Ariel BenecioNakatayo ako sa labas ng presinto na malapit sa lugar kung saan ako pinanganak. I took a deep breath before I headed inside.
"Good morning, sir," bati ko sa police officer na nasa front desk.
"Good morning din sa 'yo, Ariel. Dadalawin mo na naman ba ang nanay mo?" I nodded at him. Ngumisi siya sa akin saka napailing. "Ewan ko kung bakit bumabalik ka pa rin dito. Hindi nababagay ang isang magandang dilag na kagaya mo rito. Pero sige, dalawin mo na ang nanay mo."
Sinabihan niya ang isang police na kunin ang nanay ko sa loob. Nagpasalamat ako sa kanya saka pumunta sa visiting area para doon maghintay.
Kilala na nila ako rito dahil halos tatlong taon na rin akong dumadalaw sa nanay ko. Simula kasi nung nalaman ko na may cancer ako, I was so scared and felt like I was not ready to die. Para kasing may kulang pa sa buhay ko pero hindi ko matukoy kung ano. Every night, I would include in my prayers na sana i-reveal sa akin kung ano ang kulang na iyon because I wanted to feel complete.
Then one night, I had a dream while I was in the hospital. I dreamed of my biological mother. In my dream, I saw her hugging a little girl. She was so caring and loving to her. She was even smiling to her. And it turned out that the little girl was me.
Since that night, I had been longing to see my biological mother, so I told myself to see her if ever I got to go out of the hospital alive.
After I finished my chemotherapy, I secretly went to the precinct where she was jailed. Our first meeting did not turn out well because she was not happy to see me. I did know why, but I still kept on coming to see her. I felt like I did not want to stop visiting her until I got what I wanted, until I felt contented.
Hindi naman sa hindi ako kontento sa buhay ko ngayon o hindi ko mahal sina mommy and daddy. Actually, mahal na mahal ko sila. They took really good care of me. They loved me so much like I was their own blood. The thing I liked the most was that they were honest to me. They did not hide my background and real identity from me. Sinabi nila sa akin ang totoo noong nagkaisip na ako at naiintindihan ko na ang mga bagay-bagay. They said gusto nilang lumaki ako na alam ang pinanggalingan ko. Their intention was pure kasi ayaw nilang maramdaman ko na may kulang sa akin, and I loved and thanked them so much for doing that.
Umupo ako sa waiting area para sa mga bisita at tahimik na naghihintay. Nung nakita ko ang nanay ko ay agad akong tumayo para salubungin siya. Nakita ko kung paano sumama ang reaksyon ng mukha niya nung nakita niya ako.
"Bakit nandito ka na naman?" inis na tanong nito sa akin.
Akmang kukunin ko na ang kamay niya para magmano pero agad niya itong nilayo mula sa akin saka sinamaan ako ng tingin.
"Alam mong bata ka, hindi ko maintindihan kung bakit pumupunta ka pa rito." Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa. "Mukhang okay naman ang buhay mo. Mayaman ang umampon sa 'yo. Kaya bakit kailangan mo pa akong puntahan? Wala akong maibibigay saiyo."
Tiningnan niya ng mabuti ang nanay niya. Hindi ganun kadami ang alaala niya tungkol sa nanay niya dahil masyado pa siyang bata noon para maalala lahat. Ang laki na ng tinanda ng itsura niya kumpara noon. May mga puti na sa buhok niya at may mga kulubot na ang mukha. Pero ang hindi ko makakalimutan mula sa kanya ay kung ano ang pinaramdam niya sa akin noon.
Sariwa pa sa mga alaala ko kung gaano ako umiyak noon kapag pinapalo niya ako at sinasaktan. May isa lang akong maling sabihin o itanong sa kanya ay kukurutin na agad niya ang tenga ko o kaya ay hahatakin ang buhok ko. Hindi ko na mabilang kung ilang beses na niya akong sinaktan noon dahil sa sobrang dami na.
"Pupunta-pupunta ka rito tapos iiyak ka? Tigilan mo nga ako sa drama mong iyan, Joy! Sabihin mo na kung ano ang gusto mong sabihin at umalis ka na."
Hindi ko napansin na naiyak na pala ako. Naalala ko lang ang nangyari noon ay naiyak na agad ako.
Mabilis kong pinunasan ang mga luha ko saka tumingin sa kanya. Pilit kong pinatapang ang mukha ko, na siyang hindi ko nagawa noon sa harap niya.
"Ano? Gusto mo akong saktan? Maghihiganti ka? Sige, gawin mo!" sabi niya saka tinulak ako sa dibdib na kinaatras ko.
Ang sakit isipin na ganito ang turing sa akin ng nanay ko hanggang ngayon. Ano ba ang maling ginawa ko sa kanya? Wala naman akong kasalanan. Lahat naman ginawa ko noon para kunin ang loob niya.
"Alam niyo ba na may cancer ako?" mahinang sabi ko na kinatigil niya. "Alam niyo ba na muntik na akong mamatay?" May mga tumulo na namang luha mula sa mga mata ko. "Alam niyo ba na may mga araw na nasa hospital ako at ikaw ang naiisip ko?" Nagulat siya sa sinabi ko.
"Iniisip ko kung iniisip niyo rin ba ako. Iniisip ko kung nagsisisi na ba kayo sa ginawa niyo sa akin noon." Napalunok ako para pigilan ang pag-iyak ko. "Pero sa nakikita ko ngayon, mukhang wala naman kayong pakialam sa akin na anak ninyo. Mas lalo niyo lang pinaparamdam sa akin na hindi niyo naman talaga ako minahal."
Hindi nakasagot si nanay. Nakatingin lang ito sa akin. "Nandito ako para sabihin sa inyo na pinapatawad ko na kayo. Sana ay patawarin niyo rin ako kung may ginawa man akong mali sainyo. Ang ikli lang kasi ng buhay, iyon ang natutunan ko habang nasa hospital ako. Kaya sana ay mapatawad natin ang isa't-isa, nay."
Pinunasan ko agad ang luha na pumatak sa pisngi ko. Matapang ko siyang tiningnan. "Hindi na ako babalik dito dahil nasabi ko na ang gusto kong sabihin. Alam niyo ang numero ko kung sakaling kakailanganin niyo ako," sabi ko saka tumalikod na.
"Bakit mo ginagawa ito?"
Liningon ko siya at malungkot na ngumiti sa kanya. "Ina pa rin kita kahit papaano. Utang na loob ko sainyo na binuhay ninyo ako kahit hindi ka pinanagutan ni tatay."
Hindi siya nakasagot kaya dahan-dahan akong tumalikod at naglakad palabas ng presinto. Napabuntonghininga ako ng malalim pagkalabas ko.
Hindi ko alam kung makakabalik pa ba ako sa lugar na ito o kung makikita ko pa ba ulit ang nanay ko. Nakakalungkot kung ito ang huling pagkikita namin dahil hindi pa rin kami magkasundo. Pero nagawa ko na ang dapat kong gawin. Okay na siguro ako. Kailangan ko nang makuntento sa kung anong meron ako ngayon.
Nung tinulak niya ako kanina, bumalik ang sakit na naramdaman ko noon nung sinasaktan niya ako. Ayokong maranasan ulit iyon kaya kahit gusto ko mang makita siya ulit, mas okay nang tumigil na ako. Ayoko kasing madagdagan pa ang mga masasamang alaala ko sa kanya.
Sumakay ako sa motorbike ko saka nilagay ang helmet bago ko ito pinaandar at pinatakbo paalis.
* * *
After a little more than a year, I finally updated this story lol ;) Sorry for the long wait, and I hope you are still here to support this story! Take care, everyone! 🤍
28 September 2022
Miss Kae @KaeJune
BINABASA MO ANG
In the Midst (Daughters Series 1)
General FictionAriel Benecio's Story. Bob and Belle's daughter. MAH Series' Second Generation. 4 January 2021. Miss Kae (@KaeJune)