Prologue

9 1 0
                                    


"Dear Diary,I met a boy, and he makes my heart flutter and happy. Everytime i see his smile, i feel like i'm floating. He made my life light up with a joy, the charm of his smile makes me crazy. I like him so much and i will do everything to make him happy." i read.

Yes, may nakilala akong isang lalaki na minahal ko ng sobra. Yung sobra na nakakasakal at nakakalimutan mo ng mahalin ang sarili. Nakakabaliw yung tipong gagawin mo ang lahat at magpapakatanga ka sa isang bagay na alam mong ikasisira mo sa huli. 

Sabi nila when you really love that person you'll do everything to make him happy. Ginawa ko naman lahat e. Nagpakatanga, nagpakabaliw at kinalimutan kong mahalin ang sarili ko para lang sa kanya. 

Sino bang babae ang gugustuhin magmahal at magpakabaliw sa isang lalaki na hindi naman siya gusto? Yung tipong kahit paulit-ulit isampal ang katotohanan na hindi ka talaga gusto dahil may mahal na iba. 

Pero kapag sobra na ang sakit minsan kailangan mo ng bumitaw kasi sa huli ikaw ang magiging kaawa-awa. Yung nagpapakasaya na siya sa iba habang ikaw luhaan sa isang tabi at hindi alam ang gagawin. 

Agad kong pinahidan ang luha na tumakas sa aking mga mga mata, niyakap ko ng mahigpit ang Diary na hawak- hawak ko habang mapait na nakangiting lumuluha. 

Ilang beses kong tiniis ang sakit at naghintay ng matagal dahil akala ko ito na ang tamang panahon. 

Napatingin ako sa pintuan ng kwarto ko ng bigla itong bumukas. " Are you ready?" It's Cassandra, my dearest cousin. 

Dali-dali kong inayos ang sarili ko at pinahidan luha sa pisnge ko, inayos ko ang diary na hawak ko at nilapag ito sa lamesa. "Yes , all done." i said.

Tinaasan niya ako ng kilay saka kinuha ang diary na nilapag ko sa lamesa. "Akala ko ba itatapon mo na 'to? Bakit iniiyakan mo nanaman 'to? Akala ko ba masaya ka na? Nasaan na yung Shiro na binuo mo?" Sunod-sunod na tanong niya.  Tinaasan ko siya ng kilay at kinuha ang diary na hawak niya pero nilayo niya 'to.

"Give it to me Cass! Umiiyak ako dahil masaya ako kasi wala na akong nararamdaman pa!" Inis na sabi ko pero ang ponyetang babae na 'to tinawanan lang ako.

Nilagay niya sa bag ang diary. " No, i won't." hinila niya ako at inihirap sa salamin na nasa harapan namin. " Look at yourself, binuo mo yan ng dalawang taon dito sa Japan." napatitig ako sa sarili ko. "Iniwan mo ang pilipinas na mahigit tatlong taon para maayos mo ang sarili mo. And today we're going back there." 

I'm ready to face those people who betrayed me. 




DISCLAIMER:

This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

NOTE:   

Lahat ng nakasulat sa novela na ito ay kathang isip ko lamang, kung may mga katulad na pangyayari ito ay hindi sinasadya o nagkataon lamang. Hindi ako magaling na manunulat kaya hindi maiiwasan ang mga pagkakamali sa mga salita. 


Unwanted Love from youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon