Chapter 2
"Hazel. Hazel wake up we're here " nagising ako ng maramdaman ang pagtapik ni Thiel sa akin . Nagising ako at nakitang nasa bahay na pala kami .
Naunang bumaba si Thiel kaya sumunod na rin ako.
'We live in the same house kapag may shooting kami at kung ano-ano pa na related sa trabaho.Kasama din namin dito yung ibang crews and staffs.
Pagpasok ko sa room ko dumiretso na agad ako sa CR para maglinis ng katawan . Pagkatapos humiga na agad ako sa kama .I'm tired but I'm not yet sleepy.
Tumayo na lang ako at pumunta sa kitchen para kumuha ng gatas .
Pagkatimpla ko ng gatas pumunta ako sa pool at naglublob ng paa .
"Its late . Bakit gising ka pa ?" muntik ko ng mabuga yung iniinom ko dahil sa pagkagulat.
Lumingon ako sa pinanggalingan ng boses at nakit ako si Thiel na nakaupo sa swing .
"I can't sleep . you ?" sabi ko sa kanya
"Can't sleep " Simpleng sagot niya . Tumango na lang ako sa kanya at saka humarap ulit sa pool.
Ang sarap sa pakiramdam tuwing tumatama sa mukha mo yung malamig na hangin. Nakakawala ng pagod.
"Bakit mo hiniling yun ?" napalingon ako ng magsalita siya . he's not looking at me pero dahil alam kong kami lang naman ang tao dito ibig sabihin ako yung kausap niya,diba ?
"Hmm?" Tanong ko sa kanya .
Lumingon siya sakin . "Bakit yun yung hiling mo ?" sabi niya habang nakatingin siya ng diretso sa akin .
Tumalikod ako sa kanya . Pumikit ako at napangiti ng maalala yung mga nangyari dati .
"Naalala mo pa pala yun " hindi pa rin ako nakatingin sa kanya . Nakapikit pa rin ako at inaalala yung mga nangyari dati .
He chuckled . "Who wouldn't ? That was the first and last time that we did that wishing game.I will never forget your wish. Sayo kasi talaga yung pinaka kakaiba . So bakit nga ?" Lumingon ako sa kanya and I saw him smiling at me .
Bihira lang to mangyari . Parang ngayon lang ata niya ko nginitian ng ganito na kaming dalawa lang ang magkasama . Lalo tuloy akong napangiti.
Tumayo ako at umupo sa swing sa harap niya .
"I was your die hard fan . Super adik talaga ako sayo . Alam mo bang opening pa lang ng mall nandun na ko ? Nung nalaman ko yung tungkol sa wish sabi ko sa sarili ko , Ah chance ko na to para makalapit kay Thiel . I don't know how to sing or dance kaya yun ang unang pumasok sa isip ko . Gusto ko rin kasi malaman kung ano ba ginagawa ng mga artista .Akala ko nga hindi pwede yung wish ko eh,pero umasa pa rin ako . Thank God at nabunot mo yung akin " Kwento ko sa kanya .
"Is it hard ?" -Thiel
"Ang alin ?" takang tanong ko sa kanya
"To be a fan" sagot niya sakin .
"Sobrang hirap ! Kailangan mo pang dumaan sa butas ng karayom para lang makalapit ka sa kanya . "sagot ko sa kanya
"i never experienced that ." sabi niya sakin
"Ba't di pa kayo tulog ?" napalingon kaming dalawa sa pinangalingan ng boses . Nakita namin si Manager na nakatayo sa may pintuan .
BINABASA MO ANG
My On-Cam Boyfie
RomanceSi IDOL-CRUSh naging si BOYFIE ! Boyfie sa harap ng camera! Kami nga pero sa harap lang ng FANS at ng camera. Pagwala sila walang KAMI . Saklap diba ? Maituturing ko ba tong dream come true o worst nightmare ? ang sakit diba ? makakayanan ko ba ang...