"Tang-ina Gabby! Nagpakamatay siya! He killed him self, tatanga-tanga ka kasi eh. Nung buhay binabalewala mo, tas nung natigok saka mo namiss? Anong kagaguhan yun? Gabby di ko na kaya! Ang sakit sakit!" Halos di na ako makahingang nag kw-kwento sa bestfriend kong si Gabriel, after kong tapusin yung SDTG.
"Hay nako Danny. I told you, hinay - hinay ka lang sa mga Morbid mong libro. Aba ilang araw ka nanamang mag mumukmok niyan, dahil sa namatay yung characters diyan?" Agad naman niyang kinuha yung panyo niya at pinunasan yung mga luha ko. Sanay na yan siya. Di ko talaga mapigilan mag binge read ng mga librong alam kong sad ending.
"But Gabby! You know I can't help it. Itong mga romance books na ito na lang yung bumubuhay sa katawang lupa ko."
"I know. I know. Pero di ba na i-spoil yung love life mo niyan? Kung ano-anong nababasa mo diyan sa mga romance books mo na yan. Baka sa jowa mo pag pina-iyak ka kiligin ka pa." Matapos niyang punasan yung luha slash buong mukha ko, ipinatong na lang niya yung panyo niya sa sandalan ng sofa at bumalik sa paglalaro sa phone niya.
"Gabby naman eh. Nag-luluksa yung bestfriend mo dito oh. Uunahin mo pa ba yang game mo?" Ang nagmamaktol kong sabi.
"Of course Danny. You're my bestfriend, kababata and actually, only friend. Pero di mo ko jowa, yuck. Maghanap ka ng jowang magpapatahan sayo. Wala na yan sa job description ko as your bestfriend. Hahahaha." Hay nako. Di ko na nga lang pinansin si Grabriel, baka mahampas ko lang. Magsama sila ng cellphone niya.
Akala ko pa naman masisimot ko yung sweet moment nitong Bestfriend kong bading. Lagi ko kasing niloloko yan na kami na lang dalaw, pero puro yuck lang sinasabi aba. Magkababata kasi kami niyan, best friends sila Mommy and Tita na nanay ni Gabby. So we grew up as best of friends na din. As if we have a choice, parehas kasi kaming Introverted at may social anxiety. So kahit sa school noon, kami na talaga ang magkasanga.
And dahil nga sa kadahilanang yun, we never had any other close friends. A few aquintances maybe, pero no one close enough that we would hang out with them on a weekend. Of course, parehas din kaming ZERO ang lovelife. NBSB pareho, kaya nga sabi ko kami na lang although di yung gwapong type ko si Gabby, he's the sweetest and cutest naman so pwede na. Kaso diring diri si bakla. Pag ako talaga nag 30 at single pa din, lalasingin ko na yan eh puro movies at games and inaatupag.
"Hoy Danny anong tinutulala mo diyan sakin? Hindi tayo talo okay?" Ang nakairap pang sabi ni Gabby.
"Gabbyyyyyyy... I need comfort. I need to touch some grass. Pang 68th book ko na yun simula nung pandemic. Naipon na yung lungkot ko sa mga sad endings huhuhu." Ang nakalabi ko pang pagpapa awa sa kaniya.
"Fine! Fine!" Agad niyang inexit yung queue sa game niya, tumabi sa akin at niyakap ako ng mahigpit. Now this is more like it, he really gives the most comforting hug in the world!
"Get ready. Let's go to the nearest coffee shop na may Al Fresco setting. Tutal day off naman natin both. Bored na bored na din ako sa kakanood ng Horror movies, at pandudurog ng mga weaklings. Bitaw na, masyado ka nanaman natutuwa Daniella ah. 22 na tayo di na tayo bata!" Hmp parang konting hug na lang eh.
"Oo na. I'll get ready, buti na lang nakakuha na tayo ng second dose ng Vaccine. Should be safe enough. Ligo lang ako Besh. Ah nga pala. Baka mamaya mukha ka nanamang mag gro grocery, gusto ko yung poging-pogi ka na look okay?" Sabay bitaw ng kindat. I'm not gonna pass on flaunting a cute guy, na kunwari boyfriend ko hahahaha.
"Whatever! Fine. Just make it quick 4:00 PM na oh?" Ang lintanya niya bago pumasok sa kwarto niya. I forgot to mention we both live in a 2 bedroom Condo, hati kami sa rent and bills.Matapos ang isang oras natapos na din ang routine ko sa pag papaganda. 1 year ata kaming bahay supermarket lang lagi. This is the first time na lalabas kami to hang out, so why not make the most of it. Kinuha ko na yung cute kong bag at agad na lumabas ng pinto. Agad kong nginitian si Gabby na napaka cute, kaso nakasimangot hahahaha.
"5:15 PM na Danny. Naka 3 game na ako, are you finally ready to go?" Ang cute cute talaga nitong best friend ko pag nagagalit eh. Agad akong ngumiti sa kaniya sheepishly, at yumakap sa braso niya.
"Ito naman. Gabby this is the first time na lalabas tayo after a year. Pagbigyan mo na akong magpaganda ng bonga! Bati na tayo okay? Tara na." Agad ko siyang hinila palabas ng Condo, ng maka ariba na.
"Whatever. Tara na." We went basement, gagamitin namin yung Motor ni Gabby para very quick lang ang biyahe namin. Very stable naman magpatakbo yung Bestfriend ko eh.It took us a 20 minute ride to get to the coffee shop na lagi naming tambayan, pre-pandemic days. May malalapit naman sa Condo, kaso the vibe here is just the best. Matapos makapag-park at matanggal ang helment agad akong nanalamin to make sure oks pa din ang make up at buhok ko. I also fixed Gabby's hair at di siya nag wa-wax so medyo nagulo hair niya. We secured our Face Masks then went to the table near the road. Medyo dark na yung langit, pero may mga yellow lightbulbs naman na mukhang baderitas all over the place. So sobrang relaxing nung vibe.
"Stay here Danny. Ako na mag o-order, ano sayo?" Ang sweet talaga neto. kahit kasi 22 na ako, di ko pa din kaya mag order sa kahit anong coffee shop or fast food. Tumataas yung anxiety level ko.
"Breve nalang sa akin Gabby. Stevia ah. Tsaka yung Croissant na may pistachio filling. Thank you!" I gave him a sweet smile habang yumakap sa braso niya. Ang dami kasing napapa sulyap kay beshy eh. Paano ang cute nung singkit niyang mata, yung lang kita dahil sa face masks.Napa eye roll na lang siya nung mapansin niya yung ginawa ko.
After 10 minutes na pagmamaganda ko lang sa table namin, dumating na din si Gabby with our order. Kasama niya yung sulyap from other tables, as usual. Pinapawisan na din siya, probably ina-anxiety na din because of the looks. Kaya comfort namin ang isat-isa eh, it gets better pag di ka pinag titinginan mag isa hahaha.
"Aba Beshy diabetes pa rin ang trip mo as usual. Di ka ba nagsasawa sa white chocolate mocha at banoffee pie mo?" Ang agad kong pag bungad sa kaniya once marating niya yung table namin. Since sweet na kaibigan din ako, I wiped his sweat for him na din.
"Leave my food alone Danny." Ito nanaman si Eye roll.
Agad niyang tinanggal yung face mask niya para punasan yung pawis niya sa ilong, cutie hahaha. Of course lalo napasulyap yung mga tumitingin sa kaniya. It's unfortunate na Taurus itong beshy ko, manhid sa mga panlalandi. Kahit gaano pa kalagkit yung tingin mo, wala siyang pake.
Tinigil ko na din ang pagmamaganda, tanggal ng face mask. So dumami yung napatingin sa table namin hahahaha. Iba na talaga ang maganda.
"Now what?" Ang tanong sakin ni Gabby.
"As usual." Ang kibit balikat kong sabi sa kaniya. Inilabas niya yung phone niya at power bank, habang sumisipsip sa drink niya. Habang ako naman, inilabas na yung bagong libro na baon ko para magbasa habang kumakain.
Like usual, we're on our own business kahit na magkatapat lang kami. Him playing his games, me nagbabasa. Tahimik lang.
Ah. This is the wonder of having another Introverted friend. I love it!
BINABASA MO ANG
Finding Love in the Middle of a Pandemic (Introvert Edition)
RomanceWhen loneliness comes visit you, ano kayang gagawin ng isang Introvert? Specially in a time like this, in the middle of a Pandemic!