MATALINO.
That's what my classmates think about me.
Scholar. With Honors. Nagta-top sa klase.
But they don't have any idea how many tears I cried.
Kasi hindi naman talaga ako matalino. Trying hard lang.
Ano ba naman kasi ang pumasok sa isipan ko at nagpa-enroll pa ako sa university na 'to?
Nasa senior high pa lang naman ako.
Simple lang, kasi nandito siya.
"Quenn!"
Napahinto ako sa pagbaba sa hagdan nang may malakas na boses ang sumigaw ng pangalan ko.
I silently cursed her.
Nakakahiya talaga ang babaeng 'to.
"Ba't di mo ako pinuntahan sa room kanina?" she said as she encircled her fat arms around me..
I looked at her and the first thing that I noticed is her pinkish chubby cheeks and her thick eyebrows.
'Yong kilay niyang parang hinahabol ng pang-ahit sa sobrang kapal.
"Oh? Ba't ka napatitig? In love ka na ba sa'kin? Eww!" sigaw niya at umakto pang nasusuka. Ulol talaga.
I shook my head and hurried down the stairs.
"Hoy teka! Pikon ka na naman!"
Ba't ba parating nakasigaw ang babeng 'to?
Hindi naman ako bingi.
Pakiramdam ko'y nawalan ako ng balanse nang may kung anong mabigat na dumagan sa akin.
It turned out na si Raiza pala.
Mabilis niya akong dinaganan nang makahabol siya.
Halos matumba at mapa-upo ako sa tiles dahil sa laki at bigat niya.
"Aray! Punye—"
"Stop playing around, girls!"
Tsaka lang ako nakahinga nang maluwag nang lumayo agad si Raiza.
Napaayos naman ako nang tayo at pinagpagan ang nagusot kong skirt.
Bwesit talaga 'tong si Raiza. May balak atang patayin ako.
"Sorry, Sir," paumanhin niya habang nakatungo.
Sinipat ko ng tingin ang lalaking lumapit sa amin.
Matangkad.
Maputi.
Singkit.
Medyo wavy na buhok.
At may nunal sa gilid ng kaliwang mata.
"Good afternoon, Sir Yu."
"Are you alright?" he asked as he tilted his head sideways.
Naasiwa naman ako bigla.
"Opo."
He sighed as he placed both of his hands inside his pockets.
"Next time to avoid any accidents don't play around, okay?"
Raiza and I nodded our heads.
After that umalis na din si Sir Yu kasama ang mga co-teachers niya.
"Kinilig ka ba?" Sundot ni Raiza sa tagiliran ko habang naglalakad kami palabas sa campus.
"Bobo ka ba?"

BINABASA MO ANG
Unrequited
Teen FictionQuenncyl faces a one-sided love when she met the famous theater actor student, Kyle. She experienced numerous heartaches and series of cries when she found out that the guy she fell in love with is in a serious relationship with a well-known taekwon...