One-Shot #1 - Letting You Go
Written by MissyInAction Ⓒ 2015
A|N: Guys, first one-shot story ko ito kaya, pakisuportahan. Kung ayaw mo, lumayas ka! As if I care! HAHAHAHA ! Joke! Enjoy reading :))
---
"Letting go is the hardest part of being inlove"
T R I X I E . . .
"Hello?," bungad kong sabi sa kaniya. "Justin, pwede ba tayong magkita? May sasabihin lang akong importante sayo."
"Huh? May problema ba? May kailangan ka ba?," ramdam ko sa kabilang linya ang pag-aalala niya.
Kailangan ko na talaga tong gawin. Baka mas mag-alala pa siya kapag nalaman niya ang totoo.
"Ahmmm.. w-wala naman. May sasabihin lang akong importante sayo." Ramdam ko na rin ang panginging ng boses ko at pagbabadyang pagbagsk ng mga luha ko.
"Ah.. ganun ba? Saan ba?," pagtatanong niya.
"Same place pa rin, 2:00 *toot toot*," agad kong inend ang call ng maramdaman ko ang pagbagsak ng mga luha ko na kanina pa gustong lumabas.
Tama. Tama ang desisyon ko. Kailangan kong makipaghiwalay sa kaniya. Ayaw kong masaktan siya dahil sa akin. Hindi ko kayang makita siyang nahihirapan ng dahil lang sa akin.
Pero sa pagdating ng tamang panahon, babalik ako. Babalik ako para sayo. Para sa akin. para sa atin.
---
J U S T I N . . .
Natigilan ako sa pagababasa ng marinig kong nagring yung phone ko. Agad ko tong sinagot ng makita ko ang pangalan ng gf ko–si Trixie.
"Hello? Justin, pwede ba tayong magkita? May sasabihin lang akong importante sayo," naramdaman ko ang panlalamig sa boses niya.
"Huh? May problema ba? May kailangan ka ba?," bigla akong nag-alala sa kaniya. Hindi ko na rin napigilan ang mga salitang kusang lumabas sa bibig ko.
"Ahmmm.. w-wala naman. May sasabihin lang akong importante sayo."
"Ah.. ganun ba? Saan ba?," pagtatanong ko sa kaniya.
"Same place pa rin, 2:00 *toot toot*," at bigla na niyang binaba yung tawag.
Naninibago ako sa kaniya. Dati naman matagal yung pag-uusap namin sa tawag tapos ngayon, 20 seconds lang? Ang tagal din naming hindi nagkita ah. Atsaka hindi man lang siya nag- 'Good morning, Hubby!' o 'Good bye! I love you very much! Muwaaaah!' hindi niya sinabi.
May problema ba?
---
T R I X I E . . .
Umalis na ako ng bahay. Ayaw kong malate sa usapang ako naman ang nagpasimuno.
Sumakay kaagad ako ng taxi. Hindi kasi alam ni Mommy't daddy na umalis ako. Hindi nila ako pinayagan simula ng malaman nila.
Pajkatapos ng ilang minutong byahe, nakarating na rin ako sa park na usually naming pinupuntahan. Tumakbo ako sa pag-aakalang late na ako sa usapan.
Napatigil ako sa pagtakbo ng makita ko siyang nakatayo sa punong pinag-ukitan namin.
Trixie <3 Justin FOREVER.
Lumapit siya sa akin at niyakap ako ng mahigpit. "I miss you. Ang tagal din nating hindi nagkita ah" at mas lalo niyang hinigpitan ang pagkakayakap niya sa akin.
Nanghina ako bigla. Pinigilan ko ang sarili kong yakapin siya at umiyak.
Pagkatapos ng ilang segundo ng pagkakayakap niya sa akin, huminga ako ng malalim atsaka nagsalita.
"I'm breaking up with you."
Tinanggal niya ang pagkakayakap niya sa akin at hmarap. "A-Anong dinabi mo?"
"I'm breaking up with you."
"Huh? Huwag ka ngang magbiro, Trixie! Alam kong binibiro mo lang ako." Hooo! Justin, huwag mo naman akong pahirapan.
