MNT 2

9 1 0
                                    

"WAKE UP NA SLEEPING UGLY!!" 


"HOY! Jean, buhay ka pa ba?"


"Tatapunan kita ng tubig kapag hindi ka tumayo dyan!"


"Ah ganon? Sige mag-hintay ka lang diyan. Kuha lang akong tubig para sa celebrant naming mahal,"


Hindi ko na pinansin pa ang nakakabinging boses ni Biann, maaga pa naman saka inaantok pa ako 'no. 


Maya-maya lang ay may naramdaman akong mabasa. "Ibuhos ko na ba lahat 'to sayo?"


"Ano nanaman ba?? Inaantok pa yung tao oh,"


"Tao ka pala? Kung makatulog parang hindi na gigising OMG ka!"


Itutuloy ko na sana yung panaginip ko kasi malapit na kaming mag-kiss nung blurred na lalaki nang hilain ako ng bruhang nasa kwarto ko. Nakatayo na ako ngayon pero hindi pa rin naka-bukas ang mga mata ko.


"Ano ba Cali ang bigat mo tapos papatulak ka pa sa payat! Asan ang hustisya doon? Buhatin mo nga sarili mo,"  


"Sino ba kasing nag-sabing gisingin at buhatin mo ko ha?" Wala naman akong sinabi tapos ngayon na siya yung nahihirapan isisisi niya saakin? Save me po Lord. Napapalibutan ako ng baliw!


"'Di ba po kasi birthday mo ngayon? Naisipan kong ilibre ka kahit papaano para birthday gift ko na sayo kaso ayaw mo ata. Ok lang naman mas makakatipid ako," Nagising ata diwa ko sa salitang 'libre' kaya kumaripas agad ako papuntang CR.


"Bilisan mo my dear bff! Mahal ang oras ko," Sabi ni Biann mula sa kabilang side ng pinto ng CR ko. Minsan lang saniban ng mabuting multo 'yun kaya lulubusin ko na.


Pag-tapos maligo at mag-ayos lumabas na ako. Doon nakita ko si Bruha-iann na nakahiga sa kama ko at nakatingin sa dingding. "Salamat naman natapos ka na 'no? Akala ko kasi tinuloy mo pa yung tulog mo sa bathtub e," ngumiti na lang ako with peace sign. 


Mainipin lang talaga ang babaeng iyon, 30 minutes lang ako-- or 45 minutes? Basta! Mas mabuti na yung siguradong malinis kaysa sa mabilis na liguan lang.


Sa mall unang pinuntahan namin yung department store. Syempre dahil libre madami akong binili. Sunod naman sa bookstore, mahilig akong mag-basa lalo na yung mga intense. Very bet ko din ang Science pero hindi yung Science na may numbers. 


Ngayon naman naka-upo kami sa BB Cafe short for Bituinbucks. Busy kaming pag-usapan ang balak ko sa buhay ngayong 18 na ako . 


"Wala?" ulit ng kausap ko sa sinabi ko.


"Oo bakit?" Required ba na dapat kapag legal age ka na may plano ka din? Paano kapag wala talaga? 


"Tanga." Mare, ang harsh ha?


Kumain nalang ako at hindi na siya pinansin pa kasi wala talaga akong plano sa buhay. Ako yung tipong go with the flow lang kasi feeling ko planado na buhay ko. So ano pang point diba? 

Maybe Next TimeWhere stories live. Discover now