chapter 1

4 0 0
                                    

Chapter 1




"Mahal mo ko diba ? sabi mo mahal mo ko. " umiiyak na sabi ko habang nakayakap sa nakatalikod kong boyfriend . Or maybe ex- boyfriend . He's braking up with me and it really hurts like hell.



"Minahal kita Celestine . Minahal. Dati yun pero ngayon , hindi na . Mas lalo ka lang masasaktan kung itutuloy natin to dahil hindi na kita mahal." Ang sakit ng mga sinasabi niya . Bawat salitang binibitawan niya pakiramdam ko sinasaksak yung sa puso ko .


Puso kong nagdurugo na ng tuluyan .

Puso ko na parang salamin na aksidenteng tinamaan ni kupido ng pana kaya unti-unting nababasag .


"Pero promise mo sakin na hindi mo ko iiwnan at sasaktan kahit kailan . Pano na yung promise mo ? Naniwala ako sayo . " Hindi ko inakala na aabot kami sa ganito .


Ang saya namin palagi .


Hindi ako na niniwala na ang lahat ng pangako ay napapako , pero ngayon pakiramdam ko totoo nga ang lahat ng iyon .


"I'm sorry " Yun lang ang sinabi niya bago niya unti-unting tinanggal ang pagkakayakap ko sa kanya at mabilis na naglakad palayo .

Palayo sa akin .

Palayo sa lahat ng alaala na meron kami.


Naiwan akong nakaupo at umiiyak sa lugar kung saan niya ko iniwan . Buong buhay ko ngayon lang ako umiyak ng ganito .



"And cut ! " sigaw ng direktor namin kaya agad na kong tumayo at inayos ang sarili ko .


"Here " nagulat ako ng abutan ako ni Thiel ng panyo .


"Thanks " I smiled sweetly bago ko kunin ang panyo at ipunas sa mukha kong puro luha dahil sa pag acting ko kanina.



Inalalayan niya ko papunta sa tent namin kung saan kami pwede magpahinga pagkatapos ng ilang scenes na kinukuhanan .



"Hi Thiel ang gwapo mo talaga !"

"Hello ate Hazel ! "

"Haiel Loveteam for the win ! "

"pwede po bang pagpapicture ?"

"or kahit autograph lang po "


Sigawan ng mga fans namin . Ngumiti ako at lumapit sa kanila. Dati rin akong fan kaya naiintindihan ko sila . Every time na may fan kami na nagpapapicture o humihingi ng autograph ay ibinibigay ko ang gusto nila .


Ako mismo alam ko kung gaano kahirap maging fangirl.


My On-Cam BoyfieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon