Chapter 9

81.9K 2.8K 2.9K
                                    

Dumating kami ng airport alas-singko ng umaga. Sakto lang para sa pagpasok mamaya. Late para sa 'king gusto muna sanang matulog pa. Madami-dami rin akong nainom kagabi kaya kumikirot ang ulo ko.

"Need help?" Sumulpot sa gilid ko si Kael. Inilahad niya ang kamay sa hila kong maleta.

I am holding Aries' leash with my right hand tapos sa kaliwa ko ay ang trolley. Keri lang sana, kaso sabog ako.

"Salamat, boss."

Kinuha ni Kael ang maleta sa akin. Dalawa tuloy ang hila niya ngayon. Si Noah at Karyle ang nauuna sa harapan namin, samantalang si Ayin at Enzo na parehas lutang ay parang naglalakad sa buwan.

"Kaya pa ba 'yan today?"sigaw ko sa kanila.

"Carry me, Summer babes," tinatamad na pag-iinarte ni Ayin.

"Bilisan niyo, baka iwanan tayo ng manager," ani ko. Hinabol ko si Kael na bahagyang nauna sa akin.

"Gutom ka na, baby?" Mabagal ang lakad ni Aries, napagod din siguro sa biyahe.

Noon talaga walang gustong lapitan si Aries. He was afraid of people because of his previous abusers. Unti-unti, we gained his trust. Kaya nga sobrang guilty ko kapag pinapagalitan ko siya.

"A little." Nagsalita si Kael.

"Ha? A little ano?"

"A little hungry, baby," he teased.

Late ko na napagtanto na sagot 'yon sa tanong ko kay Aries. Pilyo siyang tumawa kaya nadamay ako.

"Lakas mo, ah. Lasing ka pa ba?"

"Nope, just maximizing my opportunity," ani Kael.

I can't tell if he's serious or not. Pero bakit pakiramdam ko gumuguhit ng boundaries si Kael sa pagitan namin dahil kay Noah? I mean, tama lang na may limitations pero hindi naman to the point na maapektuhan ang relasyon namin ni Kael. Like duh, ex ko na lang siya, magseselos pa siya? May nililigawan na nga siya.

Dahil magkaiba ng direksiyon ang kaniya-kaniya naming bahay, hindi kami sabay-sabay umuwi. Nauna 'yung tatlo. Huli kami at hinintay pa ni Noah ang kotse niya.

The short stay in Boracay unwinded me for real. As in wala akong inisip kung hindi magliwaliw at ienjoy ang moment. Then again, nandito na ulit ako sa reyalidad.

Reyalidad na uuwi ako at maghaharap kami ni Tito. How I wish mabagal ang oras kapag masaya ka at walang problema.

Kagabi ko pa iniisip iyong ginawa ko. Kung tama bang pinagkatiwala ko kay Luke ang lahat sa akin. I love him. Kaya gagawin ko lahat para maging maayos kami.

"Thank you so much. I can do this, no need for you to—"

Gustong sabihin ni Karyle kay Noah na huwag nang bumaba ang lalaki dahil kaya na niya. But Noah, the lover boy, bumaba pa rin para tulungan magbuhat ng gamit ang babae. Hinatid niya sa unit si Kaye. Naiwan ako sandali sa loob ng kotse niya.

"Papasok ka?" si Noah nang makabalik.

"Hmmm," inaantok kong sagot. "Mahirap ma-absent, madaming hahabulin."

"I'll take you home."

Hindi na ako natulog pag-uwi. Mabibitin lang ako at ang masama, mahuli pa ako. Sa klase na lang ako natulog, with matching lullaby pa ng boses ni Sir.

The days went on. Ang routine ko, papasok sa umaga at late uuwi after work para hindi ko makita si Tito. Gumagawa ako ng dahilan sa tuwing aanyayahan nila akong mag-dinner. Pagkatapos nila, saka lang ako kumakain.

Dumalas ang pagkikita namin ni Luke. I'm wondering if he changed because I gave him what he asked.

For the first time again, we felt right. Nawala ang mga iniisip ko dahil naging maayos ang lahat sa amin pagkatapos noon. Siyempre, Gen and Winowa have no idea that I did that. Alam kong magagalit ang mga babaita.

After an End | Academy Series #3 -EDITINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon