1. S.A.D

156 4 0
                                    

Ako nga pala si Shonylle Ayme Dantes. Labing-anim na taong gulang. Magcocollege na this school year sa pinapasukan ni kuya na unibersidad.

Hindi ako kagandahan pero alam ko sa sarili ko na matalino ako. Oo. Matalino ako. Parati akong nangunguna sa klase namin simula pa no'ng nursery, kindergarten, elementary at high school pa lang ako. Pero kahit na matalino ako ni isang friend wala ako dahil tingin nila sa'kin weird, baliw, abnormal, may kulang sa pag-iisip at kung ano-ano pang panghuhugas at pangungutya nila sa'kin.

Tanggap ko ang sarili ko at alam ko kung sino talaga ako. Walang pagdadoubt. Walang pagsisisi. Alam ko ring nandyan sina mama't kuya para sa'kin. Matagal-tagal na rin no'ng namatay si papa. Miss na miss ko na si papa. Siya ang parating nagmomotivate sa'kin na "Shon, 'wag mo silang pakikinggan", "Anak, maganda ka inside and out", "Magtiwala ka sa sarili mo 'nak" at marami pang iba.

Pero kahit na ganito ako merong isang lalaking tumanggap at nagmahal sa'kin ng totoo, Blake ang pangalan niya niya. Varsity siya at kilala sa buong campus no'ng high school kami. Singkit ang kanyang mga mata. Mapupula ang kanyang labi. Sobrang kinis ng kanyang mukha na wala kang makikitang pores. In short, gwapo siya. Hindi din maikakailang matalino siya.

Nagulat nga dati ang mga taong nangungutya sa'kin na naging boyfriend ko si Blake. Sino ba naman ako para patulan niya? E sa itsura kong 'to na panget, weird, hanggang paa ang palda, close button kung manamit at nakanerd glass. Grabe na mga masasakit na salita ang mga natatanggap ko sa kanila ng maging kami ni Blake.

Yuck! Ewwww, nakakadiri't nakakasuka.

Napakaambisyosa talaga ni Shon.

Ang panget ng taste ni Blake, yaayks!

Lolokohin siya ni Blake. Hahahaha!

Pinagpupustahan lang siya nina Blake at mga kateamates nito.

Masakit talaga. Sobrang sakit ng mga sinabi nila. Ganito lang daw ako na walang taong magmamahal sa'kin ng buo. Walang magseseryoso. Walang aasahan. Kaya pinapalusot ko na lang sa kabila kong tenga.

Tinanggap ko dahil mahal ko ang sarili ko. Kilala ko kung sino ako at kahit hindi man ako pasok sa mga standards nila ay may mga tao pa ring nagmamahal sa'kin. Pamilya ko't si Blake na palaging andyan para sa'kin. Alam kong nasasaktan din siya pero ngumingiti-ngiti pa rin siya sa harapan ko Tandang-tanda ko pa isa sa mga sinabi niya sa'kin.

"No matter what happened Shon, mahal na mahal kita. Huwag mong pakinggan ang mga sinasabi nila. Pakinggan mo 'yang puso mo kasi ako pinapakinggan ko 'to at sabi ang niya, ikaw lang at ikaw. Huwag kang tumingin sa kanila. Tumingin ka lang sa'kin kasi ako ikaw lang ang nakikita ko. Ikaw ang mundo ko. Tanggap kita kung sino ka kasi mahal kita. Sobrang mahal"

No matter what happened daw, mahal niya ako pero simula no'ng grumaduate kami sa high school, ni isang teks at tawag wala akong natanggap. Kinonsider ko na lang sa sarili ko na wala na kami.

Mga apat na rin na buwan ang nakakalipas no'ng iniwan niya ako sa ere na hindi nagpapaalam. Meron pa ring kirot, sakit at galit para sa kanya. Ikaw ba naman ang iwan ng biglaan ng walang paalam, hindi ka iiyak? Hindi ka masasaktan? Hindi ka magagalit? Tapos sabi niya, sabay kaming papasok ng Ynares pero wala na e, wala na 'yong pangako niyang napako.

Naisip ko nga minsan na tama nga siguro ang mha sinabi ng iba na pinagpustahan lang ako ng grupo nina Blake na hindi siya seryoso sa'kin. Ambisyosa ako, uto-uto at kung ano-ano pa.

Alam kong minahal niya ako dahil pinapakita niya't pinaparamdam. Nagtagal din kami ng one year and eleven months. S.A.D no? Sayang no? Sayang talaga pero siya nga e, hindi nasayangan sa relasyon namin.

Sana sa pagpasok ko sa Ynares, bagong buhay, bagong pag-asa. Hindi muna ako maglolovelife. Tututok talaga ako sa pag-aaral at 'yon na lang siguro ang magiging lovelife ko. Ayoko munang pumasok sa isang relasyon na hindi pa ako handa. Ang kapal ko naman sa sinabi ko. As if naman na may handang may manligawan sa'kin do'n. Erase erase Shon. Erase! Tapos!

Pero hindi ako excited na pumasok do'n kasi sa tuwing naiisip ko si Blake, nasasaktan pa rin ako. Umiiyak at nagdurusa. Ang drama ng lovelife ko. Ikaw ba naman ang masaktan ng ganun hindi ka magdadrama? Ano ako manhid? Bato? Metal? Tubo? Hahahah.. Itatawa ko na lang 'to kahit na may kirot pa rin. Ang bigat talaga sa pakiramdam. Sobrang bigat na parang bang buhat-buhat ko ang buong mundo pero 'yong naging mundo ko iniwan ako. Ang sarap ipagulong-gulong ang naging mundo ko sa buhangin habang may nag-aantay sa kanya na pating na lalamunin at kakainin siya. Hindi ako bitter rather I would choose to be a better person to make everything okay and worth it.

Ano ba ang masasabi niyo kay Shon? NaS.A.D ba kayo sa istorya ng buhay niya?

LOVE ME OR HATE ME?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon