Chapter 11

45 5 0
                                    

Maxine

"Khino bakit ka nandito? Gusto mo bang may makakita sayo dito?" Angal ko kay Khino.

Nandito siya sa dressing room ko ngayon at nakikigulo lang siya. Wala ba itong business meetings at ako ang ginugulo nito?

"So what?" Tawa nila lang sakin. "You endorse my company baby, so what kung makita nila ako dito sa dressing room mo. They can't put malice into it."

"Oo na sige na." Pagsuko ko naman kaagad.

Dahil tama nga rin naman siya. Isa itong shoot para sa endorsement ko sa isa sa mga brands ni Khino. Kaya halos mga tauhan niya rin ang naririto at wala rin naman sigurong magmamalisya kung dito siya nakatambay sa dressing room ko.

At tsaka business partners nga rin pala kami. Ayaw ko mang aminin kay Quinton pero thankful ako na nakuha niya na kasosyo sa negosyo si Khino. Kaya narito kami ngayon, malapit na ulit maging kami.

Wala eh simula noong nanligaw ulit siya eh halos kung ano ano nang pakulo ang ginagawa niya. Ilang beses na rin na muntik ko na siyang sagutin pero pinigilan ko ang sarili ko. S'yempre nagpaka dalagang pilipina muna ako. Medyo pa hard to get, medyo lang naman.

Dahil after nitong shoot na ito ay may date pa kami ni Khino ulit. Pang ilang date na namin ito sa loob lang ng ilang linggo. At dahil Valentines day na bukas ay naisip ko na sasagutin ko na rin siya. At exactly 12 midnight mamaya.

"Anong baby baby dyan Mr. San Juan?" Singit ni Sophie sa amin.

Nandito nga rin pala ang assistant ko. Bakit nga pala siya nandito?

"Hindi ka pa naman sinasagot ah bakit may pa baby na?" Dagdag niya pa.

"Oo nga, quotang quota ka na pa baby mo sa akin." Pakikisakay ko naman.

"Well, I'm charming your boss to go back in my arms." Sagot naman ni Khino sa kanya.

"Sige tuloy mo lang yan, marupok din naman yang amo ko eh." Tawa ni Sophie.

"Gaga ka Sophie! Anong marupok ka dyan?" Angal ko sa kanya.

"Ayan oh tignan mo." Turo niya sa mukha ko. "Hindi ka naman nagblush on pero bakit ang pula pula ng pisngi mo."

Tinignan ko naman kaagad ang sarili ko sa salamin at tama ng siya. Hindi pa ako naglalagay ng blush-on pero halos naka ilang layer na ako dahil sa pula ng pisngi ko.

"Che!" Irap ko naman sa kanya.

"Itimpla mo na nga lang kami kape ni Khino. The usual lang, Americano sa kanya at Cappuchino sa akin." Utos ko sa kanya para lubayan nako.

"Sige sige." Pagtango niya sakin. "Kahit alam ko naman na pinapaalis mo lang ako dito para masolo mo si Khino." Asar niya pa bago umalis.

Tinuloy ko nalang ang pagmemake up ko habang hinihintay yung iniutos ko na kape. Tahimik lang naman si Khino habang pinapanood niya ako sa ginagawa ko. Minsan ay bumubulong bulong pa ito sa sarili.

"Binubulong bulong mo diyan?" Tanong ko sa kanya habang nasa salamin pa rin ang atensyon ko.

"Nothing, I'm just mesmerized by your beauty." Sagot naman niya kaagad sa akin.

"Crush mo na naman ako." Pang-aasar ko sa kanya.

"Yeah, I like you a lot and I know you like me too." Kindat niya sa akin kaya naman tinawanan ko nalang siya.

Mabilis lang din naman si Sophie at nakabalik din siya kaagad bitbit ang dalawang mug ng kape. Ibinigay niya ang isa sa akin at ang isa naman kay Khino. Uminom muna ako ng konti sa kape ko pero nagulat ako ng biglang sumigaw si Khino.

Once AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon