2. Ynares University

84 4 0
                                    

College student na talaga ako. Medyo kinakabahan ako sa mangyayari sa'kin dahil baka kutyain at husgahan na naman ako ng mga bagong tao na makikilala ko. Alam kong puro negatibo ang maririnig ko mula sa kanila pero sana naman meron pa ring positibo.

At sana magkaroon ako ng new friends as if naman na meron akong old friends dati. Hay! Life is life oh who oh oh oh ..

.
.
.

Ngayon ay inaantay ko si kuya sa harap ng campus dahil pinark niya ang kotse pero ewan ko kung sa'n 'yon nagpunta. Sobrang tagal, ang tagal na talaga.

Nararamdaman ko ng namamanhid na ang mga paa ko sa kakatayo. Tinatago ko na lang ang mukha ko sa clearbook na hawak ko sa tuwing  may mga taong napapadaan sa'kin at binabangga-bangga ako. Kaya hinihigpitan ko na lang ang paghawak sa clearbook ko.

Sa tuwing sisilip ako ay merong tinitignan ako mula ulo hanggang paa. Oo na alam ko na, weird ako, baliw, wala sa pag-iisip at panget pero imbis na maging negatibo ako nagiging positibo na lang ako dahil sanay na naman ako. Ningingitian ko na lang sila pero napapansin kong ningingiwian nila ako.

Napatingin ako sa 'di kalayuan dahil bigla na lang may nagsisitakbuhan hanggang sa dumadami na ang mga tao sa harapan ko. Karamihan sa kanila ay mga babae. Tumatalon ang mga malapit sa'kin habang kinikilig sa kung sino man ang tinitignan nila.

Meron din napapaupo't napapatayo. Kulang na lang mangisay sila. Ewan ko talaga, ang o-oa nila.

Napa-ikot na lang ako ng mata. Hindi ko inasahan na ganito pala sa Ynares kapag first day of school subalit bigla akong tinubuan ng pagtataka. Kaya nakisiksik ako. Tumingkayad ako at nakita ko ang limang lalaki na parang mga artista kung tratohin pero kilala lang siguro sila dito sa campus na 'to, sa Ynares University.

Nanlaki ang mga mata ko ng biglang may humatak sa'kin palabas sa mga nagsisiksikang mga tao. Bago pa ako sumimangot ay napangiti na lang ako ng peke dahil si Kuya Saine lang pala.

Inihip ko na lang bangs ko samantalang si kuya naman ay nakatingin sa'kin na para bang nag-aantay ng paliwanag ko kung bakit nandoon ako kanina.

Aalis na sana ako para tignan ulit ang limang lalaki pero hinatak ako bigla ni kuya.

"Op?? Where you going Shongit?", pagsusungit nuta

"K-kasi naccurious lang talaga ako do'n kuya kong napakaSainengit". Sinundan ng tingin ni kuya ang tinuro ko. Nagsalubong ang kilay niya. Mukhang hindi siya sigurado sa gusto ko.

"Alam mo 'wag kang lumapit sa kanila"

"Ha? Bakit naman?", pagtataka ko.

"Mga badboy 'yan ng campus, mayayabang at manloloko, in short, mga iresponsable"

"Whe? Parang 'di naman po ku--". Napatikom ako ng bibig dahil napamewang siya sabay na tinignan ako ng seryoso. "sorry". Nag-peace sign ako ng sabay.

"Mga naturingan silang mga heartthrobs dito". Mas lalo ako nacurious sa sinabi ni kuya. Sino kaya sila? Bakit nasabi ni kuya na iresponsable sila? Kilala ba sila ni kuya ng lubusan?

Pero hindi naman sila magiging heartthrobs kung hindi sila mga gwapo. Isa kaya 'yon sa mga requirements para tawagin kang heartthrob. Erase erase Shon, sabi mo, tututok ka sa pag-aaral mo kaya studies is your lovelife now Shon. Love yourself first again after you love others again 'di ba?.

"Aaaaah", tanging nasabi ko lang.

"Halika na", sabi ni kuya sabay na hinawakan ang pulso ko.

Pumasok na kami sa loob ng gusali. Naiilang ako dahil pinagtitinginan kami ng lahat. Kaya bumitaw ako sa kanya.

Sa isipan ko ay nakakatawa ang mga reaksyon nila. Akala nila siguro boyfriend ko si kuya.

Napatingin naman siya sa'kin dahil sa ginawa ko. Napa-hiss na lamang ako dahil inakbayan niya ako bigla na ikinagulat ng karamihan.

Napansin ko ang iba na pabulong-bulong sa mga kasama nila habang nakatingin sa'kin. Nakita ko rin na napataas ang iba ng kilay nila. Para sila tuloy mga joke. Hahahahahahah!

"Is she your girlfriend?", tanong ng isang babae kay kuya habang may panglalait ang kanyang tono.

Napangiti na lamang si kuya at napalungo bilang sagot.

Madali kasing manghusga ang mga tao kahit na hindi pa nga nila alam ang totoo. Oo. Nature na 'yon ng mga tao na maging ganun. First look tsismis kaagad. Ang tao kasi unang nakikita ang look bago ang ugali. Pangalawa, ang ugali lalo na kung hindi kayo magkakilala pero kahit na magkakilala kayo una pa rin nakikita ang look kasi kung ano ka sa panlabas na kaanyuan ganun ka rin sa panloob.

The way you act is the way you feel inside.

Biglang may sumigaw kay kuya na, "Hoy Saine ang pangit ng girlfriend mo!". Nagtawanan sila na sinabayan ni kuya pero kitang-kita ko sa mga mata niya na nasasaktan siya dahil nilait ako.

"Hindi ko 'to girlfriend!"

"Hindi ka lang proud", sabat ng isa pang lalaki at nagsi-apiran sila.

"Kaya nga sinasabi kong kapatid ko 'to dahil proud ako". Nakita ko na naman ulit ang bulong-bulungan ng mga tao. "hindi ko siya kinakahiya"

"I love you kuya ko", bulong ko sa kanya. Tumingin siya sa'kin at kinindatan ako.

Nang tumingin ng diretso si kuya ay bumungad sa kanya ang mukha ng lalaki na kanina pa ako kinukutyaan.

"E bakit pangit ang kapatid mo?!"

"E ikaw bakit wala ka pa ring jowa? Aaaaaah walang jowa. Walang jowaaaa. Aaaaaah". Natawa ako sa naging ganti ni kuya subalit nagulat ako dahil bigla siyang sinuntok ng lalaki. Napansin kong may tattoo siya sa leeg niya. "ikaw pa talaga ang napikon?!"

"Walang personalan boiiii"

"Wala ding pisikalan boi", tugon ni kuya habang hawak niya ang kanyang kanang pisngi.

"Okay lang kuya?"

"Ayos lang ako sizt", sagot niya sabay na binaba ang kamay niya at nagkunwaring malakas siya.

Napatakip ako ng bibig dahil sumusuntok siya sa hangin na ipinagtaka ng lalaking nasa harapan namin.

"A-anong ginagawa mo?", tanong niya kay kuya habang nakakunot ang kilay.

"Nag-bboxing boi", sagot ni kuya. Nag-footwork siya habang sumusuntok pa rin sa hangin.

"Aaaah okay"

"Okay boi"

Nagulat ako nang sinuntok siya ni kuya ng malakas sa mukha. Natumba siya at nawalan kaagad ng malay.

"Kuyaaa?", sambit ko dahil may paparating na isang babae at isang lalaki. Sigurado ako na university president at guidance counselor sila. "patay ka"

"B-bakit?", tanong niya habang nakafocus siya sa kamay niya na kanyang kinukuyom.

"Mukhang uni pres at guidance ang parating", sagot ko.

Nanlaki ang mga mata niya ngunit nagtaka ako dahil kinawayan niya pa ang dalawang nakakatakot ang pagiging authoritative ng kanilang mukha.

"Go to the guidance", sabi ng babae na naka-casual attire. Walang nagawa si kuya kundi ang sumunod na lamang.

Pinagtulungan ng tatlong lalaking estudyante na buhatin at patayuin ang may tattoo. Wala pa rin siyang malay hanggang ngayon habang sumusunod silang lima sa babae kasama na rin si kuya.

"Transferee ka dito?", tanong ng lalaki na ikinagulat ko. Hindi siya katangkaraan. Nakasuot siya ng long sleeve collar na kulay puti na may pulang necktie. Naka-slocks siya at ang kanyang sapatos ay kumikintab sa sobrang linis.

"H-hindi po sir. First year po ako"

"So welcome sa Ynares University. I am Faustino Ramas. Ako ang university president ng kolehiyong ito"

"T-thank you po sir"

LOVE ME OR HATE ME?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon