Chapter 1: First Encounter

2K 53 2
                                    

"Unnie make it fast, we're running late on our first subject. Ang terror pa naman daw ng prof. natin sa biology." Sabi ni Rosé habang hinihila si Jennie sa hallway ng kanilang building.

"Teka lang naman Rosé, chill. We still have 10 minutes left, bakit ka ba nagmamadali?" Sabi ni Jennie at huminto siya sa pagtakbo dahil medyo hinihingal na siya.

"Unnie, it's better to be early than late. Ayokong maparusahan kaya tara na!" Sabi ni Rosè at tsaka pinasimulang hilain si Jennie at tumakbo ulit.

Tumatakbo sila sa hallway pero hindi ganoon kabilis nang mabitawan ni Rosè ang kamay ni Jennie nang mabangga ito sa isang babae.

"Ah! I-im sorry I didn't mean to bump into you. Nagmamadali kasi kami, I'm sorry ulit." Sabi ni Jennie habang nagba-bow sa babaeng nabangga niya.

"Watch your steps! Paharang-harang!" Pagrereklamo ng babaeng nabangga ni Jennie. Hindi masasabing babae siya dahil sa sisiga-siga ang dating niya. Dagdag pa roon ang paraan ng pagtindig at pagkilos niya.

"Nag sorry na nga 'di ba? Akala mo naman kung sinong may-ari ng hallway." Pagrereklamo rin ni Jennie sabay ikot ng kaniyang mga mata roon sa babae.

"Don't you know who I am, miss?" Tanong ng babae kay Jennie. Mukhang seryosong-seryoso ito dahilan para mapalunok si Jennie.

"Should I? Bakit, sino ka ba? May-ari ka ba ng school na 'to?" Pagtataray ni Jennie at napangisi naman ang babaeng nasa harapan niya. Habang sa kabilang banda, si Rosè ay napanganga na lang sa mga pangyayari habang salitang tinitignan ang kaniyang kaibigan at ang babaeng nabangga nito.

"I think your friend over there knows who I am just by the look of her face." Huling sinabi ng babae at tsaka umalis.

Dali-dali namang lumapit si Rosé kay Jennie para tanungin kung kumusta ito. "Unnie, are you okay? Did something hurt?" Sunod-sunod na tanong ni Rosé dahilan para matawa si Jennie.

"Hey hey, calm down. Ayos lang ako Rosé. Thank you." Sabi ni Jennie sabay ngumiti.

"Are you sure, unnie?" Tanong ulit ni Rosé.

"Yes Rosé, I'm fine. So let's go now kasi sasabihin mo pa sa'kin kung sino yung mayabang na 'yon mamaya." Sabi ni Jennie at tsaka naglakad sa tabi ni Rosé papunta sa kanilang classroom.

Good thing dahil na-late ang kanilang prof. at hindi sila naabutang late kun'di ay makakatikim sila ng parusa. Ilang minuto ang lumipas at dumating na ang kanilang prof. Binati nilang lahat ito at umupo sa kanilang kaniya-kaniyang upuan nang may isang kapapasok lang na estudyante at naglakad ito papunta sa kaniyang upuan na parang walang nakitang guro sa unahan.

"Excuse me miss, wala ka bang nakikita?" Sabi ng prof.

"Huh? Oh, hi there" Sabi ng estudyanteng may pagka mayabang ang toni. Uupo na siya nang biglang nagsalita ulit ang professor sa unahan.

"I haven't told to you to sit yet" sambit ng guro pero dahil nga arrogant siya, hindi ito nakinig at nagpatuloy lang sa pag-upo. Napahinga na lang nang malalim ang professor at tinignan sa kaniyang class record kung sino ang taong ito.

"Ah, so you're the hard-headed student they're all talking about – Lalisa Manoban, i see." Sabi ng guro at tsaka isinira ang kaniyang class record sabay tingin kay Lisa na kumakaway na sa guro ngayon habang nakangiti.

"Oh my gosh! Is she the arrogant girl I bumped earlier? How can she be like that in front of the professor?" Tanong ni Jennie kay Rosé na nasa tabi niya lang din nakaupo.

"Shh! She might hear you, unnie. Basta I'll tell you about her later." Sabi ni Rosé habang nagnanakaw ng tingin sa direksyon ni Lisa. At pagtingin nilang parehas ni Jennie ay nakatingin na ito sa kanila.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 11, 2024 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The One That Got Away (Jenlisa FF)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon