Unrequited 1: Game of Questions

21 4 0
                                    


AMBISYOSA raw ako. 

I guess they're right, but there are other terms that fit better with me. Like, dreamer, mataas ang pangarap, goal-getter, idealist or goal-oriented. 

Mukhang mabaho kasi 'yong ambisyosa na term. Pero sino ba naman kasi ang gugustuhing mag-settle sa ganitong uri ng pamumuhay? It's not like I'm complaining--pero parang gano'n na nga. Some of my classmates if not all are the sons and daughters of a politician, military, educators and sikat sa business industry.

Samantalang ako? Heto, anak lang ng isang single-mother na 300 pesos ang sahod araw-araw. 

Sino ba ang dapat kong sisihin sa kahirapanng dinaranas ko ngayon? Ang Diyos? Ang gobyerno? Si Mama? Sarili ko? Aba, ewan ko! Wala naman akong sinisisi pero kasi, paano kung nagsumikap si Mama noon? Paano kung nakapagtapos siya? Paano kung may maganda siyang trabaho na may malaking sahod? Paano kung tamang lalaki 'yong pinakasalan niya? Or paano kung sa ibang pamilya ako nilagay ni Lord? Or what if pina-ampon ako ni mama sa marangyang pamilya? Ano kayang klaseng buhay mayroon ako ngayon?

Nailing akong nagbuklat ng notebook. Simula noong magka-isip ako iyon na yata ang mga tanong na tumatakbo sa isipan ko. 

I am currently listing all the things that I wanted to achieve. It's like a bucket list but the difference is that: I am neither dying, nor sick. I still have a luxury of time to achieve them. 

*Learn to play an instrument

*Graduate in senior high school as the highest honors

*Visit Baguio City

These are my top three. 

Not that hard, pero sa tingin ko mahihirapan pa rin ako. 

After I finished writing. I packed all my things and went outside the classroom. I was welcomed by the deafening silence of the corridor. The sky has already a mixture of yellow, orangeand red. 

Some people say that sunset is a symbolism of rest and the passage of time. Just like the sun, we humans needs to end the day, to go home and take a break. As the sun sets it reminds us that even though our day was tiring and terrible we'd still have a time to take a rest and embrace darkness. 

But for me, sunset is as horrible as death.

Sunset reminds me that I need to go home, that I need to face the reality that I live in a noisy and lower-class neighborhood, that I live under an old rusty roof.

Gustuhin ko mang manatili rito sa skwelahan, para takasan ang problema sa bahay... hindi naman pwede. Kaya siguro kahit na may sakit ako, hindi ko pa rin magawang lumiban sa klase kasi sa tuwing nandito ako sa skwelahan, sandali kong nakakalimutan ang mga problema. Sandali nitong pinapaalala at pinaparamdam sa akin na kailangan ko pang taasan ang pangarap ko para makaalis na sa impyernong lugar na iyon.

Maingay.

Maraming tambay.

Nagkalat ang mga basura.

Maraming nakahubong mga bata na nagtatatakbuhan kahit na naglalaban na ang dilim at liwanag.

At syempre hindi mawawala ang mga Aling Marites.

"Ba't ba kasi nasa private school nag-aaral 'yang anak ni Elena?" rinig kong bulongan ng mga tsismosang kapitbahay.

"Ambisyosa kasi ang batang 'yan. Halos magkanda-kuba na nga ang nanay niyan sa paninilbihan doon sa pamilya Chung, sinasagot-sagot pa niya nang pabalang."

"Naturingan ngang matalino pero bagsak naman pala sa pag-uugali. Mabuti na lang at hindi ganyan ang anak kong si Jen!"

"Baka kako may sugar daddy na nagpapa-aral diyan?"

UnrequitedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon