One-Shot #2 - Edi Wow

68 2 0
                                    

One-Shot #2 - Edi Wow

Written by MissyInAction  2015

Dedicated ito para kay Kate at para sa akin. Salamt Kate sa lahat lahat. At salamat sin sa sarili ko. Gift ko ito sa sarili ko dahil sa pagkapasok ko sa Top 10. Enjoy reading!

---

"Psh, edi wow," sabi ni Aron sa akin pagkatapos kong maikwento sa kanya yung nangyare sa akin nung kinder ako. Kasalukuyan siyang gumagawa ng essay english. Pss. Ayan na naman sng famous line niya. Hindi ba siya nagsasawa sabihin yung salitang yan? Haaaay, ano pa nga bang bago? Hobby na niya yan eh -_-. 

Andito nga pala kami sa loob ng classroom. As usual. may seatwork na pinapagawa kaya itong si Aron, seryosong-seryoso. Alam niyo na, matalino.

Pagkatapos kong magkwento sa kanya, wala ng nagsalita sa amin. Natakot na akong sabihin niya uli yung 'edi wow' niya. Mahirap na.

By the way, ako nga pala si Missy, 4th year highschool student. At itong katabi ko, siya si 'Mr. Edi Wow' ng Rizal Province. Oh siya, tutal alam ko namang nahalata niyo na, sasabihin ko na. Matagal na akong nagkakagusto sa kaniya. As in. Simula nung grd. 4 kami, kilala ko na siya.

Oo, kaibigan ko rin siya kaya nga ako natatakot magconfess eh. Baka i-friendzoned niya lang ako.

Madaling natapos ang time ng Filipino at Math kaya itong mga kaklase ko, tuwang-tuwa. Kulang na nga lang magpa-fiesta eh.

Ako naman, nagbabasa. Actually, hindi niyo siya masasabing 'nagbabasa'. Kasi naman, hindi ko maalis yung mata ko sa mga titig ni Aron na nakakasakit, matalim kasi eh. Waaahh! Ang gondo ng boses niya! OMO. Tapos yung kinakanta niya pa is yung favorite kong kanta. Nakakapanayo ng balahibo yung boses niya! 

Ilang minuto rin akong hindi makagalaw sa kinauupuan ko. Alam niyo na, kumakanta siya.

Nagulat ako ng may biglang nagsalita mula sa likuran ko. "Hoy, Missy! Nagbabasa ka ba o nakatitig ka sa kniya?," sabi ni Kate, isa sa pinagkakatiwalaan kong kaibigan. Lahat kasi ng sikreto ko alam niya. Pati na rin yung pagkakaroon ko ng gusto ko kay Aron.

"H-Huh? S-Syempre nagbabasa! Kita mong may hawak akong libro eh," sabi ko at atsaka tumingin sa librong hawak ko.

"Wews? Eh bakit kanina ko pa nakikita na yang librong hawak mo eh hindi lumilipat sa ibang page?," mapang-asar na sabi ni Kate.

"Hindi ba pwedeng inuulit ko lang basahin? Ang ganda kasi ng part banda dito eh," sabay turo sa libro ko.

"Talaga lang. huh? Eh bakit di mo na lang kasi sabihin kay Aron na▬" hindi na siya natapos sa pagsasalita ng bigla kong takpan ang bibig niya. Hooh! Ang ingay talaga ni Kate.

"Huwag ka ngang maingay, Kate! Oo, aaminin ko rin sa kaniya," at tinanggal ko na yung kamay ko sa bibig niya. "Huwag lang ngayon. Alam mo namang bawal pa niyang malaman eh." tumingin ako kay Kate pero nakatitig siya sa likuran ko at ngumunguso-nguso. Huh? Anyare sa kaniya?

"Ano yung bawal kong malaman?," napatingin ako sa likod ko at nakita si Aron. Waaahh! Narinig niya kaya yung sinabi ko kanina? Huhuhuhu. Putspang, Kate ito oh! Takasan ba naman ako?!

"H-Huh? E-Eh, bawal mo ngang malaman, diba? Malalaman mo rin yun sa tamang panahon," pagdadahilan ko. Sana effective! Nakita ko siyang nag-grin at alam ko na ang susunod niyang gagawin...

"Edi Wow."

BREAK TIME.

Fish tea talagang tong si Kate, oo. Naglabas lang ako ng sama ng loob sa cr at tumakas na naman? Grrrr! Kapag ako lang talaga nainis, mapapatay ko yung babaitang yun =____=.

Mabilis akong naglakad papuntang cafeteria. Hahanapin ko talaga yung babaitang yon. Habang naglalakad ako, nakasalubong ko si Aron. Okaaaaay, dahil sa madali akong makapansin, napansin ko na nakangisi sa akin si Aron ng nakakaloko. Waaahh! Ang cute niya sa kahit anong anggulo! :)))

---

CLASSROOM.

"Sorry na, Missy," paulit-ulit na sinasabi sa akin ni Kate.

"Haaaaaaaaay, oo na! As if namang kaya kitang hindi patawarin!," at niyakap ko siya. Oo, madrama ako magpatawad.

"Sorry ulit." -_________________________-

"Pinatawad na nga kita, diba?" sabi ko sa kaniya. Sauce. Ang drama rin nitong si Kate.

"Basta, sorry."

Kate's POV.

Waaahh! Sorry talaga, Missy. Hindi ko na rin kasi mapigilan eh. Atsaka isa pa, natatakot din ako sa banta niya sa akin. Huhuhuhu.

Pero alam ko namang matutuwa ka sa magiging kalalabasan nito eh. This is for your better future, bwahahahaha *insert evil laugh*!


Missy's POV.

-__________________________________- Akward. 

Walang nagsasalita sa aming dalawa▬ako at si Aron. Naubusan na ako ng sasabihin eh. Pero, susubukan kong basagin ang katahimikan.

"Aron, may sasabihin ako sayo."

"Psh, edi wow," sabi ko na nga ba eh. Nagbabalik ang kanyang 'famous line'. Siguro kailangan ko ng bumanat ngayon.

"Pusa, edi meow."

"Aso, edi aw." Abaaaaaaaa't?! Hindi ba siya nauubusan ng lines? Isip, Missy, isip!

"Baka, edi cow." At tumahimik na siya. Sauce. Ayan lang pala ang katapat mo eh. Nagulat ako ng bigla niyang ginawa. Niyakap niya ako ng mahigpit at nagsalita.

"Puso ko, edi ikaw." 

---

Author's Note:

Guys, leave votes and comments para malaman ko kung maganda ba ang one-shot na ito.. SALAMAT !! ☺

One-Shot Stories Compilation [Open For Requestors]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon