SHAI's POV
WALA naman talaga akong inaasahan pagtungtong ko ng hayskul. Wala naman din kasi akong alam gawin noong elementary kundi ang maglaro. Hindi pa rin kasi nagsi-sink in sa akin na hayskul na ko at "nagdadalaga" na raw sabi ni Mama.
June 2, 2003
Buryong na buryong akong naglalakad papunta sa malaking pampublikong paaralan sa Cavite City, ang Cavite National High School. Hindi pa ko nagigising sa katotohanang may pasok na sa skul. Parang kahapon lang kasi ay naglalaro pa ko ng chinese garter kasama ang mga pinsan ko sa kalye, sabay tagu-taguan naman sa gabi. Bakit ba kasi kailangan pang pumasok? Kung pwede namang wag na lang. Kainis!
Naalala ko pa ang sinabi ni mama nang sunduin ako kagabi sa labas.
“Hoy Lala!”, tawag ni mama sa palayaw ko. Nagtaasan ang mga balahibo ko ng makita ko ang mahiwagang walis tingting ni mama, ang magkasalubong niyang kilay at ang sama ng tingin niya sakin. Mabilis pa sa alas kwatro akong tumakbo papunta sa direksyon niya. Isang malakas na palo agad sa pwet ang natanggap ko na kinaiyak ko. “Dalaga ka na pero inaabot ka pa rin ng hatinggabi sa labas kakalaro!”, ani ni mama sabay pingot sa tainga ko.
Puro aray ang palahaw ko pauwi ng bahay. Ikaw ba naman pingutin simula sa pinakakalye hanggang sa bahay naming nasa pinakadulo pa. Di ko na alam kung di ma masaktan. Tsk!
At dahil sa pagod ko kagabi kakalaro at sa pingot ni mama, umihi na naman ako sa higaan ko. Oo magtetrese anyos na ko sa Setyembre, pero naihi pa rin ako. Bakit ba kasi ang hirap iwasan ang inidoro sa panaginip?
Napapatingin ako sa mga kasabayan kong maglakad. May mga nakikipagdaldalan sa kasabay nila, may mga nag-iisa rin tulad ko at meron din naman parang mga hari ng kalsada sa pagsakop ng buong kalye. Alas singko trenta'y otso pa lang ng umaga ayon sa relos ko pero parang hapon na sa ingay at dami ng tao sa daan. Ganito pala sa hayskul?
Hindi naman ako naligaw dahil nakapunta na rin ako noon dito. Dito kasi napasok ang Ate Shaira ko. 3rd year na siya at di ko siya kasabay. Pasaway kasi ang ate ko. Di siya napasok ng maaga. Mas gusto niya pang ma-late sa school araw araw no. Tulad na lang ngayon, may klase siya ng alas sais pero mas pinili niyang matulog. Paano, masyadong abala kaka-text sa boypren niyang di alam ni Mama't Papa. Isumbong ko kaya siya?
Sabi ni Mama, maingay na tahimik daw ako na bata. Maingay kapag nasa bahay at di makabasag pinggan sa eskwelahan. Anong magagawa ko? Sa skul ginigradean ako. Kapag di ako nakapasa, may palo ako sa bahay. Kaya kailangan kong magpakabait sa skul at hindi sa bahay.
“Students bilis! Isasara na ang gate!”, sigaw ng isang matandang lalaking may kalakihan ang tiyan. Parang ganyan yung sa Tito ko. Manginginom siguro to.
Nagtakbuhan na ang mga kasabay kong maglakad kaya ganun na rin ang ginawa ko. At dahil maliit ako, di ko alam kung anong meron sa unahan at bat dun sila nakaharap. Flag ceremony siguro. Para kaming mga sardinas na nasa lata sa sobrang daming estudyanteng nagsisiksikan. Ang iingay pa. Kanya kanyang kwento. Narinig ko nga sa isang babae malapit samin na naghiwalay sila ng boypren niya. Nalaman na lang daw niya kinabukasan ay nabuntis ang kapitbahay nila. Anong konek nun?
Narinig ko ang malakas na pagsara ng gate. Natutulak na rin ako ng iba pang estudyante sa likuran ko. Napakaliit ko pa naman at pagkapayat payat. Baka mapatianod ako papunta sa harapan kakatulak nila.
“Hoy tama na tulak oh! May bata rito!”, sigaw ng isang tinig. Napasulyap ako sa kanya. Ilang ruler lang ang pagitan naming dalawa. Di naman siya masyadong natutulak dahil nasa unahan ko siya banda.
Natigil naman ang pagtulak ng mga tao sa likod. Ngunit di ko inaasahan na titignan ako ng taong yun. Matangkad siya. Kasing tangkad niya ata ang idol na basketball player ng pinsan kong si Dokdok. Iyon bang si Kobi Ryan, tama ba? Basta iyon. Di naman kasi ako mahilig manood nun. Mabalik nga tayo sa usapan. Saglit niya lang akong tinignan pero iba ang kabang naidulot nun sa dibdib ko.

BINABASA MO ANG
Pagtingin
Підліткова літератураShaila De Jesus, a 57 year old woman who reminisce her high school life where she fell in love with her classmate, Jerome Angquico for 4 years. She'll tell a story of a girl who secretly watching her crush from a far and how it all ended after their...