" I'm sorry kung bigla akong umalis kanina, sumakit kasi ang ulo ko." pagdadahilan ni Ena nang sila nalang ng binata ang naiwan.
Matamang nakatingin sa kanya ang binata at saka napabuntong hininga. Tinatatya nito ang sasabihin kung ano o saan dapat mag-umpisa.
Mas lalo namang nakaramdam ng kaba ang dalaga sa pagiging tahimik niya, halos hindi nito matagalan ang tinging ipinupukol sa kanya ng binata.
"What would you like me to call you, Ena or you prefer Caryl?" Cymon asked in a flat tone kaya naman tila namutla siya. Although, may idea na siya na may alam na ito ay hindi pa rin niya maiwasan ang pagkabigla sa narinig nitong pagsambit sa kanyang pangalan.
Muling napayuko ang dalaga habang pinipilipit ang laylayan ng kanyang suot na tee shirt. Hindi niya magawang tumingin ng deretso sa binata at para rin siyang naurungan ng dila sapagkat wala siyang maapuhap na sasabihin.
What will I tell him? Na napagkamalan akong babaeng bayaran ni Brice, kaya ako tumakas? paniwalaan naman niya kaya ako?
Cymon take a seat next to her at saka hinawakan ang kanyang nanlalamig na palad. "Tell me, paano ka nakilala ni Brice ?" seryosong tanong nito na ikinakislot ng dalaga. "Bakit ka niya hinahanap o mas tamang sabihing pinapahanap? Dahil nalaman kong nag hire siya ng detective para hanapin ka. I just want you to know hindi ako galit at wala akong karapatang husgahan ka. Hell, I don't even care about your past. Ok?" saad nito na mababakas sa mukha ang senseridad sa huling katagang binitiwan nito. "I just want to know the truth, at kung dapat ba kitang hayaan na bumalik sa kanya."
Napa-angat ng tingin ang dalaga dahil sa sinabi nito kaya nagtama ang kanilang paningin, bakas sa mata ng binata ang paghihirap ng kalooban samantalang nagbabadya naman ang luha sa mata ni Ena.
"I'm sorry." mahinang sambit niya bago muling yumuko para itago ang pagbagsak ng kanyang luha. "May hindi lang kami napagkasunduan at hindi pa ako handang harapin siya. Please?" pakiusap niya dito.
"Ok, if it's your decision gagalangin ko. But let me tell you that, I'm here." sagot nito saka tumayo, pero bago pa man ito tuluyang tumalikod ay muli itong nagsalita. " Ena, I just want you to know that I'm happy, masaya akon nakilala ka namin ni Lei, kaya kung ano man ang magiging desisyon mo... Sana ay pag-isipan mong mabuti." with that he walk of and go to his room. Habang naiwang tulala ang dalaga na mas lalong naguguluhan.
Yeah, masaya rin siyang nakilala ang mag-amang Cymon at Lei, pero kailangan na niyang harapin ang sariling problema.
Hindi niya alam kung dapat ba siyang matuwa ba ipinahanap siya ni Brice o matakot dahil baka ipagkanulo siya ng sariling damdamin sa oras na makaharap na ito?
"SHIT, such a bloody rogue!" inis na usal ni Sylen habang nakatitig sa cellphone na hawak at nag-iisip kng tatawagan ba si Ena para makipagkita at maki-usap o ipagsawalang bahala ang binitawang salita ni Brice.
Damn, She doesn't want to marry him. at alam niyang may kung anong namamagitan sa pagitan nito at ni Ena. Pero paano naman ang kakambal niya at si Lei? alam niyang napamahal na.sa mga ito ang dalaga. At kung sakali mang tama ang hinala niya ay hindi titigil si Brice hangga't hindi ito nababawi.
"H-hello Ena? -ah yup si Sy 'to, anu kasi eh, yayain sana kitang manood ng praktis ko bukas, kung ok lang sayo?" nauutal na saad niya nang sagutin nito ang tawag niya.
"Really? that was great! Ok, sure not a problem. Thanks, I'll pick you up then?" muli niyang tugon nang pumayag ito na.makipagkita sa kanya.
Napabuga siya ng hangin na hindi niya namalayang pinipigilan pala niya. Then she smiled suddenly nang may kung anong kapilyahan ang naisip. Well, two can play a game, right?
