Pagkapasok na pagkapasok ko palang sa school ay mga chismis na agad ang narinig ko. Ano bang bago? E kahit ata oras ng pag-ihi ni Georgina ay alam ng mga tao dito. Si Georgi, short for Georgina, siya yung laging pinagt-tripan dito. Hindi ako kasali sa mga bully na 'yon! Goodgirl kaya ako.
Sa classroom ay muntikan na 'kong nadapa dahil sa tanginang paa ni Astrid na sadyang iniharang, ang famous na hindi naman kagandahang 'prinsesa' ng campus, may galit saakin. Ako kasi kalaban niya sa mga pageants, kasalanan ko ba na mas maganda ako kaysa sakanya? Hays.
"Hoy Ate gurl!" malakas na sigaw ni Biann.
"Kalilinis ko palang ng tenga ko kagabi, naririnig kitang hayop ka." Ganito kami mag-batian ng bestfriend ko sa tuwing nagkikita kami, puro kagaguhan ang alam. "Alam mo kung hindi lang talaga ako nagtitimpi sayo baka itinapon na kita sa dagat." Saka sumimangot ang tanga kong kaibigan. Edi itapon, marunong naman ako lumangoy.
"Sige pero papagalitan ka nanaman nila Tita Margo 'non dahil sa grades mo," ngumiti ako at natulog na habang hinihintay ang recess. Pagka-ring na ang bell ay lumabas na ako para kumain.
"Be, bakit ikaw kahit puro tulog lang ang ginagawa mo hindi ka bumabagsak? Bakit hindi ka pinapagalitan kapag natutulog ka? Samantalang ako konting segundo lang ng pag-pikit todo bratatat na sila. Hmp!" si Biann.
"Dahil maganda ako." 3 words full of facts. Pero bakit nga ba? Dahil ba anak ako ng isang mafia? Ay iba pala 'yun hehe. Pumapasok lang naman ako para matulog, at para sa attendance na din. HIndi naman ako bumabagsak at iyon ang isang katangian na gustong-gusto ko sa sarili ko bukod sa pagiging diyosa. Pinagaralan ko na kasi ang mga studies namin ngayon noon, teacher ang Tita kong walang anak kaya ako pinagtripan pahirapan, charot. Matalino naman talaga ako, no lies. Lagi akong top 1 at napaka-rami kong awards sa bahay. Nagmamayabang ako, oo tama.
Meron pang klase pero nauna na akong umuwi dahil last subject na din naman. Diretso bahay lang ako ngayon, tinatamad kasi akong gumala.
"Welcome home my princess," Sinalubong ako ng Kuya ko ng halik sa noo. Para sa iba siguro kadiri ang ganitong klasing eksena pero dito saamin, normal lang.
"Hi hello Kuys, I'm back,"
"Okay Back, go change your clothes na. We're gonna go somewhere," Gwapo nga at lahat, corny naman. Kaya siguro iniwan ni Ate Jules 'to kasi masyado ng luma. 'Di na ako sumagot pa at dire-diretso nang umakyat papuntang kwarto ko para magpalit. Hindi ko alam anong ganap pero sure akong hindi naman ako ibebenta ni Kuys sa mga nangangailangan ng babae diyan sa tabi-tabi, hindi naman niya tag-hirap ngayon e.
Tinignan ko ang sarili ko sa salamin, "Bakit kaya ang ganda at sexy mo?"
Simpleng black tube at ripped jeans lang na may Gucci belt ang suot ko na pinatungan ng see-through black shirt. Tinernohan ko din ito ng black combat boots at mga accessory. For my make-up look I just put mascara and nude lipstick . Hindi na ako nag-abalang ayusin pa ang buhok ko, maayos pa naman. Natural na wavy ang long hdark brown hair ko kaya hindi ko na inayos pa. Ng maging satisfied na sa look ko ay bumaba na ako.
YOU ARE READING
Maybe Next Time
RomanceJean Calister Dion, daughter of one of the most successful family in the world, met a guy who is 3 years older than her and fell inlove. BUT no relationhsip has never experienced problems. What happened in their life is all held in a book that conta...