January 2010

25 1 0
                                    

 Sa pagpatak ng alas dose ng hating gabi ay bagong taon na. Nasa bahay ako ng kaibigan ko nag bagong taon. Mga alas 3 na ako nakauwi. Pagpasok ko ay pagod na pagod ako. "Anak,ikaw na ba yan?" Tanong ng mama ko pero di ko sinagot "Ba't di ka nag new year kasama ako? Pinagluto ka pa naman kita ng paborito mong barbecue." Dakdak niya. "Kasama ka? Mas mabuti nga sa bahay ng kaibigan ko mas masarap ang barbecue nila" Sagot ko rin sa anya. "Pasensya na anak,pagbubutihin ko na lang sa susunod" Mahina niyang sagot. Inantok ako nung oras na iyon kaya napa yawn ako. "Teka lang anak,lilinisin ko muna kwarto mo" Nagmadali siyang umakyat at nabangga sa hagdan. Pumasok siya sa kwarto ko at nilinis ito. Ilang minuto pa ang lumipas, "Tapos na anak, matulog ka na at baka magka eyebags ka pa niyan" Sabi niya. Kaya natulog ako at iniwan siya sa baba na naghuhugas ng pinggan.

 Kinaumagahan ay nagising ako ng alas 10 ng umaga at bumaba na ako. Nalaman ko na lang na wala pala rito si mama at nag iwan pa ng pagkain na ininit galing sa media noche kagabi.  kumain na ako at naligo at nagbihis tsaka pumunta sa mall kasi may magpapasama sa akin,  kaya iniwan ko yung bahay. 

 Pagkauwi ko ay wala pa rin siya. Mga alas 6 na rin siya nakauwi. "Naku nakapagsaing ka na ba anak?Pasensya naghahanap pa kasi ako ng trabaho eh,  eto sa'yo na muna tong kanin na natira mamaya na lang ako kakain" Pagmamadali niyang sabi. Natawa ako sa  paghahanap niya ng trabaho niya. Natawa ako sa paghahanap niya ng trabaho kaya napatigil siya at bumuntong-hininga tsaka pinagpatuloy ang trabaho

 Kumain na ako at natulog . Kinaumagahan ay nagising na lang ako sa pag alog niya sa akin. "Ano ba?! Natutulog pa yung tao eh!!" Sigaw ko sa kanya. "Gising na anak,school day na ngayon." Sabi niya na may ngiti na umirita sa akin. Kaya bumangon na ako at naligo at nagbihis. Kumain ng breafast at pumunta na sa school. Habang papalakad ako sa isang squatter's area, may narinig akong nagbubulungan. Nakatingin sa akin. Nahiya ako kaya nagmadali akong pumunta ng taxi stop at sumakay. Pagpunta ko sa skwelahan ay usual pa rin.  Pagpasok ko sa room ay nabigla ako nang nakita ko ang buhok ni Yen,nainggit ako. Nagsimula na ang klase at natapos ito ng 5:30

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 15, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

MamaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon