Prologue

112 27 2
                                    

"3, 2, 1 and AAACTION!" Sigaw ni direk para magstart kami sa take.

"HOW COULD YOU DO THIS ME?!" Sigaw ko sa kanya na punong puno ng emosyon.

"Believe me Danica, I could never do that." Pagmamakaawa niya sakin

"Here's the evidence already Raphael, How can you fool me like this?!" Sigaw ko muli at binato sa kanya yung hawak kong folder.

"You already now who killed my father yet you didn't say anything, how could you do that?!" Saad ko habang tumutulo ang mga luha sa aking mata.

"YOU KNEW! YOU KNEW HOW MUCH I WANTED TO KNOW WHO KILLED MY FATHER YET YOU SHUT YOUR BIG LYING MOUTH OF YOURS!" Sinimulan ko na siyang paghahampasin.

"Did you even love me? Or it was just all an act?" Tanong ko sa kanya habang umiiyak pa rin.

"Yes I did, even though my father wants me to fool you. I disobeyed him for you." Sagot niya habang may mga luha na nagbabadya sa kanyang mga mata.

"I couldn't take myself to believe you anymore." Tinalikuran ko siya at nagsimulang tumakbo.

"Danica, wait for me!" Sigaw niya at simulan na rin na habulin ako.

"DON'T FOLLOW ME YOU BASTARD!" Sigaw ko ng hindi siya nililingon at tumatakbo pa rin.

"DANICA, WAIT!" Sigaw niya pero hindi pa rin ako nakinig sa kanya.

"And, CUT." Sigaw ni direk at pumalakpak. Tumigil na ako sa pagtakbo at pinunasan ko ang mga mata ko. Maya maya ay lumapit sakin sila direk at si Ryder.

"Napaka husay Maxine and Ryder. Sobrang galing niyo. Hindi talaga ako nagkamali na kayo ang pinili ko para rito sa role na ito. " Pagpupuri samin ni direk at ningitian ko lamang siya ng matamis bilang tugon.

"I admit this was very challenging for me pero kasama si Maxine so I think kakayanin ko itong film with her help." Saad ni Ryder at ngumiti showing his beautiful set of white teeth.

"Tama ka dyan Ryder, Maxine is really one of the most versatile actress of this generation." Pagpupuri ni direk sa akin.

"Wag niyo naman sobrahan ang mga papuri sa akin, ginawa ko lang naman ang best ko sa lahat ng project na tinatanggap ko." Saad ko at inilingan ko lang sila.

"Still humble as ever." Biro ni Ryder.

"Ang pagiging mayabang ang sisira sa career." Saad ko at nag smirk sa kanya.

"Okay that's a wrap everyone. Let's have lunch first." Sabi ni direk sa lahat.

"I guess I'll see you two nalang sa Seattle." Bulong ni direk bago naglakad paalis.

Ah yes, Seattle were going there to shot some parts of the movie and also in Spain. Since this will be a movie adaptation of Destiny's Wrecking Plan. Ito na rin pala yung comeback movie ko since two years ago pa yung last kong movie. Nagpaalam muna ako kay Ryder at sa mga staff bago bumalik sa tent. Kasama ko sa tent yung iba pang cast ng movie so binati ko sila pagkapasok ko ng tent.

"Hey, Hey, wassup everybody!" Sigaw ko pagkapasok ng tent.

"Oh here comes the queen everybody." Sabi ni Caroline at tinawanan ko lang siya.

"Oh come on, stop saying that." Saway ko sa kanya.

"Such a humble person." Asar ni Allison at nagtawanan lang kaming tatlo.

Umupo ako sa pwesto ko at patuloy kaming tatlo na nagkwentuhan. Lagi nilang banat sakin yung career ko. Kasi naman laging napupuno yung schedule ko pagdating sa mga project kaya minsan may mga natatangihan na ako na roles. Yes, award winnining actress ako kaya ganyan lagi ang mga asar nila sakin. Pero I always stay grounded kahit ilang awards pa yung makuha ko. After nitong movie na ito teleserye naman ang next project ko.

Caroline Skylar Hernandez is playing the role of Francine Fortalejo best friend ko dito sa movie. Samantala naman si Allison Hadley Fernandez is playing Larinne Santos ang female best friend ni Raphael Reyes na male lead ng movie na role naman ni Ryder Everett Castillo. Samantala ang character ko naman dito is si Danica Salvador ang female lead. Pero pag off screen na kami kami ang magtrotropa.

"So, how about mag lunch tayo sa labas, libre ko." Tanong ko sa dalawa.

"Sure, gusto ko yan." Sabi ni Caroline.

"Ako rin." Dagdag ni Allison.

"Syempre ako rin!" Biglang sigaw ni Ryder kaya nagulat kaming tatlo na nasa tent.

"Punyeta! Sabi ng walang manggugulat eh" Sigaw ko at sinugod siya para hampasin.

"Hey, hey, stop I have come in peace." Depensa ni Ryder

"In peace my ass, paanong peace eh bigla bigla ka nalang papasok dito at sisigaw." Pagtataray ni Caroline sa kanya.

"Agree ako kay Caroline, bwiset ka talaga minsan Ryder." Inirapan naman siya ni Allison.

"Hoy, Allison dapat kampi ka sakin dito ah." Angal ni Ryder habang nakataas ang dalawang kamay.

"Hindi porket bestfriend kita dito sa pelikula eh sayo ako kakampi. Tarantado ka ah." Sabi ni Allison at nag middle finger kay Ryder. Tinawanan lang namin siya.

"So, sinong manlilibre ng lunch?" Tanong ni Ryder.

"Ako malamang." Sabi ko at umupo sa tabi ni Caroline

"Let's go?" Tanong ko sa kanila.

"Tara." Sabay nilang sabi nilang tatlo.

"Malamang libre kasi." Sabi ko at nagtawanan kaming apat. Sabay sabay kaming lumabas ng tent.

Nagpaalam muna kay Direk na lalabas kami ng set para mag lunch at pumayag naman siya. Nagbilin narin kami sa kanya kanya naming mga PA baka bigla kaming hanapin sa set. Nang makapagsabi na kaming lahat ay sumakay na kami sa puting Subaru Impreza Turbo ko. Ako ang umupo sa driver seat habang katabi ko si Ryder at sa likod naman umupo sila Caroline at Allison.

Mabilis ang naging biyahe namin dahil malapit lang naman yung restaurant na pupuntahan namin. Syempre pagkababa namin ng sasakyan may mga nakakilala samin at humingi ng pictures. Pinayagan naman namin sila. Nakapagpareserve na rin naman na ako sa restaurant kagabi dahil alam ko na hindi sila tatanggi sa free lunch.

"Do you have any reservations ma'am, sir?" Tanong ng isa sa mga waiters pagkapasok namin ng restaurant.

"Yes, may reservation kami under the name Maxine Ross Sanchez." Sagot ko habang nakangiti sa waiter.

"This way please, ma'am, sir." Sabi ng waiter at inusher kami sa aming table.

"Thank you." Saad ko sa waiter after namin umupo sa table namin. Ngumiti lang ang waiter sa akin bilang tugon.

Habang naghihintay kami ng order namin at may biglang pumasok sa restaurant. At hindi ako pwedeng magkamali sa nakita ko. Nakasuot siya ng black suit at bakit ganun pa rin ang itsura after all these years. Nakakatitig lang ako sa kanya nang mapansin ni Caroline na nakatitig lang ako sa kanya.

"Hoy, bes, okay ka lang?" Tanong niya bigla sakin at natigil ako sa pagtitig sa kanya.

"Oo, ayos lang ako, bakit?" Nilingon ko siya.

"Well, Max nakakatitig ka kasi dun sa bagong pumasok ng resto." Sabi ni Allison at tinuturo niya pa talaga yung table nila na ilang table lang ang layo samin.

"Hindi ako nakakatitig sa kanya noh." Pagsisinungaling ko sa kanila. .

"Don't lie Maxine, type mo siya noh?" Tanong ni Ryder habang tumatawa ng konti.

"Nope hindi ko siya gusto." Pagdedeny ko sa kanila.

Mabuti naman at they were convinced. Hindi ko na ulit siya magugustuhan. Dahil si, Khino Alezander San Juan ay ex ko na for almost a decade, at never akong nakikipagbalikan with an ex. Hindi nalaman nila Ryder na naging kami dahil nagsisimula palang yung career ko nung naging kami. Yes, may mga regrets ako for ending things with him pero dahil may rule ako na walang balikan ng ex ay hindi ko siya babalikan.


~Once Again~

Once AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon