Teaser

11.9K 171 2
                                    

ROGUE SOCIETY 1: Brice Adrien Martinez
By: Breil

A/N
It's a REPOST take time to read may mga binago po ako pero ganun pa rin naman ang plot ng story.

BRICE ADRIEN MARTINEZ lumaki sa paniniwalang ang mga babae ay sakit lang sa ulo at di dapat na seryosohin.

Sampung taong gulang palang siya nang mamatay ang ama sa isang car accident kasama ang kabit nito na isang modelo, samantalang hindi naman niya alam kung buhay o patay na ba ang di man lang nakikilalang ina.

Tanging ang Lolo niya lamang ang nagpalaki sakanya at nagsabing....

"Brice, tandaan mo, walang puwang ang mga babae sa puso nating mga lalaki. Dahil sila ang magiging kahinaan at magdadala sa iyo sa kabiguan..... pawang sakit sa ulo at puso lamang ang kanilang dala." 

Iyan ang litanya nang kanyang Lolo na itinatak niya sa kanyang puso't-isipan.

..

CARYL ENA SARABIA anak sa pagkadalaga nang isang GRO at kasalukuyang nakatira sa bahay/beerhouse na pag-aari ng kanyang ninang na matalik na kaibigan ng kanyang ina at siyang nagkupkup at nagpalaki sa kanya simula ng maulila siya. Ito nalang ang nag-iisa niyang pamilya.

Lumaki man siya sa paligid na puro magdalena ang kasama ay buo pa rin ang kanyang pagkatao at dignidad.

Pero paano kung dumating ang pagkakataong malagay sa panganib ang puring iniingatan ng dahil sa isang napakalaking AKALA?

Gaano nga ba kahirap pag-abutin ang isang langit at lupa kung ang nasa pagitan ay TAKOT at ALINLANGAN sa bawat isa?

.....

Wanted Tutor  By @breiljaelvicTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon