"P-PERO, Tita." Naguguluhang pahayag ni Caryl. "Nagkakamali ho kayo, hindi ako lumuwas ng manila para magtrabaho. Sa katunayan nga po ay naka-enroll na ako sa MAPUA bago pa man kami lumuwas ni Mama Ninang at alam ko na kayo ang kumausap sa eskwelahan para ma-enroll ako." Dagdag pa niya na tila nagpapanic na.
She doesn't have any idea kung ano ang mangyayari sa kanya ngayon. Kung sana ay nakinig lang s'ya sa Ninang Adel niya di sanay nasa probinsya pa rin s'ya at masaya.
Hindi naman sa ayaw niyang lumuwas sa maynila. Katunayan ay mabait naman ang kapatid ng kanyang Ninang at kasundo pa niya ang anak nga nitong si Ulyses, kaso lang bakit tila biglang nangyari ang lahat ng ito at paano na ang pag-aaral niya.
"Caryl, Iha. Iyun din ang alam ko at walang nabanggit s'kin si Adel na magtatrabaho ka, pero iyun ang sabi ni Atty. Sevilla na may usapan na daw sila at urgent ito!"sagot naman ng kapatid ng kanyang ninang na si Tita Leda.
"Tita di ba pwedeng hintayin nalang muna nating magkamalay si mama ninang bago ako pumunta doon? N-natatakot po kasi ako." pakiusap pa ng dalaga.
"Iha, as the doctor said... hindi natin alam kung kailan magkakamalay si Adel, and don't worry I know Don Martinez, mabuting tao iyun kaya alam ko kung anu man ang trabahong iniutos niya kay Atty ay hindi masama." pakunswelo pa nito kahit na sa totoo lang ay labag ito sa kanyang kagustuhan.
Malungkot na napayuko ang dalaga. She didn't expect this to happen pakiramdam niya tuloy kasalanan niya.
kung sana nakinig lang siya na huwag makihalubilo sa mga nagtatrabaho sa beerhouse ng ninang niya sana di ito mapipilitang dalhin siya sa manila at sana di ito naaksidente.
Paluwas na sila papuntang manila nang mabangga ang sinasakyan nilang bus at dahil malapit sa bintana nakaupo ang ninang niya kaya medyo napuruhan ito at ilang araw ng walang malay, samantalang ang kasama nilang isa ay namatay ilang oras ang makalipas na madala sa ospital dahil tumama ang ulo nito sa isang bakal sanhi para magkaroon ito ng mga namumuong.dugo na naging sanhi ng pagkamatay nito.
himala namang walang masyadong nangyari s'kanya maliban sa ilang galos. Palibhasay nasa bandang gitna siya nakaupo kaya hindi masyadong naapektuhan.
Muling tumulo ang kanyang luha nang maalala ang sinapit ng mama ninang niya at di iyun nakaligtas kay Leda na agad siyang nilapitan at niyakap.
"Huwag mo ng isipin iyun, wala kang kasalanan at walang may gusto sa nangyari." sabi nito s'kanya kaya naman napayakap siya dito ng mahigpit saka napahagulgol ng iyak.
"bakit di mo muna subukan kung magugustuhan mo ba yung trabaho? Tutal naman sem-break palang at may isang linggo ka pang pahinga. 'pag hindi mo naman kaya o gusto ay pwede kang bumalik dito. There's no harm in trying, Who knows it'll be your stepping stone, Atleast you try." sabi nito uli s'kanya.
Kalaunan ay napapayag din ang dalaga pero sa isang kondisyon na agad itong tatawag pagkarating sa mansion ng mga Martinez, para malaman ang kanyang kundisyon sa bagong trabaho.
Bitbit ang isang maleta ay lumabas siya ng kwarto kasabay ni Leda patungo sa sala kung saan ay naghihintay si Atty. Sevilla para personal siyang ihatid sa mansion ng mga Martinez.
Hindi napigilan ng Abogado ang humanga sa simpleng ganda ng dalaga. Nakasuot lang kasi ito ng plain polo shirt na kulay light blue at denim jeans with a fitflop at walang bahid ng kahit na ano sa mukha. Nagtataka siya dahil kaibahan sa mga kilala niyang ganitong uri ang trabaho ang pagbebenta ng laman, na ang iiksi ng suot at makapal na make-up. This one is very simple at mukhang napaka-inosente.
"Kabataan nga naman ngayon oh.hindi mo na masabi kung sino ang matitino." May paghihinayang na muli niyang sinulyapan ang dalaga sa pag-aakalang isa nga itong GRO.
