Elira
Malamig na hangin ang yumakap sa aking katawan pagkalabas ko sa tinitirhan kong maliit na apartment. Kung ang iba ay nakahiga na sa kanilang malalambot na kama habang yakap-yakap ang mga mahal nila sa buhay, ito naman ako na sisimulan pa lang ang araw ko.
Noong unang araw ko rito sa Maynila ay manghang-mangha ako sa mga nagtatayugang mga building, mga maiingay na sasakyan, at sa malalamig na mga malls ngunit ngayon ay sawang-sawa na ako sa buhay ko rito. Nakakapagod na mabuhay rito lalo na at paulit-ulit lang naman ang nangyayari.
Makakatanggap ng kung ano-anong mga bills, kikita ng pera, babayaran yung mga bills, magugulat ka na lang wala ng matitira sa perang pinaghirapan mo.
Anu-ano na rin ang mga trabahong pinasukan ko para matustusan ang aking pag-aaral at pati na rin ang aking pamilya na naiwan sa probinsya ngunit kahit ilang trabaho ang pasukin ko, ilang trabaho ang pagsabaysabayin , hindi pa rin kasya ang perang kinikita ko.
Kaya noong sinabi ng kaibigan ko na merong bakante sa club na pinapasukan nya ay hindi na ako nag-atubiling sunggaban iyon. Hindi man ito ang trabahong gusto kong pasukan, ito naman ang dahilan kung bakit hindi kumakalam ang sikmura ng magulang at kapatid ko.
Hindi rin naman ganoon kasama magtrabaho sa club. Bukod sa tigahatid lang ako ng mga drinks at pagkain, nakabantay rin ang mga bouncer kung sakaling may mambastos sa amin. Bukod sa hapit na hapit na mga damit ay wala na akong reklamo sa Wild Point. Napakalaking tulong ng Wild Point sa buhay ko. Besides sa sahod namin gabi-gabi, nakakalaki rin ako sa mga tips.
————
"Himala! Bakit hindi ka nag-inarte sa susuotin mo ngayon?" Asar sa akin ng kaibigan kong si Olive. I just roll my eyes on her while putting a red lipstick.
Our costume for tonight is not that bad. It's still a sexy outfit but mas better compare sa mga naunang damit. I am wearing a black lace brallete that exposed part of my boobs and thanks to the see through black top at medyo naaalis ang pagka-ilang ko.
My only problem for my costume tonight is the bottom part. I am pretty sure that my buttcheeks are somehow expose. Bukod sa sobrang ikli ng short na suot-suot ko ay gawa pa ito sa latex, sobrang hirap nyang suotin. The fishnet tights and black long boots that I am wearing compliments my short. Thank God.
"Tawag ka na ni Ma'am Liz, susunod na lang ako pagkatapos kong magmake-up." Tumayo ako sa kinakaupuan ko. Laging ako ang unang tinatawag ni Ma'am Liz sa aming mga waitress dahil ako ang unang natatapos sa pagbibihis at pagmemake-up. I don't wear much make-up. Konting eyeshadow, eyeliner, at isang makapal na red lipstick lang ang ginagamit ko at okay na ako.
It's not that I-am-different-because-I-don't-wear-make-up type of girl, sadyang hindi lang talaga ako marunong gumamit ng make-up. Baka imbis na gumanda ay baka katakutan pa ako ng mga customers.
"Good evening, Elira." Bati sa akin ni River. He never missed a night to greet me or to tell me that I am beautiful. Bukod sa taglay nyang bait ay kasing edaran rin namin sya ni Olive kaya nagkakasundo kami. Katulad rin namin sya na kailangang tustusan ang pag-aaral at pamilya kaya napilitang magtrabaho sa club.
He is a good looking man. His mid length brown hair really compliments his oval face and angular jaw. Olive really love his hazel brown eyes. Sino bang hindi?
There is something in his eyes that I can't explain. His eyes is inviting but also icy. Soulful but somehow empty.
But for me, his mysterious, enchanting, and hypnotic eyes is not his main asset. It's his smile. His face glows every time he smile. Para bang mapapangiti ka na rin dahil nakangiti sya. Baka kaya minsan mas marami pa syang nauuwing tip sa akin. Because of his dangerous irresistable smile.
![](https://img.wattpad.com/cover/279448755-288-k613165.jpg)
BINABASA MO ANG
Touch Me Please Me Love Me (Devil's Law #1)
Storie d'amoreHis kisses is like a poison to me. It is dangerous, deadly, and toxic. But what will I do? I am already addicted to his warm, wild, luscious kisses. In every kiss, in every touch, and every kiss, he brings me to the heaven that only he knows. I wo...