Pagtiyagaan mo sanang basahin ito
Dahil pagkatapos ng hindi ko na mabilang na mga buwan
Na ang sarili ko, hanggang ngayon, ay hindi ko matagpuan
Ay ngayon na lang ako ulit susulat sa iyo
Ngayon na lang ako susulat sa iyo nang walang halong galitSinusulatan kita na walang kagustuhang magpaawa
Pero gusto ko lang sana na malaman mo
Na hanggang ngayon, may mga bubog pa rin ako na hindi mapulot
May mga sulat ka pa rin para sa akin na hindi ko malukut-lukot
Minsan nga tinatanong ko pa rin kung bakit ba hindi tayo ang itinulot
At hanggang ngayon, naaamoy ko pa rin ang buhok mo sa kahit anomang kumotPero ayos lang siguro
Alam kong lilipas din ito
Medyo matagal lang talaga
At halos gabi-gabi sinusulatan pa rin kitaPero mukhang ang sulat lang na ito
Ang may lakas ng loob ako na ipadala
At hindi ba kakaiba
Na hanggang ngayon ay sinasabihan pa rin kita
Ng laman ng pinakamalalim na bahagi ng puso ko?Nababaliw na yata ako.
Sana maging masaya ka
At sana mapuno niya ang iyong puso
Huwag mo sanang titigan ang mga mali niya
At matuto ka rin sana na mapanutoAt baka sobra akong naging bulag
At hindi ko nakita na may kasalanan din ako
Anu't-ano pa man,
Sana... Sana patawarin mo ako.Salamat dahil dumaan ka sa buhay ko
Marami pa rin akong natututunan
At hanggang ngayon pinapalakas pa rin ako
Ng ginawa mong walang kasing-biglang paglisanIlang beses ko nang sinabi sa iyo,
"Pinapatawad na kita."
Pero ngayon lang talaga ito naging totoo
Dahil pinapatawad ko na rin nang lubos
Ang nawawalang sarili ko.- MPH. John Earth
(---- FLASHBACK ----)
You said you'll try! Mahal mo parin siya nuh? Mahal mo yung taong hinde nakikita halaga kenn!
magising ka naman kenn! Hinde ka gusto ng tao! – SentAwa ba gusto mo? Gusto mo bang awa nalang nararamdam ko sayo? – Received
I shouldn't say this, pero kung anong ginawa mo saakin, ganyan din gagawin niya sayo. – Sent
You can't anymore reply to this conversation.
kung sino pa ang nag mamahal ng totoo, kung sino pa ang nag hahabol sila pa ang nasasaktan.
masakit.
YOU ARE READING
From Earth with love.
RomansaLaro tayo at ako yung taya Ikaw naman yung tatakbo Ako yung hahabol sayo Habang ikaw nmaan yung humahabol sa kaniya. Ang galing diba? Habang hinahabol mo siya Ako naman yung lokong humahabol sayo na nangangarap na maabutan ka. Ikaw na tuwang tuwa h...