Takipsilim na at dumadagsa na ang mga tao sa bus terminal. Alas sais kinse na ng gabi nang pumarada ang susunod na bus sa tapat ng hintayan ng mga pasahero na sasakay.
Iba't-ibang klase ng mga pasahero ang sasakay sa bus na huminto. May mga galing sa trabaho, sa paaralan at mga namamasyal lang sa siyudad na uuwi sa kanilang mga tahanan. Sa loob ng bus ay kadalasan ang ibang mga pasahero ay nakatayo lang dahil okupado na ang lahat ng upuan. Sila yung mga tao na nagmamadaling makauwi upang hindi maabutan ng malalim na gabi sa daan.
Mahigit dalawampu ang sakay ng bus kasama na ang limang tao na nakatayo. Limang minuto na ang lumipas ay sumenyas na ang konduktor sa driver ng bus na lumarga na.
Halatang probinsiya ang lugar dahil sa malawak na kalsada pa lang ay makikita mo na ang mayayabong na taniman sa gilid nito. Wala ka ng makikita na gusali maliban sa mga bahay na hiwa-hiwalay ang distansiya sa bawat isa.
Makalipas ang ilang minuto ay nasa siyudad na sila kung saan ang unang hinto ng bus. Sa ika-tatlong siyudad pa ang huling hintuan nito. Sa pagbaba ang walong pasahero ay may dumagdag pa na dalawa.
Patuloy ang biyahe ng bus papunta sa pangalawang hinto.
"Anak, pakitext ang Kuya mo na baka mga bandang seven thirty pa tayo makakauwi. Bumili na lang siya ng ulam sa kalenderya kung nagugutom na siya," utos ni Perla sa anak niyang babae na si Ashley.
"Opo ma," sagot ng labing-limang taong gulang na dalagang si Ashley.
Ang mag-ina ay namasyal sa malaking mall ng probinsiya at namili rin ng kanilang mga gusto. Binilhan rin ni Perla ang anak niyang lalaki ng mga damit. Ang mga pera na kaniyang ginamit ay galing sa sahod ng kaniyang asawa na nagtatrabaho sa ibang bansa. Hindi nila kasama ang anak nilang lalaki ngayon dahil gumala ito kaninang hapon kasama ang barkada.
"Hello Ma?" sagot ng dalawampung taong gulang na binatang si Christian sa cellphone na kaniyang hawak. Pauwi na siya sa totoo niyang tahanan dahil nagrerenta lang siya sa boarding house na kaniyang tinutuluyan habang nag-aaral siya sa kolehiyo.
"Nakasakay ka na ba ng bus anak?" may pag-aalala sa tono ng kaniyang Ina sa kabilang linya ng cellphone.
"Opo Ma nakasakay na ako. Bakit po Ma?" nahahalata ni Christian ang boses ng Ina niya na parang may nangyayari na hindi niya alam.
"Nalaman ko kasi sa kapitbahay natin na ang kaklase mo na anak niya ay naisugod sa ospital dahil kasama siya sa pabangga ng dalawang bus at isang truck sa kalsada."
"Ano po?! Naaksidente si Vincent?!" Mahinang pagkakasabi ni Christian. Baka maistorbo pa niya ang ibang pasahero kapag nilakasan niya ang kaniyang boses.
Si Vincent ay isa sa mga matalik niyang kaibigan. Naging malapit lang sila nang magkolehiyo sila at magkaklase sa bawat subject na kanilang pinapasukan.
"Oo anak. Ang buong akala ko nga ay magkasabay kayong umuwi ngayon kaya kinabahan ako at bigla na lang kita tinawagan." Bumuntong-hininga ang kaniyang ina dahil sa nalamang ayos lang ang kaniyang anak na lalaki.
"Okay lang po ako Ma. Pero may balita po ba kayo sa kanila pagkatapos maganap ang aksidente?" mediyo kinakabahan na tanong ni Christian. Hindi sila magkasabay umalis ng kaibigan niya sa boarding kanina at nauna ito dahil nakauwi ang Ate nito galing sa abroad.
"Wala pa anak pero nasa ospital sila ngayon." Ang tinutukoy ng Ina niya na ospital ay ang nasa siyudad nila.
Tumatango lang si Christian sa sinasabi ng Ina niya. "Pagkauwi ko diyan sa bahay Ma pupuntahan ko sila sa Ospital," wika niya.
Natapos ang kanilang pag-uusap nang paaalahanin siya ng kaniyang Ina na mag-ingat sa pag-uwi.
"Mahal, inaantok ako." sabi ni Jessie sa kaniyang Asawa na si James.

BINABASA MO ANG
Pasahero
HorrorPauwi na sana ang mga pasaherong nakasakay sa bus pero hindi nila inaasahan na mangyayari sa kanila ito. May mga nakakatakot na nilalang ang aatake sa kanila at kikitil sa kanilang buhay.