ng pagkawala ng usok na kinagulat nila



*Gasp




"Emilia?!" gulat na tanong nila

Dahil ang matagal ng pinatapon sa kanilang mundo ay nagbalik

"Anong ginagawa ng kriminal dito?!" galit na tanong ng Reyna ng Witchania

"Ako? Kriminal?" tanong ni Ellian at tinuro ang kanyang sarili

"Bakit ka nandito?! At Paano ka nakabalik?!" galit na tanong ng Highest Council

"How Pathetic you are, King of Witchania!" sigaw ni Ellian

"Silence!" sigaw ng hari at tinira ng isang fire ball si Ellian pero na sangga ito ng malaking light barrier

"Walang kang karapatan para saktan ang anak ko!" sigaw ng mama ni Ellian at pumunta sa harapan kasama ang papa niya

"Mother? Father?" gulat na tanong ni Ella

Tinaas naman ni Ellian ang kanyang right hand at....


*Argh


Daing ng Peke at may pinipigilan na lumabas sa kanyang leeg


*cough



Napaubo naman ang peke dahil natanggal ang kwentas sa leeg niya


"Oh? Ninakaw mo pa talaga ang kwentas ko?" tanong ni Ellian ng mahawakan ang kwentas


"Kriminal! Akin na yang kwentas ko!" sigaw ng peke


"Really? Is this really yours?" tanong ni Ellian


"Emilia, tumigil ka na!" sigaw ni Fireo, tiningnan naman siya ni Ellian ng parang walang buhay


"Emilia are not my name, My name is Ellian" pagtatama ni Ellian "Emilia is no longer my name, this is my true name, Ellian" dugtong ni Ellian



"By the highest witch councils, you'll be thrown to the Guivese!" sigaw ng highest council at may light bubbles ang lumabas sa kanilang ma kamay at papunta ito sa direksyon ni Ellian



Sinuot naman ni Emilia ang kanyang kwentas



"Why don't you go there?" tanong ni Ellian at binalik ang witch spell pabalik sa witch council



Nawala naman ang mga highest witch council na kinagulat ng lahat



"Anong ginawa mo?!" gulat na tanong ni Queen Cie


"Just doing what they deserve" sagot ni Ellian

~×~×

Vote

Comment

And Follow me if you want

Witchania Academy II: The ReturnTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon