Chapter 3

96.1K 3.3K 2.8K
                                    

Pagkaalis ni Noah, tinawagan ko 'yung dalawa para magkuwento. Nagluluto ako habang ka-video call sila.

"Sedan na, ginawa mo pang sapatos?" sabi ni Genevieve.

"Pwede mo namang kuhanin 'yung Sedan tapos ibenta mo. Bumili ka ng sampung pares ng sapatos. Hina nito," si Winowa.

Alam kong ganiyan ang magiging reaksiyon nila. I don't think Noah is serious about his car, pero paano nga kung okay lang sa kaniya ibigay sa 'kin dahil kaya niyang bumili ng tatlo pang bago?

"Gipit ako pero may hiya naman ako, 'no! Simple ng gagawin ko, tapos kapalit milyones na kotse? Makakabili rin ako no'n sa sarili kong pera."

"Sabagay, may point ka. May alam akong shortcut para magka-BMW ka instantly," nangingiting sabi ni Gen.

Tinakpan ko ang dibdib at siningkitan siya ng mata.

"Gaga ka, girl! Ang best shortcut para magkaBMW, una mong abutin 'yung may-ari."

Ito na naman kami sa pag-link nila kay Noah sa 'kin. Huwag lang talaga sila marinig ni Luke, lagot ako.

"May boyfriend ako," sabi ko. Sinalang ko ang kauunab na bigas at sinindihan ang stove. "Kontento ako sa kung anong mayroon kami ni Luke."

"Kontento ka na sa jeep?" si Gen.

"Kapag mahal mo ang tao, Gen. Hindi ka titingin sa kung anong maio-offer sa 'yo ng tao. You'll love the person even when he has nothing," sermon ko bigla.

"Amen," ani Winowa.

"Sorry, bitter lang," ani Gen. "At praktikal."

"Ibahin niyo na ang topic, mamaya magsabunutan pa kayo on screen," sabat ni Winowa.

Maaga akong nagluto. Nagpaalam na ako kay Tita kagabi pa lang na may lakad ako. Suwerte nga at natapat na may handaan sa kapitbahay kaya hanggang gabi siya ro'n. Hindi niya ako makikitang umalis nang ganito ang hitsura. Iisipin no'n, nagbubulakbol ako.

I can do my own make-up and hair. Light lang ang in-apply ko dahil gabi naman—bukod sa maganda na 'ko kahit wala. I flattened my hair and tied it tight and low para ma-expose ang likuran ko. Nag-iwan ako ng manipis na buhok sa magkabilang gilid.

I contoured my collarbones and added gold highlighter. May mga glitters na nagkalat sa leeg ko. Sinuot ko ang jewelries na binili ni Noah kanina. Hikaw at kuwintas na ginto rin ang kulay.

Ang nakakatawa, sa mahal ng damit, sapatos at alahas na suot ko, tigsisingkuwenta pa rin ang cologne ko..

Nag-aayos ako ng gamit nang tumunog ang phone ko. I saw Luke's name.

"Napatawag ka? Nasa bahay pa 'ko, hinihintay kong tumawag si Noah."

"Huwag kang makalimot mag-update, Samm. Iwasan mo ang alak hangga't maaari. Wala akong tiwala sa Noah na 'yan."

"I won't drink. Bawal ako malasing, may trabaho sa bahay bukas."

"What are you wearing? Mag-picture ka, i-send mo sa 'kin," aniya.

"Sagot ni Noah ang lahat ng suot ko ngayon. May theme kasi 'yung party. Magpi-picture ako at ise-send ko sa 'yo kaagad," I said.

"I'll wait for the picture," he said before hanging up.

Kinabahan ako bigla. Sinuri ko ang suot ko sa salamin. Ayaw ni Luke na nagsusuot ako ng mga revealing na damit. Hindi 'to papasa sa kaniya.

Kumuha ako ng blazer at sinuot 'yon. It's not complementary with the gown, pero mas ayos ng baduy tignan kesa revealing. I hid the slit. Kumuha ako ng mirror shot na hindi kita ang hiwa ng gown. Sinend ko kay Luke.

After an End | Academy Series #3 -EDITINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon