CHAPTER 25: THE LIVING DEAD

79 2 0
                                    

ELLA POV✨


"Ella, ito na pala ang pinakukuha ni Ellian" sabi ni Len at binigay sa akin ang isang kopu?


(Kopu is a a small creature with a red jewel on their back, they also known as the Red Jewel Dwarf)


"Para saan naman toh?" tanong ko


"Malay namin! At tsaka pinapipigay lang yan ni Ellian, bye! May aasikasuhin lang muna kami sa Hellat, may Prinsipe kasi na balik ng balik dun!" sabi ni Bea at nabalot na sila ng usok at nawala


Pumunta naman ako kay mama pero wala ito sa Conference room ng mga witches


Habang naglalakad ako ay may nakabangga ako


"Papa?!" sigaw ko


"Naku! Anak!" sabi ni papa habang pawis na pawis


"Pa, bakit pawis na pawis ka?" tanong ko


"N-nothing!" sagot niya at nagmamadaling umalis


Anong problema nun?


"Ella, nakita mo ba ang papa?" biglang sulpot ni mama kaya nasuntok ko siya sa mukha


"Ma naman! Huwag naman kayo manggulat!" sigaw ko


Pinagaling naman ni Mama ang mukha niya at tiningnan ako


"Nasaan ang papa mo?" tanong niya


"Bakit po?" tanong ko

"He have something to explain about what's happening outside" sagot ni mama


"Nasaan siya?!" seryosong tanong ni mama


Tinuro ko naman ang direksyon kung saan si papa tumakbo "Doon po" sagot ko


"Argh!" sigaw ni mama at Pumunta sa direksyon


May nangyayari pala sa labas?


"Ella!" sigaw ni Terro habang tumatakbo papunta sa akin


"Bakit?" tanong ko


"*pant* si Zach, nakikipaglaban *pant* sa labas!" hinihingal na sagot niya


"What?! Akala ko ba binabantayan mo siya?!" bulyaw ko sa kanya


"Ayun nga eh, may ano kasi, bigla nalang sumulpot ang parang buhay na parang patay na nilalang sa harapan namin at kinuha ang laruan ni Zach kaya ayun inaway niya sa labas" sabi niya at napaupo sa sahig


"Tsk! Idi pinatay mo sana!" sigaw ko


"Pinatay ko pero mga miasma smoke lang ang lumalabas at nagreregenerate ang katawan nila! They're like immortal! Pero si Zach kinaya ang poison, hindi ko na alam!" sigaw niya at napasambunot sa buhok niya


"Anong ibig mong sabihin na 'parang patay na parang buhay'?" tanong ko


"Ah eh, may mga sugat kasi sila sa dibdib at sa kanilang tiyan, at puro kulay pula nalang ang mga mata nila" sagot niya


Lumaki naman ang mga mata ko, posible kaya na....



"My Father's Sword" bulong ko

"Sa papa mo?" tanong niya


"teleportesek gawases" bigkas ko at napunta na kami sa lugar kung saan si Zach


Witchania Academy II: The ReturnTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon