Knife #14

79 6 0
                                    

Kabanata #14

Narration/3rd Person's POV

"Stacey, Gising." inaalog ni mang luis si stacey hanggang sa nagising.

"What happened?" tanong ni stacey.

"May good news ako!" sabi ni luis.

"Ano po? Good news?" litong-lito na pagkasabi ni stacey.

"Makakauwi kana." masiglang sinabi ni mang luis.

"Po?! Ako?! Pero--"

"Alam ko hindi kasama ung mga kaibigan mo, Masyado pa kasing malala yung kalagayan nila at kita mo naman hindi pa sila gumigising hanggang ngayon. 2 months na ang nakalipas." sabi ni mang luis.

"Hindi ako uuwi hangga't hindi sila nagigising at kapag hindi pa sila gumagaling, Tsaka ulila na ho ako. Wala na po akong pamilya." sabi ni stacey.

"Wala kanang pamilya? Wala ka bang mga kamag-anak dyan?" tanong ni mang luis.

"Wala po."

"Pero---Bakit---Uuwi ka?" tanong ni luis kahit nalilito parin sya sa stiwasyon ni stacey.

"Hindi nga po diba." sabi ni stacey.

"Pero kailangan mong umuwi."

"Bakit po? Pinapalayo niyo po ba ako sa mga kaibigan ko?! At saan naman po ako uuwi kung wala naman akong pamilya at bahay?!" sigaw ni stacey.

"Gusto ko lang na magpahinga ka."

"Nagpapahinga nako dito! Isa pa, hindi ako uuwi hangga't hindi sila gumagaling!" sigaw ni stacey.

"Diba may dorm kayo o apartment na tinitiran? Kasama mga kaibigan mo." sabi ni mang luis.

"Andami niyo naman pong tanong! Ganito nalang po, uuwi po ako pero babalik ulit ako dito kung baga namasyal lang po ako sa apartment." sabi ni stacey.

"Osige."

At dahil medyo maayos na ang kalagayan ni stacey makakauwi na sya pero kailangan ay dahan-dahan muna sya kasi may mga sugat pa sya sa paa nya at sa ulo na nakabanda.

Iniwan ni stacey ang mga kaibigan nya sa hospital hanggang nakarating sila sa apartment.

"What the fvck happened?!" sigaw ni stacey.

Magulong-magulo ang kanilang apartment hini katulad ng iniwan nila 'to ay maayos pa at sobrang linis.

"May magnanakaw ba na pumasok dito?! Aray."

"Oh! Sabi ng wag kang papahighblood eh." sabi ni mang luis.

"Sinong gumawa nito?! Bakit--"

Hindi nakapagsalita sandali si stacey dahil sa nakita nya.

Tristan

Halos mapaiyak si stacey sa nakita nya, May mga dugo at mga gasgas ang pagkasulat nito sa salamin.

"Isa ba 'yan sa mga kasama niyo?" tanong ni mang luis pero hindi sumagot si stacey kundi tiningnan ang mga papel na nakalatag sa baba.

Don't you dare!

I dare you to stay away!

From him!

Or else.....

Ang mga nakasulat sa apat na papel na puno ng mga dugo.

"Ano 'to?!" Sabi ni mang luis.

Lumingon si stacey at nakita ang isa pang papel.

A Trip to Death [REVISING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon