Chapter 10

64 6 2
                                    

Maxine

"Kayo na ate???" Pangungulit ni Marga sa akin.

Sumugod pa talaga siya sa condo ko para lang itanong iyon.

"Hindi, hindi kami." Sagot ko sa kanya.

"Pero?"

Ang kulit din talaga niya. Hindi talaga lulubay hanggat hindi ko sinasagot.

"Nanliligaw siya sa akin." Buntong hininga ko.

"Ahhhhhh!" Sigaw niya at nagtatatalon sa couch ko.

"Magkakalovelife na rin ang ate ko!" Sigaw niya ulit.

Napailing iling nalang ako sa kanya.

"Parang bata naman." Iling ko sa kanya.

"Alam kaya ni Ethan na ganyan ka kaisip-bata?" Pang aasar ko sa kanya.

Umakto pa ako na tila ba pinagiisipan ko yung sinabi ko sa kanya.

"Oh yeah, I need to tell him this." Tawa niya at kinuha ang cellphone niya at may tinawagan.

"Timmy! Guess what?" Sigaw ni Marga sa phone niya.

Dahil hindi naka speakerphone ay hindi ko narinig ang sinagot ni Ethan.

May nickname pa si Marga sa kanya ah, halatang may gusto talaga itong kapatid ko rito.

"May nanliligaw na kay ate!" Sigaw ulit ni Marga.

"Speakerphone mo nga para marinig ko." Utos ko sa kanya na kaagad niyang sinunod.

"Si Kuya Wayne ba?" Tanong ni Ethan sa kanya.

Napailing naman ako sa sinabi niya. Paano kasi two years ago, nagattempt si Deus sa akin manligaw pero nireject ko siya. Hanggang friends lang talaga kami.

"Binasted na ni ate yan." Tawa ni Marga sa telepono. "Once basted na, basted na talaga."

"Secret!" Sagot ko sa kanya sa telepono.

"The who? Showbiz? Non-showbiz?" Sunod sunod na tanong niya sa amin.

"Bagay nga kayo ni Marga." Pangaasar ko sa kanilang dalawa. "Parehas kayong mga chismoso't chismosa."

"Sino nga kasi ate Max?" Pangungulit ni Ethan sa akin.

"Ayokong sabihin, baka majinx mo pa." Tawa ko sa kanya.

"Ligawan mo muna kapatid ko tsaka ko sasabihin sayo." Biro kong hamon sa kanya.

"Nililigawan ko na yan ate." Sagot ni Ethan mula sa telepono.

Nanlaki ang mga mata at napanganga ko sa sinabi niya dahil sa gulat.

"Wahhhh!" Tili ko bigla nang matauhan ako.

"Marthan is sailing!!!" Sigaw ko ulit sa tuwa.

Deserve na deserve maging masaya ni Marga after lahat ng nangyari.

"Hindi ko namang pinayagan yan eh, basted na nga yan." Rinig kong bulong ni Marga.

Pero bago pa ako kumontra ay sumagot na kaagad si Ethan.

"Mags, sabi ko naman sayo, kahit umuo o humindi ka pa diyan, hindi ako titigil sa panliligaw ko sayo."

Wait lang naman, dahan dahan lang muna tayo diyan Ethan. Masyadong mabilis ang iyong galawan.

"Hep, hep, may nickname talaga? Kailangan meron?" Asar ko ulit at tumawa pa.

Tumawa muna si Ethan sa akin bago siya sumagot.

Once AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon