Finale

7.5K 202 16
                                        

Rogue society 1: Wanted TUTOR

( Brice & Caryl )

CHAPTER ELEVEN

MABILIS na napatayo ang dalagang si Caryl nang marinig ang sunod-sunod na katok sa pinto. Wala naman silang inaasahang bisita. simula kasi nang bumalik siya ay itinigil na ng kanyang mama ninang ang beerhouse. It's been three months nang bumalik sila sa pinas ni Brice, hindi na nila pinanood ang motor cross na sinalihan ni DM ay Sy dahil naki-usap ang kanyang mama ninang na umuwi na siya. Wala ring nagawa si Cymon dahil buo na ang desisyon niya. Nangako naman itong bibisitahin siya oras na makabalik na ito ng bansa pero ilang buwan na ang nakalipas ay hindi rin nito nagawa ang binitiwang pangako.

Matapos siyang ihatid ni Brice at masiguradong ayos lang siya ay umalis din ito. Hindi rin niya magawang kalimutan ang huli nitong sinabi bago umalis.

"Just remember this, each night I'll lie awake thinking of you, knowing that you think of me too. Every passing second seems eternity as we think how many day and nights alone instead of being together. 

I leave you for now, pero 'wag mong isiping sumusuko na ako. I just want you to think things between us. We are meant to be Caryl, and I intend that to happen! You can fool me for saying, you don't like or even love me. But this..." as he pointed out his heart then her heart. " Knows better, that we are made for each other, like hand and glove. Babalik ako, at sa pagbalik ko muli mo akong tuturuang patawarin ang aking sarili sa pananakit sa damdamin mo. at kapag napatawad ko na ang aking sarili. you'll cry in my arms and tell me how you missed and loved me the same way that I love you each day." he stated bago nito sinakop ang kanyang mga labi ng walang babala the kiss lasted a few second pero pakiramdam ng dalaga magpa sa hanggang ngayon ay naroon pa rin ang labi ng binata."

God she missed him so much. And as what he said every second that passed by is like eternity without him.

"Hi," ang nakangiting si Cymon ang bumungad sa dalaga nang pagbuksan niya ito ng pinto.

"H-hello, pasok ka!" aniya sa binata na nawala ang ngiti nang mapagawi ang tingin nito sa kanyang hindi pa masyadong halatang tiyan. "Is it Brice?" tanong ni Cy na hindi alam kung dapat pa bang pumasok o hindi na. Tumango naman ang dalaga bilang kasagutan. Sapat nang malaman nitong si Brice ang ama ng kanyang pinagbubuntis, pero hindi na nito kailangan pang malaman ang totoong sitwasyon nila.

After so many nights battling his self, napagdesisyunan din ni Cymon na kausapin si Caryl at suyuin. Yes, he has a plan to woo her, pero huli na pala siya dahil buntis ito at si Brice ang ama.

"Caryl, si Brice na ba ang dumating?" narinig nilang tanong ni Adel na papalapit sa kanila. "Bakit hindi mo.pinapasok?" 

""Magandang hapon ho!" bati ni Cymon dito ng tuluyan itong makalapit sa kanila.

"Magandang hapon din iho." ganting bati nito na halatang malamig ang pakitungo dahil muli itong tumalikod ay bumalik sa loob ng bahay kaya muling naiwan ang dalawang nakatayo sa labas ng pinto.

Ilang minuto ang lumipas na pareho silang natahimik at nililimi ang dapat sabihin.

Kinakabahan ang dalaga sa isiping ano mang oras ay darating si Brice. May alam kaya ito sa sitwasyon niya? Malamang, dahil mukhang malapit ito sa kanyang ninang, sa katunayan ay nagulat siya sa kaalamang inaasahan nito ang pagdating ng binata. Samantalang siya ay wala man lang kaalam-alam.

"Caryl, pwede ba kitang yayaing mamasyal bukas? Lei also missed you." Narinig niyang tanong ng binata na hindi niya agad nasagot dahil ayaw niyang umasa pa ito.

Wanted Tutor  By @breiljaelvicTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon