Prologue

291K 4.8K 6.2K
                                    

End.

Ano ba ang kasunod ng salitang 'yan?

Sabi nila, kapag tapos na, tapos na.

Sa essay, iyon ang concluding sentence. Sa libro, ang huling pahina. Sa kuwento, ang huling kabanata.

Sa buhay ba, iyon ang huling segundo? Is that the only end we can experience in this lifetime?

Ang weird kung gano'n. Buhay pa naman ako, pero hindi ko na mabilang kung ilang beses kong naramdaman ang pagtatapos.

Relasyon.

Pahinga.

Kasiyahan.

Pero hindi ang pagsubok.

So ano nga ang kasunod ng wakas?

Basta ang alam ko, kapag pesteng pag-ibig na ang pinag-usapan, ang kasunod ay two months rule at moving on. Hindi comeback. Walang tinapos para balikan. Pero paano kung ikaw ang balikan?

"E, 'di ikaw na maganda!" Hinila ni Gen buhok ko. "Magandang tulala!" dagdag niya.

Pakiwari ko ay kanina pa ako wala sa huwisyo. Ang daming laman ng isip ko.

"Alam mo kung ano man 'yang laman ng brainy mo, mamaya mo na ulit isipin kung gusto mo mabuhay. Muntik ka na mabunggo sa poste, tulala ka pa rin."

Hinanap ko ang poste sa paligid para masiguro kung totoo ba. Minsan kasi mema 'tong si Gen. Pero totoo... May bukol na siguro ako sa noo kung hindi niya ako hinila.

"Iniisip ko lang kung bakit ang ganda ko. Ang hirap pala sagutin kasi ang daming dahilan. Eh, ikaw—"

"Anong nangyari sa mukha mo?" Winowa finished my sentence.

Dinuro niya ang mata ni Gen bago ko pa magawa. Tinalo ni Gen ang eyebags ko sa itim ng mga mata niya.

"Pinagpantasyan na naman niya iyong mga koryanong singkit." Ako ang sumagot.

"Bobo mo. Koryano nga, malamang singkit." Nagsalita ang die-hard fan.

"Bakit? May Koryano namang hindi singkit, ah?" buwelta ng isa. "Tulad mo. Half Filipino, half feeling Koryano. Malaki ang mata pero maliit by height." Tumawa si Winowa.

Hinila ni Gen ang buhok nito habang sarkastikong tumatawa. Sineseniyasan pa akong samahan siya. Ito namang si Winowa na nagsimula ng away, nananakal na.

"Kaysa naman sa 'yong nagpapantasya sa mga Hollywood stars na hindi ka kilala."

"Ang mahalaga, naiintindihan ko ang mga sinasabi nila. E, ikaw? Ano ang sa 'yo lang ang alam mo."

"Annyeonhaseyo 'yon! At saka may iba pa akong alam, 'no. Saranghae."

"Ang panghe?" pang-aasar pa ng isa.

"Oo, 'te. Ang panghi mo!"

Nasa gitna pa nila ako, kulang na lang ay magpatayan sila. Para akong EGO sa pagitan ng ID at SUPER EGO. Ako 'yung mediator slash referee. Ano pa ba? Ako lang ang mabait sa aming tatlo.

"Tumigil na nga kayong dalawa." Pinaglayo ko sila. "Pareho lang naman kayong hindi kilala ng mga idols niyo, huwag na kayo magtalo. Tinatawag niyo pang mga asawa, e, kayo lang naman ang may alam."

After an End | Academy Series #3 -EDITINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon