Karen's P.O.V.
"AHHHHHHHH~" Malas naman! Di ko na napigilan tumili. Hindi dahil sa kilig pero sa pagka asar.
"Ano ba yan bes! Ang ingay mo." Sabi sakin ni Kath na bestfriend ko.
"Eh kasi bes... Naiwan ko yung files na kailangan ko para sa enrollment natin."
"Ay. Patay! San mo naiwan?"
"Sa bus. Nakatulog kasi ako sa byahe tapos pakagising ko malapit na ako dito sa school kaya pinara ko na. Sa sobrang pagmamadali, ayun na nga... Naiwan ko." Sagot ko sa kanya habang kagat kagat ko ang kuko ko.
"Ang tanga mo talaga. Hahahaha. Joke lang bes. Mamaya mapikon ka. Pero sana mabait yung katabi mo kanina at isauli sayo yun"
"Yun na nga eh. Sana talaga mabait yung naging katabi ko. Andun pa naman yung class records ko. Wala nakong kopya nun. Ahhhhhh~" Naiinis ako sa katangahan ko. Hindi kasi ako nakatulog kagabi kakapanood ng koreanovelas kaya ayun, nakatulog ako sa bus. Ang tanga mo talaga Karen! Ang tanga tanga!
*
Nasa register's office ako ngayon. Sasabihan ko yung kakilala ko na kuhain yung mga kakailanganin ko sa enrollment.
Pagkatapos kong makipag usap sa kakilala ko ay umuwi nako. Sinabihan ako na magintay ako ng 2-3 days para makuha ang records ko. Mukhang maiintay pako ng matagal.
*
7:30pm ay may tumatawag sakin. Hinayaan ko lang. Hindi naman kasi ako sumasagot ng unknown number ng basta basta.
Pero naka 8 missed calls na ito kaya naisip kong sagutin at baka importante talaga ang sasabihin ng caller.
"Hello. Who's this?" Sabi ko.
"Hi Karen, Ako nga pala yung secret admirer mo" kumunot ang noo ko. Wala ako sa mood makipag-biruan.
"Sorry pero wala ako sa mood makipag-biruan. Bye." Ibaba ko na sana nang...
"Wait! Si Karen hindi naman mabiro nagloloko lang ako. Si Kevz to" sabi nya. Tsssss... so si Kevin Dela Cruz pala to. Ang 1st boyfriend kong two timer! Fck. Saklap pre.
"Ohhhhh.. Kaya pala. Hindi na ako nagtataka na nagloloko ka lang. Ganyan kadin dati eh. Kaya nga tayo naghiwalay right? KASI NGA MANLOLOKO KA!!!" Sabi ko sabay end ng call.
*
Hanggang ngayon naiinis padin ako. Nakakainis yung Ex kong yun.
Hayyy.. makatulog na nga lang.
Pero bago ko pa magawa yun. May tumatawag na naman.
Ano ba yan?! Sino ba tong Lecheng to?!
Kevz calling... Ay leche nga!
"HELLO!!! ANO NA NAMAN BA?!" Sagot ko. Hina-high blood talaga ako sa Manlolokong Kevin na to.
"Relax babe, Hinga. Chill ka lang."
"Ano ba talaga kailangan mo? Gabing gabi na."
"Gusto ko lang sabihin sayo na nasa akin ang brown envelope mo. Ako yung katabi mo kanina sa bus. Di mo nga ako napansin eh."
"Ah. Ge. Magkita tayo sa tapat ng school. Bukas. 7am." Ang tipid ko sumagot. Ayoko kasi syang kausap. Para makaramdam naman siya.
"Di na kailangan. Sumilip ka sa bintana mo."
Sumilip ako at nakita syang nakasandal sa poste habang kumakaway sa akin.
"Anong ginagawa mo dito ng ganitong oras?"
Hindi niya ako sinagot pero winagayway niya yung envelope na may laman ng records ko.
Binaba ko siya...
"Akin na." Nilahad ko ang kamay ko at binigay naman nya ang hinihingi ko. "Salamat." Sabi ko pa at tumalikod na.
"Babe... Sorry." Nagulat ako sa sinabi niya kaya lumingon ako.
Nakita ko syang nakayuko at umiiyak.
"Sorry. Kung pinagsabay ko kayo.. Sorry talaga. Pero maniwala ka. Mas mahal kita kesa kay Faith. At hanggang ngayon Mahal parin kita." sabi niya kasabay ng tulo ng luha nya. Naawa ako sa kanya. Kaya lang nung umiiyak ako nang dahil sa kanya na awa ba siya? Hindi naman diba? Hindi.
" 2 freaking years. Dalawang taon kitang hinintay para ipaliwag lahat ng nakita ko. Ang tagal nun. Pero nagpaliwanag ka ba? Hindi diba? Ni ha Ni ho wala. At ngayon, sa tingin mo maniniwala pa ako sayo?! Kung kelan masaya nako. Kung kelan nakaka-move on nako sayo.. Hindi na Kevz. Hindi na. Ayoko na."
BINABASA MO ANG
Convo with Ex (One Shot)
Teen Fiction2 years after niyong magbreak ni EX ay muling nagtapo ang landas niyo... Ano kaya ang mangyayari sa Conversation nila? Magkakabalikan ba sila? Bibigyan kaya ni Karen si Kevin ng chance o hindi na?