Parallelism: Galactic Frontier

41 13 1
                                    


Twinkle

"Ate... huwag po sana kayong mabibigla sa sasabihin ko."

Paunang banggit ni Ningning habang ang kanyang boses ay unti-unti nang napipiyok dala ng tensyon na bumabalot sa kaniya.

Ako'y kinakabahan at hindi mapakali dahil malakas ang kutob ko na tungkol ito kay Alex.

Nabasag na talaga nang tuluyan ang emosyon ko nang narinig ko siyang umiiyak—nalulungkot at nakakaramdam ng siphayo.

"Ate... wala na si Alex..." Tuluyan na niyang binuhos ang emosyon na kanyang nararamdaman.

Si Alex ang bunso sa'min. Bibo at matalino, kaya't ako, si Ningning pati si Papa ang nag-aalaga sa kanya nang mamatay si mama mula sa pagkapanganak sa bunso namin, makalipas ang siyam na taon at muling naulit ang nangyari?

Leukemia ang sakit niya, kung saan pinapatay nito ang white blood cells na siyang dahilan ng kanyang kalagayan mula noon. Noong una ay nahirapan kami dahil hindi ko alam kung saan kukuha ng pera na pang-dialysis sa bunso namin, ngunit nang dahil sa katatagan ng loob namin ay gumawa kami ng paraan.

Nang marinig ko ang balitang iyon ay halos nanghina ako sa kinatatayuan ko ngayon. Tuluyan na akong nadapuan ng pagtangis dahil sa balitang ibinigay sa'kin sa telepono. Gula-gulanit na ang aking puso, hindi ko aakalain na mawawala na siya nang parang bula. Lilisan na ang lupa upang samahan ang kanyang inang naghihintay sa kanya sa langit.

"Alex... sabi mo laban lang, hindi ba? Pero bakit ka kaagad sumuko?"

Solar

Kasabay ng malamig na hangin na dumadampi sa aking balat ay bumabalik rin ang mga ala-alang nagbigay ng dahilan para mas maging matigas ako, mas maging matapang para ipaglaban ang dapat kong ipaglaban.

Nakapatong sa aking mga hita ang ulo ng aking lalaking kapatid habang hawak ko nang mahigpit ang kamay ng aking pinakamamahal.

"M-my queen..." bulong niya. Direkta siyang nakatingin sa aking mga mata.

"Sirius why? Please naman lumaban ka!" Ramdam ko na ang paghina ng kanyang paghinga. Using his other hands full of blood he tried touching my cheeks.

"Shh—stop crying, my love."

Tiningnan ko ang kapatid kong wala ng buhay. "H-hindi niyo ako iiwan diba?" Pagsusumamo ko sa kanila. Ang mga luha kong traydor ay 'di na matigil sa pagpatak.

"My mission is done, my love."

"No! Your mission with me is not done yet. Don't close your eyes, please..."

Malambing niya akong tiningnan at dahan-dahang nginitian. Ang kanyang mga ngiting 'di ko na muling makikita.

"No! No! Please..." Hinawakan ko ang kanyang mga pisnge. "... Sirius please, open your eyes for me my love, please!"

Kung muli man akong iiyak, 'di na dahil sa lungkot at pait. Sisiguraduhin kong sa susunod na pagpatak ng aking mga luha ay dahil na sa tuwa, dahil alam kong naibigay ko ang karapat dapat na hustisya para sa asawa't kapatid ko.

Elie

"Time of death, 12:01 AM."

My hands are cold and shaking. I wasn't able to save her, I wasn't able to fulfill my promise.

"N-No, it's not possible. Hindi p'wede!" Iyak ko habang umiiling. Hindi! Hindi pa siya patay! Hindi maaari, imposibleng mangyari 'yon!

"El, tama na. Ginawa naman na natin yung best natin..." Theo tried to touch my shoulder to comfort me, pero lumayo agad ako sa kanya.

Parallelism: Galactic FrontierWhere stories live. Discover now