"Hindi ako nagbibiro, Justin. Nakikipaghiwalay na ako sayo." Tumalikod ako sa kaniya at naglakad. Pero bago pa man ako makalayo, agad niya akong hinila at niyakap ng mahigpit.
Bigla akong napaharap sa punong inukitan namin. Hindi ko napigilan ang umiyak. Lalo akong nanghihina at nawawalan ng pag-asa.
"Bitiwan mo ako Justin."
"Hindi, hindi kita bibitiwan. Alam kong nabigla ka lang sa mga sinabi mo kaya please lang, bawiin mo yung mga sinabi mo. Alam ko ring mahal mo pa rin ako," sabi niya habang nagpupumiglas ako sa yakap niya. Naramdaman ko na ring may tumulong luha sa balikat ko.
Ng makawala na ako sa pagkakayakap niya sa akin, nagkaroon na ako ng lakas ng loob na magsalita muli.
"Hindi na kita mahal."
---
J U S T I N . . .
"Hindi na kita mahal." Biglang tumigil ang pag-ikot ng mundo ko. A-Ano? H-Hindi na niya ako mahal?
"Hindi na kita mahal," pag-uulit niya. At narinig ko na ang salitang ayaw kong marinig mula sa kaniya. Pero hindi, alam kong nagkakamali lang siya. Alam kong binibiro niya lang ako, pero... pakiramdam ko, totoo lahat ng ito.
"Please lang Trixie, bawiin mo," pagmamakaawa ko sa kaniya.
"Diba gusto mo naman akong lunigaya? Pwes. Tumigil ka na. Alam mong hindi ako nagbibiro sa sinsabi ko ngayon. Alam mo yan. Pero kung ayaw mong maniwala, edi wag. Hindi kita pinipilit." Akma na sana siyang lalakad paalis pero nagsalita ako.
"O sige, papakawalan na kita pero sabihin mo muna sa akin na ayaw mo na rin akong makita, hindi mo na ako kailangan,at hindi mo ako minahal." Siguro sa paraang ito, mapipigilan ko pa siyang hiwalayan ako.
Humarap siya sa akin at tsaka ngumiti–isang pekeng ngiti.
"Ayaw na kitang makita, hindi kita kailangan at hindi kita kailanman minahal." Natigilan ako bigla. Mas lalo akong nanghina sa huli niyang sinabi.
hindi kita kailanman minahal..
hindi kita kailanman minahal..
hindi kita kailanman minahal..
"Ano? Ayaw mo pa rin bang maniwala? O gusto mong ulitin ko pa?" hindi na ako nakaimik pang muli. Halos natulala ako sa lahat ng masasakit na salitang sinabi niya.
Hindi ko na kaya.
"Okay i'm letting you go .. But, if you need me, i'm always here to comfort you. And I wish someday, you'll realize na nagkamali ka sa napili mong desisyon. Bye, Trixie" atsaka ako tumakbo palayo.
---
T R I X I E . . .
"Okay i'm letting you go .. But, if you need me, i'm always here to comfort you. And I wish someday, you'll realize na nagkamali ka sa napili mong desisyon. Bye, Trixie" atsaka na siya tumakbo palayo.
Hindi ko na napigilan ang umiyak. Hindi ko lubos maisip na papakawalan niya ako. Pero wala akong dapat pagsisihan. Hindi ko naman ito ginawa dahil hindi ko na siya mahal. Ginawa ko ito para malaman niya kung gaano ko siya kamahal. Na ayaw kong masaktan siya kapag nawala na ako.
Pero ipinapangako ko na babalik ako.
---
AUTHOR's NOTE:
Sorry kung OA siya. Sorry naman kasi. Kita mong First One-shot ko palang ito eh -_- Pero sana magleave kayo ng comments at votes para malaman ko kung itutuloy ko pa ba itong compilation na ito. SALAMAT!
BINABASA MO ANG
One-Shot Stories Compilation [Open For Requestors]
Teen FictionOpen For Requestors ☺ ^_^ Just Follow Me na Lang !!