One-Shot #3 - Mahal Naman Kita

46 3 0
                                    

One-Shot #3 - Mahal Naman Kita

Written by MissyInAction  2015

Dedicated to Cassandra Danielle Bague. Ito na yung request mo. Sana matahimik ka na. HAHAHA :D ! Peace tayo, Cass. Okay, enjoy reading! ^___________^

---

"Hey, Sandy! Lutang ka na naman! Iniisip mo na naman ba si Papa Dewey mo?," nakapameywang na tanong sa akin ni Kyle este Kyla pala.

"H-Huh?," nagtatakang sagot ko.

Ano bang isasagot ko sa taong ito? Hmmm..

"Girl, I'm getting jealous na talaga! Lagi na lang siya yung iniisip mo. Paano na yung friendship natin  kung niligawan ka niya at sinagot mo siya? Ngayon pa nga lang na crush mo siya kinakalimutan mo na ako!," pagdadrama niya.

"Haaay, ang drama talga ng kyla ko, oo!," sabi ko habang papalpit sa kaniya at niyakap siya. "Alam mo naman na kahit sagutin ko siya, hinding-hinding-hinding-hindi kita makakalimutan. Isa ka yata sa pinakamahalagang tao sa buhay ko," at kasabay non, niyakap na rin niya ako pabalik.

"Oh siya, bago pa maubos ang oras natin kakadrama, pumasok na tayo. Bye, Sandy!," at doon, naghiwalay na kami.

Oh siya, bago ko rin maunos ang oras ko kakaisip, magpapakilala na ako.
I'm Cassandra, some people use to call me 'Sandra' but there is only one person calls me 'Sandy' and he is Kyla. He? Tapos Kyla ang pangalan? Kalito noh?

Ganito kasi yan. Siya ay girlalu. Half man and half woman ang peg niya pero, hindi siya yung tipo ng girlalu na nakikita niyong may kolorete sa mukha, naka-high heels, or naka-dress, meron lang siyang suot na headband. Kumbaga medyo may pagka-girl lang ang aura at ugali niya. Hindi rin siya maarte.

Lagi siyang nagseselos kay Dewey, ang lalaking matagal ko ng hinahangaan. Paano ko ba siya ide-describe? Hmmm.. Matangkad siya, matipuno, may maputi at makinis na balat, matangos na ilong, singkit na mata, manipis na labi, mabait at friendly. Kumbaga perfect man of your dreams niyo siya. Paang ganun din naman si Kyle (Kyle muna, wala naman siya eh) eh, kaso lang, alam niyo na kung bakit.

Biglang bumalik sa katinuan ang pag-iisip ko ng may biglang nagsalita.

"Goodmorning, Cassandra!," masiglang bati ni Dewey...

Wait...

Si Dewey? Binati ako? Ohmaygudnes?! That's what you call a miracle!

"G-Good M-Morning, D-Dewey," nauutal na bati ko sa kaniya.. Pagkatapos non ay umalis na siya sa harapan ko. Kahit medyo malayo na siya sa akin, sinusundan ko pa rin siya ng tingin.

Nang mawala na siya sa mga mata ko, dali-dali akong tumakbo papunta sa room nila Kyle. Tumingin ako sa relos ko at.. maaga pa naman sa first subject namin.

Takbo, Takbo, Takbo, at tadaaa!

Sumilip ako sa pintuan ng room nila at nakita ko siya. Natawa naman ako bigla sa nakita kong pagmumukha niya. Paano ba namang hindi ka matatawa eh iuntog mo ba naman daw yung ulo mo sa pader? Para tuloy siyang nasisiraan ng ulo. Bwahahahaha!

"Hahaha! Espren Kyle este Kyla pala! Anong ginagawa mo? Para kang baliw dyan!," agad naman siyang umayos. Tumingin siya sa akin at ngumiti na para bang nahihiya. Ang cute niya tuloy tingnan! ^_^

Tumayo siya at lumapit sa akin.

"Oh, anong kailangan mo? Bakit ka nandito?"

---

"Oh tapos? Dapat na ba akong matuwa? Eh yan lang pala yung pinunta mo eh. Is that a big deal?." Nagulat ako sa mga sinabi niya pagkatapos kong ikwento yung nangyare kanina. Biglang kumulo ang mga dugo ko.

"Kung sayo, non sense yun, sa akin, napaka-big deal non! Alam mo namang kahit tingnan niya lang ako eh masaya na ako! Palibhasa, bakla ka kaya hindi mo ako naiintindihan!," tumakbo na ako palayo sa kaniya. Tutal wala naman siyang paki sa mga sinasabi ko.

KYLE'S POV.

Nakita ko siyang naglakad papalayo sa akin.

Totoo nga siguro. Hindi ko talaga siya maiintindihan dahil yung taong mahal ko, matagal ko ng kaibigan. At hanggang kaibigan lang 'yon.

Siguro ito na yung tamang oras para sabihin ko sa kaniya ang tunay na ako at ang tunay na nararamdaman ko sa kaniya.

CASSANDRA'S POV.

"Waaaah! Samahan niyo ako sa gymnassium! Bilis! Nandoon si Dewey at Melissa! Waaah!," sigaw ng isang babae na halos isuka na yung lalamunan sa lakas ng pagkakasigaw.

"Waaaah! Tara! Nililigawan kasi ni Papa Dewey si Ate Melissa! Kaya bilisan niyo mga pagong!," Sus. Big deal ba yu–what?!

Dali-dali akong tumakbo papuntang gymnassium. Sa sobrang bilis nga eh may nabubunggo na akong mga estudyante. Di bale ng magalit sila!

Ng makarating na ako sa paroroonan ko, nanghina ang mga tuhod ko. Totoo nga. Totoo nga ang mga narinig ko kanina.

Kahit marami ang naghihiyawan, malinaw pa rin sa pandinig ko ang mga salitang binibitawan niya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 22, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

One-Shot Stories Compilation [Open For Requestors]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon