Nag-antay ako sa labas ng guidance ng departamento ni kuya. Naiilang ako dahil pinagtitinginan ako ng mga estudyanteng napapadaan sa'kin. Oo sanay akong kutyain at laitin pero ang tignan ng may halong pangdidiri ay hindi pa rin talaga ako sanay.
Nang lumabas si kuya ay nilapitan ko siya kaagad. Hahawakan ko sana ang braso niya subalit hindi ko natuloy dahil nagsalita siya.
"Isang gulo na lang daw ay mai-expel na ako dito". Nagsalubong ang kilay ko. Anong mai-expel siya?
"Kuya isang gulo pa lang ang ginawa mo pero sana hindi mo na sila pinatulan lalo na ang may tattoo na 'yo--"
"Anong hindi ko papatulan Shon? Kapatid kita. Obligasyon ko na ipagtanggol ka"
"Oh dahil obligasyon mo ko, napa-guidance ka. Kuya naman isang school year na lang gagraduate ka na. Sana naman 'wag mo na silang patulan lalo na kung nilala--"
"Kahit si papa ay gagawin niya rin 'yon sa'yo at tsaka bakit nandito ka pa? Wala ka pang klase?". Napangiti ako ng peke dahil sa tanong ni kuya. "ihahatid na lang ki--"
"Wag na kuya". Ang totoo niyan ay nakikita ko sa malayo sa kabilang hallway na may nagtutumpukan na namang mga estudyante. Sigurado ako na nando'n ang sinasabi ni kuya na mga iresponsableng heartthrobs.
"Sigurado ka?". Um-oo ako samantalang siya naman ay napatingin sa relos niya. "kanina pa pala nag-start ang klase namin. Mauna na ko Shongit"
"Bye Kuya Sainengit". Kumaway ako sa kanya. Hinalikan niya naman ako sa noo bago siya umalis. Walang malesya 'yon sa'min dahil bata pa lang kami ay gano'n na sa'kin si kuya. Masuwerte ako dahil malambing na nga siya tagapagtanggol ko pa siya.
Nang maghiwalay na ang mga landas namin ay napabuntong-hininga ako. Kinakabahan ako dahil first time kong magsinungaling kay kuya dahil sa kuryusidad ko sa mga iresponsableng heartthrobs ng Ynares University.
Habang naglalakad ako ay yakap-yakap ko ang clearbook ko. Hindi ko na ginagawang pangtakip sa mukha ko ngunit ginagawa ko ng pang-comfort sa sarili ko dahil kinakabahan ako lalo.
May bumunggo sa balikat ko hanggang sa magkakasunod na silang sadyang binubunggo ako. Wala silang pakialam kong masaktan ako. Sino ba naman ako para magkaroon sila ng paki? Weird nga ako 'di ba?
Sumakit ang tenga ako dahil nagsitilian sila at kahit gayunpaman ay tumingkayad ako. Ginawa ko ang lahat para makita ko lang ang sinasamba nila. Isa-isa silang lumalabas sa classroom nila. Nanlaki ang mga mata ko dahil gwapo nga silang lahat.
Bigla na lang dumami ang mga estudyante. Kulang na lang ay magkaroon ng stampede. Wala rin akong nagawa kahit na makisiksik pa ako dahil ayaw patalo ng mga babae. Napunta ako tuloy sa pinakadulo.
Tumalon ako subalit hindi ko sila makita. Talon talon talon. Toinks!toinks!toinks! Para akong tanga sa ginagawa ko pero wala akong pakialam dahil curious talaga ako sa kanila.
Ginawa ko ang lahat hanggang sa may nakita ako. Chinito, maputi, matangos ang ilong ng lalaki pero nagtaka ako dahil tahimik lang siya habang kilig na kilig ang mga babaeng malapit sa kanya.
Merong airpods sa magkabila niyang tenga. Mas nakakapagtaka siya sa kanilang lahat dahil patay-malesya lang siya at ako naman ay patuloy pa rin sa pagtalon ngunit laking-gulat ko ng mapansin niya ako. Napatingin siya sa'kin. Kaya na-out of balance ako. Bumagsak ako na nagawa ng matinding ingay.
Nagbingi-bingihan ako sa malulutong nilang tawa habang hinihimas ko ang pwetan ko at napapa-aray ako.
Pagkaangat ko ng ulo ko ay nakatingin sila sa'kin pero malabo silang lahat. Kaya hinawakan ko ang mukha ko. Nawawala ang salamin ko. Kinapa ko ng kinapa sa sahig pero wala. Gusto ko ng umiyak dahil pinagtitripan nila ako.
Nabalutan ng katahimikan ang buong paligid dahil bigla na lang may nagpasuot sa'kin ng nerd glass ko. Naging malinaw na silang lahat sa'kin. Ang iba ay nakatingin sa'kin ng masama. Ang iba ay nandidiri. Ang iba ay parang naiinggit. Ang iba naman ay kulang na lang sabunutan ako.
"Sa susunod mag-iingat ka ...". Napatingin ako sa lalaking nasa gilid ko. Gulat na gulat ako dahil siya ang chinitong nakita ko. "bago ka dito no?". Napa-clear throat siya dahil hindi ko nasagot ang tanong niya.
Tumayo siya. He held his hand on me. Nagdadalawang-isip ako na hawakan ang kamay niya dahil mas napapansin kong galit na sa'kin ang mga babae.
"Wag mo nga silang bigyan ng pansin". Napalunok ako ng matigas dahil hinila niya ang pulso ko. Pinahawak niya ang kamay ko sa kamay niya. Naging maingay muli ang paligid. Ang iba ay nahimatay. Ang iba ay pumadyak-padyak na parang mga bata. Ang iba ay naiiyak at umiiyak ng bongga. "huwag kang tumalon sa susunod. Kung gusto mo kaming makita dapat marunong kang sumingit"
Mas gwapo siya sa malapitan. Hindi ko mapigilan ang puso ko na kaybilis ang tibok. Parang kinukuryente ako. Shoooooon! Huwag magpanic. Kalma ka lang. Pasimple ka lang huminga ng malalim. 'Wag kang magpapahalata na kinikilig ka.
Shon, study is your priority now!Huwag malandi kasi hindi ka naman talaga malandi e. Remember? Kalma baga.
"S-salamat pala sa tulong", sabi ko habang inaayos ko ang salamin na suot ko.
"It's my pleasure ...", nakangiting tugon niya. Natulala ako sa kanya. Hindi ko alam kung anong gagawin ko dahil na-stuck ako sa kinatatayuan ko. "hello miss?". Kinaway-kaway niya ang mga kamay niya sa harap ng mukha ko. He snaps his finger on ny face. Natauhan ako subalit biglang nagbell at nagsipag-alisan na ang mga estudyante.
Masasama ang tingin nila sa'kin. May naririnig ako habang papaalis sila.
"Ang swerte niya talaga"
"Ambisyosang froggy"
"Ang panget-panget pero bakit siya nilapitan?"
"Naiinggit talaga ako"
Sa totoo lang, okay naman ang sinasabi ng iba pero ang iba talaga ay below the belt na.
Halos wala ng natirang mga estudyante maliban sa mga kaibigan ng chinitong nasa harapan ko. Ang gagwapo nga nila. Magaling silang pumorma at napakalinis nilang tignan.
Nagsalubong ang kilay ko dahil kulang sila ng isa.
"First year ka siguro no?", tanong sa'kin ng lalaking may shade sa kanyang batok.
Ngumiti lang ako bilang sagot. Napa-ow ang dalawang kasama nila dahil hindi ako nagsalita. Ang chinitong nasa tabi ko naman ay natatawa lang sa pang-aasar ng mga kaibigan niya sa nagtanong sa'kin.
Hindi ba siya mahilig ngumiti ng todo at nakalabas ang ngipin?
Nang tumingin siya sa'kin ay pasimple akong umiwas ng tingin.
"What's your name?", tanong niya. Kagaya sa kaibigan niya ay ngumiti ako bilang sagot.
Kaagad akong umalis dahil pakiramdam ko ay sasabog na ako sa pagpipigil ko ng kilig.
"Dude, first girl na inisnob ka?"
"At tsaka dude, sa lagay niya choosy pa siya?"
"Tumigil nga kayong dalawa"
"Pero dude maganda ba siya para sa'yo?"
"Mukha siyang mabait"
Nagtago ako sa likod ng pader. Nilabas ko na ang buo kong kilig. Nagtatatalon ako. Kinakagat ko ang kuko ko. Niyakap ko ng mahigpit ang clearbook. Hindi ako makapaniwala na mapapansin nila ako kaagad.
![](https://img.wattpad.com/cover/34335404-288-k362761.jpg)
BINABASA MO ANG
LOVE ME OR HATE ME?
Teen FictionAng kwentong ito ay tungkol sa dalawang tao na nakilala ang isa't-isa dahil pareho silang nawalan. Mamahalin ba nila ang isa't-isa o kamumuhian? All Right Reserved 2015 Enjoy Reading .. Read Like Share and Vote :* Dedicated to : iDangs (nainspire mo...