R.I.P #15

100 6 0
                                    

Kabanata #15

Stacey's POV

"Papa...."

Hindi ako makapagsalita ni makaiyak. Wala akong expression ngayon.

"Nakapawalang'ya mo!" sinampal ako ni mae ng malakas.

Nakayuko lang ako at hinahawakan ang namumula kong pisngi.

"Ano bang nagawa sayo ng tatay ko ha?! Tanga ba siya?!" sinampal niyako ulit ng napakalakas.

"Hi--hin--hindi ko si--sina--" sinampal nya ulit ako.

"Hindi mo sinasadya?! Wow! Edi sana buhay pa si papa ngayon! Kayo na ngang tinulungan sa aksidenteng nangyari sainyo tapos gaganyanin mo pa ang papa ko! Wag ka ng mag-assume na papatawarin kita, Huli na. Nangyari na eh nangyari na..." Biglang tumalikod si mae habang umiiyak.

Ano bang nangyayari saakin? May sumasanib ba sakin nung panahon na yon? O ako lang talaga may kasalanan dahil gusto kong patayin ang sarili ko.

R.I.P
Luisito A. Sanchez
Died: March 26 2015
Born: April 2 1965
From the loving family

Hindi ko tanggap na nawala siya nung araw na yon.

March 26 nang mangyari ang insidente.

~Flashblack~

"Ah alam ko na!"

"WAG!!"

"Mang luis!"

Nakahilata si mang luis sa lapag habang makadikit sakanya ang kutsilyo sa tiyan niya.

"Ma-mang luis...Shit!" nagpanic ako at agad tinawag ang doctor.

"Anong ginawa mo!?" sinigawan ako ng doktora habang hinahawakan ang pulse ni mang luis.

"Hi--hindi ko po alam.." nanginginig ang mga kamay ko.

"Hindi mo alam!? Pano nangyari 'to? Bakit may dugo-dugo ang kamay mo? Anong ginawa mo!" inaalog ako ni doktora at nakikita kong napapaiyak siya.

"Kaano-ano niyo po ba siya?" tinanong ko.

"Kapatid ko siya! PinaDNA test ko siya gamit ang buhok niyang nagupit ko noong kausap ko siya." sabi ni doktora habang iyak ng iyak at inaalog si mang luis.

"Hindi ko po sinasadya." i said.

"Ano?! Ikaw pumatay sakanya!" sinigawan ako ni doktora at sinampal ako ng malakas.

"A--ah." nauutal kong sinabi.

Biglang may mga taong dumaan.

"Omygod! What happened?" sabi ng isang babae.

"We better call an ambulance." sabi ng lalaki.

Mga ilang sandali ay may dumating na pulis at ambulansya.

"Ms.Corpuz sumama ho kayo saamin." sabi ng pulis saakin habang hinahawakan ang aking braso.

"Bakit po?" nanginginig parin ang kamay ko.

"Iimbestigahin ka namin sa prisinto." sabi ng pulis.

"Pero po---Wala man po akong ginawa."

Bigla akong sinampal ni doktora.

"ANONG WALA?! NAPAKA-KAPAL NAMAN NG MUKHA MONG SABIHIN MO YAN! KUHANG-KUHA KA SA CCTV!" sigaw ni doktora.

Nakita ko ang video kung paano ko nasaksak si mang luis. Dapat ako yung namatay eh! Dapat ako! Ang tanga-tanga ko talaga!

A Trip to Death [REVISING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon